Isabelle Daza's second sexy magazine cover gets "No more violent reaction" from mom Gloria Diaz

After an incident last year, wherein her mom Gloria Diaz reportedly got angry at the staff of a local magazine, Isabelle Daza is happy to report that for her second "sexy" magazine cover, all things went well. “Nakita na ng mom ko. She’s happy naman. Wala na siyang violent reaction this time," she says.


Si Isabelle Daza ang latest cover girl ng Cosmopolitan Philippines Magazine, at kapansin-pansin na medyo sexy ang concept ng pictorial niya para sa summer-themed April 2013 issue na ito.

“This is my second sexy cover na pinagbawalan ko ang mom ko na magpunta sa photo shoot, kasi… alam mo na!” sabay tawa ni Isabelle nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) backstage sa Party Pilipinas last Sunday, March 17.

Matatandaang naintriga noong nakaraang taon ang pictorial ni Isabelle para sa cover naman ng Rogue Magazine.

Naging issue ito dahil sa napabalitang pagsugod, pagtataray, at paninita umano ng kanyang inang si Gloria Diaz sa mga staff ng magazine dahil sa sexy concept ng shoot.

CLICK HERE to read related article

Pero masayang ibinalita ni Isabelle na iba raw ang naging sitwasyon ngayon sa photo shoot niya sa Cosmo.

“Excited ako dahil napakaganda ng magazine. Napakaganda ng theme.

“Yeah, I’m excited for it to come out kasi pang-summer.”

Suot ni Isabelle sa naturang cover ang isang sexy pink one-piece swimsuit na may mababang cut sa may dibdib.

Ano ang naging reaksiyon ng kanyang inang si Gloria sa cover photo niyang iyon?

“Nakita na ng mom ko. She’s happy naman. Wala na siyang violent reaction this time.

“Oo, proud siya!” sabay tawa ulit niya.

Isa pa sa pinag-ugatan ng problema nila ng kanyang ina noon ay dahil hindi umano ipinaalam ni Isabelle sa kanyang ina na gagawa siya ng isang sexy pictorial.

Ngayon ba ay nagpaalam na siya sa ina?

“Um, kahit hindi ko ipinagpaalam sa kanya, I just did it.

“After ko na lang sinabi kasi kung ipagpapaalam ko pa ‘yon, baka… pumunta na lang siya do’n!” muling pagbibiro ni Isabelle.

“But at least, ngayon, happy na siya. She’s okay naman with it.

“Kasi I’m older na naman, at saka summer naman nga ‘yong concept, e. Hindi naman puwedeng puro covered off,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ba ay pinagbabawalan pa rin siya ng ina na magpa-sexy sa photo shoot?

“Okey lang naman sa kanya basta may limit, and… same sexiness lang naman ‘yong ginawa kong pictorial doon sa first ko.

“Pero I think this one is just more for the girls. For girls kasi ‘yong magazine.

“But I’m so equally proud as my other one,” nakangiting wika ng dalaga.

HOLY WEEK IN BALI. Dahil napag-uusapan na rin lang ang summer, tinanong ng PEP kung saan nakatakdang magbakasyon ngayong Holy Week si Isabelle.

“Siguro I’m gonna go abroad. I’m gonna go to Bali [Indonesia] with my friends.

“And also, my mom will be there with my family, so iyon, para maiba. That’s my summer get away.

“After that, puro work na naman.”

IT TAKES A MAN AND A WOMAN. Bukod sa kanyang TV shows sa GMA-7, busy din si Isabelle sa pagpo-promote ng pelikulang It Takes A Man And A Woman, na siyang pagbabalik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Ka-love triangle siya ng dalawa sa istorya nito.

Ano ang saloobin niya tungkol sa proyektong ito?

“I’m excited kasi this is my first movie, tapos napakatagal naming pinaghirapan ito— six to seven months!

“So, medyo happy na ako na it ended because I wanna show it to everyone.

“But siyempre, I’m saddened also because I want to work with the people there.”

Inilarawan ni Isabelle ang kanyang working relationship sa dalwang bida ng pelikula.

“Other girl ni John Lloyd ang role ko, pero okey naman siya.

“And I had my first kissing scene with him na… napaka-nerbiyos ko when it was shot, but it was very tastefully done.

“John Lloyd is my good friend. Sarah is also napakabait.”

Marami nang followers ang Sarah-John Lloyd tandem. Ready na ba siya sa posibleng violent reaction ng mga ito sa pagganap niya bilang other girl ni John Lloyd? O sa mga posibleng magiging bashers niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e,” pag-aalala ng model-host-actress.

“Pero hindi naman ako sobrang mean do’n sa movie. Pampa-add lang ng something different.

“It’s a romantic-comedy movie, pero I’m not so much more on the comedic side. Si Sarah ‘yon.

“Ako, medyo ‘yong role ko parang sosyal. Tapos I studied in the States, magandang manamit, kiyeme-kiyemeng gano’n.

“Hindi naman ako kontrabidang masasabi do’n sa story, e. Parang confused lang si Miggy [character ni John Lloyd] sa aming dalawa ni Sarah.”

Sa March 30 mapapanood ang pelikula sa mga sinehan.

BEAUTY QUEEN. Samantala, lagi pa ring natatanong si Isabelle hanggang ngayon kung bakit hindi siya sumali sa Binibining Pilipinas gaya ng kanyang ina na nanalong Miss Universe noong 1969.

Ayon kasi sa karamihan, pang-international beauty title din nga raw ang physical features ni Isabelle.

Sa katanuyana, marami ang nag-akalang sasali na siya this year dahil 50th anniversary ng naturang pageant.

“Oo nga, e. Pero mahirap ‘yon!” sabay ngiti niya.

“Tama na ang isang korona sa pamilya. I’ll just borrow my mom’s crown.

“Isinusuot ko naman ‘yon minsan, e,” natatawang wika ni Isabel.

(CLICK HERE to see Isabelle Daza wearing Gloria Diaz’s crown)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN