Dina Bonnevie promotes her love for Ilocano food

IMAGE Noel Orsal


Since marrying DV Savellano, vice governor of the province of Ilocos Sur, Dina Bonnevie has been engrossed with Ilocano culture, particularly its food. Now Dina ventures into the food industry with the opening of her restaurant Victorino's, which serves only authentic Ilocano fusion dishes.


Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahang entertainment media sa soft-opening launching ng Victorino’s Restaurant sa Quezon City noong March 23.

Ang Victorino’s ay pag-aari ng mag-asawang Dina Bonnevie at Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano, ang kapatid at ina ng huli, at ng award-winning culinary expert na si Heny Sison.

Matapos ang maikling programa, nakausap ng PEP at ilang TV media si Dina na— mula pag-aartista at pagpasok sa corporate world— ay ngayo’y sumasabak na rin sa pagne-negosyo.

Bakit biglaan yata ang desisyon na magtayo siya ng restaurant?

“Actually, hindi naman bigla. Matagal nang dream iyan, actually. It’s been my dream long, long time ago to put up my own restaurant.

“But… I told my husband that, pero iyong husband ko matagal na nilang dream na magtayo ng isang restaurant dito sa Manila na talagang will serve Ilocano food na talagang authentic.

“Kasi ang sikat na sikat iyong mga Kapampangan food like Abe, mga gano’n. Marami, usually, Kapampangan. Kokonti lang iyong Bicol restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So sabi namin, ‘Why not Ilocano Restaurant?’ Ang dami namang may gusto ng bagnet, ‘tsaka ang dami nang fusion, like pinakbet pizza, poqui-poqui pizza, bagnet pizza, dinardaraan— which is actually crispy dinuguan.

“So, when I went to Ilocos, sabi ko, ‘Ang sarap naman ng pagkain dito. Talagang mag-gi-gain ako ng weight.’

“Nag-gain nga ako ng weight so, nung pumayat na ako uli, sabi ko, ‘Puwede na akong magtayo ng restaurant kasi nangayayat na ako,’” pabirong hirit ni Dina.

“Hindi, matagal na actually nilang dream ito. Their vision is to promote Ilocano products, Ilocano cuisine, and to promote Ilocos as a whole. They love food talaga,” seryosong sabi niya tungkol sa pamilya ng kanyang asawa.

Bilang isa sa mga partners, ano ba ang eksaktong magiging papel ni Dina sa pagpapatakbo ng kanilang restaurant?

“Ang co-participation ko will be mostly marketing, and then of course, since I cook a lot, I think some of the sardines, ako ang gagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I make that with my mother-in-law and my sisters-in-law, e. We make bottled sardines. Iyon siguro ang magiging participation ko.

“And maybe in the long run, I’m going to have Ms. D’s favorite, which will be my recipes na ishi-share ko rin sa restaurant.”

SUPPORT FROM KIDS. Kabilang sa mga dumalo sa launch ng restaurant ang mga anak ni Dina na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto.

Karay-karay ni Danica ang isa sa dalawa niyang anak sa pagtitipon, samantalang kasama naman ni Oyo ang kanyang misis na si Kristine Hermosa at dalawa nilang anak.

Ayon kay Dina, gustung-gusto rin ng mga anak niya ang Ilocano cuisine.

“Hay! Ang mga anak ko, sila pa ang nagsabi sa Tito DV nila na, ‘Tito DV, bakit po hindi kayo magtayo ng restaurant? Ang sarap ng pagkain dito!’

“Kasi nakapunta na sila ng Ilocos. Danica has been to Ilocos four times, tapos si Oyo naman has been to Ilocos once.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero three days lang sila. Sabi nga nila, ‘Sayang, sana we could have stayed longer kasi talagang ang sarap pala talaga dito sa Ilocos.’

“And you know, we have a resort in Ilocos, white sand, so we really want to promote na bakit laging iniisip nang mga tao na Boracay-Boracay, Cebu-Cebu, Baguio? Maganda rin naman ang Ilocos, e.

“So, now that I’ve discovered it and I’m Ilokana na by heart, dahil ang asawa ko Ilokano, I’ve learned to love the place at ang sarap ng pagkain.

“Sabi ko, ‘Hindi pa ito nadi-discover. Kailangan makilala na ito ng mga tao, iyong mga aunthentic cuisine.’”

BOTTLED SARDINES BY DINA. Samantala, isa sa mga pinagkakaabalahan ni Dina ngayon ang pag-arte sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, kung saan makakasama niya sina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Rayver Cruz, at iba pa.

Na-introduce na rin ba ni Dina ang Ilocano cuisine sa kanyang mga kasamahan sa trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay naku, napakasuwerte po nila dahil palagi silang nakakatikim ng Ilocos empanada, bagnet, Vigan longganisa, and soon I’m going to bring iyong sardines na bina-bottle namin ni Mommy.”

Ano ba itong bottled sardines na ipinagmamalaki ni Dina?

“We thought of that, kami ng mother-in-law ko. Kasi ang mother-in-law ko, they have a fish pond.

“Kinukuha namin iyong bangus na ganito lang kalaki and we cook it.

“Pini-pressure cooker ‘yan with special ingredients, olive oil, and sun-dried tomatoes... talagang gourmet, and then we bottle it.

"Iyon, iyon ang next kong dadalhin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN