Morena beauties Shamcey Supsup and Venus Raj want Filipinas to embrace their natural skin color

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup and Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj reveal that they also used to be insecure about their skin color but are now very proud of being morena.


Unlike previous years when fair-skinned mestizas dominated beauty pageants, this year's crop of Binibining Pilipinas candidates are comprised of a growing number of morenas.

Venus Raj, Shamcey Supsup, and Janine Tugonon won consecutive Binibining Pilipinas-Universe titles from 2010 to 2012, and went on to win 4th, 3rd, and 1st runners-up, respectively, in the Miss Universe pageant.

All three women embody the natural Filipina skin color which Americans and Europeans seem to be fonder of.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) had a chat with Shamcey Supsup and Venus Raj during their launch as Watson's ambassadors last Tuesday, April 2 at Makati Shangri-la Hotel.

Venus, the proud Bicolana with the darker skin color, is happy to know that more and more Filipinas are embracing their natural skin color.

She says, “Ay, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

“No, kasi before, parang hindi masyadong na-appreciate yung ganitong color, especially in the province na parang, pag maitim ka, nognog ang tingin sa ‘yo... pangit ka.

“Pero pag maputi ka sa province, parang sobrang ganda mo kahit hindi naman. Yung ganun.

“And ako growing up, parang yun ang lagi kong naririnig na parang, ‘Negra! Negra!’... yung ganun.

“And nung nag-join ako ng beauty pageant, dun parang nag-start ako na ako din mismo, na-appreciate ko yung sarili kong kulay.

“Kasi usually pag sa province sumasali ako ng beauty pageant, lahat ng kalaban ko mapuputi. Tuwang-tuwa ako pag ako lang ang maitim!

“Kasi parang, that sets me apart. Lahat sila magaganda, lahat sila mapuputi. E, ako lang yung maganda na, maitim pa!”

Venus and Shamcey both attest to the fact that foreigners, especially Caucasians, have a greater fondness for brown-skinned beauties.

The Bicolana of Indian descent continues, “Ayun, nakakatuwa lang na…and this time pati sa international scene, talagang gustung-gusto nila yung mga color natin.

“Actually, mas naa-appreciate ng foreigners yung color natin kesa sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakatuwa nga ngayon na Binibining Pilipinas, especially the candidates na sumasali ngayon, e, may mga kakulay na namin.

“Actually mas marami, sobrang dami. Yung mga mapuputi nagpapa-tan sila. Di, why not? Tangkilikin ang sariling atin.”

Shamcey concurs, “Siyempre, di ba, I’m proud of our skin. Kasi nga, sabi ko nga, abroad, gusto talaga nila tan. Tayo lang naman yung gusto ng maputi.

“Feeling ko ganun naman parati, e. Kung ano yung wala sa country mo, yun yung gusto mo. 'Tsaka di ba during my time, Ms. Angola won? Di ba maitim si Ms. Angola?

“Kaya mas na-open up din siguro sa mga girls na hindi mo kailangang i-change yung color mo. Maging proud ka kung maitim yung kulay mo.

“Kung maputi ka, e, di maputi. Wag ka naman magpa-tan. So, kung ano ka talaga, maging proud ka.”

The BS Architecture magna cum laude graduate also declares that there is no single profile of a beauty queen.

She elucidates, “And kumbaga every year, iba-ibang girls yung nananalo. Wala talagang definite na, 'ay, kailangan ganito yung itsura mo.'

“Like may definite ka talaga na peg or pag sinabing ganito, lahat ng nanalo ganito. Di ba boring naman pag lahat magkakamukha na mananalo.

“So, hindi talaga siya, wala talagang masasabi na may standard para maging beauty queen. Kaya dapat maging happy ka, kung anong meron ka, be proud.

“And it’s more of how you carry yourself sa stage or even sa mga normal na events... sa mga normal na activities.

“Dapat ano ka lang parati, yung parang confident ka and then you know how to interact with other people. Dapat charming, dapat kumbaga, marunong kang makisama... ganun.”

Shamcey also admits to having insecurities at some point in her life and not just because her skin color.

The 26-year-old reveals, “Siguro dati talaga hindi ko inisip na okay ako. Feeling ko nga parati parang may something wrong [sa akin].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi matangkad ako, 5’8.” Ayoko talaga ng matangkad kasi parang lagi akong naaasar na nanay ako ng mga…

“Kasi yung mga friends ko sa college, hanggang dito ko lang [dibdib], halos lahat.

“So, pag kasama ko sila parang ako nanay. Sabi nila, para kang nanay or pwede kang pumasa as ano... hindi ka estudyante tingnan. Kasi di ba, matangkad. So, ayoko talaga.

“Sabi ko if pwede akong magtanggal ng two inches, gusto ko talaga para hindi ako matangkad.

“Tapos kuba ako kasi gusto ko talaga papantay… kasi di ba pag nakatayo ako e di sobrang stand-out masyado. Ayoko talaga nun.

“Tapos yung ilong ko feeling ko sobrang tangos. Yung mga ganyan.”

What Shamcey initially imagined as flaws readily turned to her advantage the moment she entered the world of beauty pageants.

She relates, “Tapos pagdating sa beauty pageant, gusto pala nila yung mga matatangkad, patangkaran.

“Sa international pageant ako yung one of the smallest na. Kasi di ba ang talagang ano dun, 5’ 11” ... ganyan.

“Tapos yun nga, dun ko lang na-realize na, wala naman palang pangit at maganda. Feeling mo 'eto hindi okay, iba-ibang venue, iba iba nang gusto, di ba. Walang definite.

“Like sa school gusto nila, maliit lang... yung mga cute girls. Ako hindi naman ako cute kasi ang tangkad ko.

“Yun pala, yung beauty pageant naman ganito... gusto nila payat, then matangkad. Tapos dapat yung features mo medyo strong, hindi lang dapat pretty face.

“Kailangan kapag inayusan ka parang may dating. Yung ganun. So dun ko lang narealize na okay pala. Okay lang palang maging matangkad. Okay lang pala ganitong kulay.

“Eto pala yung gusto ng mga tao. So yun, mas naging confident ako after kasi mas na-accept ko yung meron ako.”

We asked Venus if she thinks that her skin color was one of the factors that helped her make it to the Top 5 in the Miss Universe pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

She replies, “Maybe, maybe one of the assets na nagustuhan din nila.

“Kasi yung iba nagtatanong pa talaga sa ‘yo, ‘Is this real? Is this your real color or is this tanned?’ As in.

“Parang hindi sila makapaniwala na may ganito palang kulay na hindi mo kailangang magpa-tan or magbilad ng pagkatagal-tagal sa init ng araw.”

ADVICE TO YOUNG GIRLS. PEP asked Shamcey and Venus if they have any advice to young girls who are insecure and want to change many things about themselves.

Shamcey’s message: “Siguro dapat, ang ginawa ko sa 'kin, you have to know ano ba yung assets mo. Di ba, ano yung bagay sa ‘yo? Hindi mo kailangan na…

“Dati feeling ko kailangan ko baguhin lahat. Kasi parang, 'ay, bakit ganun, mas makinis yung dito niya kaysa sa kin. Siya yung ilong niya ganito yung shape. Yung eyes niya medyo paganyan, almond-shaped... sa 'kin, malaki.' Yung ganun.

“It’s more of proper grooming and make-up and how you dress-up, di ba. Dapat marunong ka kung ano yung bagay sa ‘yo. Kasi hindi naman lahat perfect, e.

“Lahat tayo may flaws. Like ako, meron akong ayaw sa katawan ko.

“E di dapat alamin mo lang kung paano mo iha-hide yung flaws at pano mo ipo-flaunt yung assets mo, kung ano yung maganda sa ‘yo.

“Kunwari maganda sa ‘yo yung eyes mo, paano mo ngayon papa- stand out yung eyes mo? Yung ganyan. So, dapat tamang ano lang yan, e... maghanap ka ng bagay sa ‘yo.

“At hindi mo naman kailangang maging kamukha ni ganito kasi may iba-iba tayong beauty, may iba-iba tayong itsura na hindi naman kailangang gayahin.

“Sometimes pag ginaya mo din, hindi naman pala bagay sa ‘yo, di ba? Or hindi ka naman kumportable, sinubukan mo lang kasi feeling mo yun yung maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat mag-start muna yan sa sarili mo na feeling mo maganda ka, bagay sa yo yung damit mo. Parang nagre-radiate na, a, oo. Makikita ng mga tao, 'ay confident siya…'

“Kasi nakaka-affect yun, e, sometimes kahit gaano kaganda yung damit mo, for example sa akin, tapos hindi ako kumportable, ganun ako ng ganun sa damit ko, akyat ako nang akyat o kaya pag umuupo ako hindi ako kumportable, parang hindi rin siya maganda.

“So wala rin yun sa damit. It’s more of, dapat personality mo yun, wag mong ipilit kung hindi naman ikaw, kumportable ka and alam mo yung bagay sa figure mo.

“Kung ano dapat yun, kunwari malaki yung dito mo, dapat wag kang mag-fit na ano.

“Yung mga ganun. Marami e, maraming ways para ano… kaya akala ng mga tao perfect na kami.

“Hindi mo alam parang meron din kaming mga tinatago, hindi niyo lang nakikita. Hindi lang halata, di ba?”

Venus has this to say to girls who want to change things about themselves: “Alam mo, okay lang naman yun, e. I mean, kung saan ka masaya.

“Pero, wag naman siguro to the point na you will hate yourself dahil ganun ka.

“Halimbawa, maitim ka, you will hate yourself, ‘Kasi bakit naman ang itim-itim ko?’ Wag naman ganun. Not to that point.

“Pero kung gusto mo lang namang i-improve ang sarili mo, if yun ang mas makakapag-boost ng confidence mo, why not?

“Kung dun ka mas liligaya at dun mo mas feel na mas maganda ka, e di bakit hindi?

“Okay lang. Pero, yun pa rin ang lagi naming sinasabi, do not lose yourself.

“Do not lose your inner self kasi kahit naman anong itsura mo physically kahit kung hindi maayos ang nasa loob mo, wala din namang mangyayari.

“So still, kung sinubukan mo na i-improve yung physical appearance mo, then try to improve also what’s inside you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN