PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SUMMER BEAUTY Shamcey Supsup's simple hair care regimen

Shamcey’s advice: Avoid using too much products on your hair.
Published Apr 14, 2013
Beautiful hair is every girl's crowning glory. So how does 2011 Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup take care of her long flowing tresses? By using less styling products and keeping it moisturized all the time.

Pagdating sa gandang pangkalahatan, ilan sa mga tinitingalang personalidad ay ang mga beauty pageant title holders.

Bukod kasi sa angking pisikal na kagandahan ay iginugugol rin nila ang kanilang panahon at atensyon sa mga makabuluhang gawain gaya ng iba’t ibang charities.

Sa press conference ng Watsons na ginanap sa Shangri-La Hotel Makati noong Abril 2, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si 2011 Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup.

Isa siya sa mga inilunsad na endorser ng bagong hair and skin care products ng beauty company noong araw na iyon.

Wika ni Shamcey, “Nakakatuwa [maging endorser].

"Sabi ko nga, everytime na nakakakuha ako ng endorsement, parang nakakatawa kasi before pa ako maging endorser, it’s either gumagamit na ako noong product or pumupunta talaga ako sa store to buy the products.

“Ngayon, ginawa ka pang endorser, so nakakatuwa kasi hindi ka lang basta endorser, proven na ginagamit mo iyong product nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng pagiging mapili niya sa ginagamit na beauty products, mapili rin daw si Shamcey pagdating sa mga endorsement deals niya.

“Oo, pinipili ko lang. Meron din akong ti-nurn down na.

"Parang feeling ko [kung] hindi ko personality or hindi ko naman ginagamit, parang ayaw ko naman ng gano'n.

“Kasi kung mahihirapan lang rin akong i-endorse ang isang bagay na hindi ko ginagamit, parang... paano ko i-explain ang product?

"Paano ko masasabi sa mga tao na, 'This is okay, this is good for you,' kung hindi ko naman tried and tested?”

HAIR CARE AMBASSADOR. Bilang isang beauty ambassador, paano nga ba pinangangalagaan ni Shamcey ang kanyang sarili, partikular na ang kanyang buhok?

“Before talaga, patay na patay iyong hair ko. Ang natutunan ko, na dapat pala, ay pinapahinga mo iyong hair— pahinga sa mga curling iron, kasi dati madalas akong mag-curling iron, e.”

Ano ba ang naging epekto ng madalas na paggamit ng curling iron sa buhok niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinusunog mo iyong hair mo, e.

“So, natutunan ko na to use the right hair product. Dapat meron ding once a week treatment.”

Karamihan sa mga hair salons ay nagse-serbisyo ng professional hair treatments.

Pero kung gusto mo raw makatipid o kung wala kang oras na pumunta pa sa salon, maari ka ring gumamit ng hair treatment creams na ipinapahid sa buhok matapos mag-shampoo, ayon kay Shamcey.

Iwan lang ang treatment cream sa buhok sa loob ng 15 minuto upang ma-moisturize ang buhok, at pagkatapos ay banlawan.

Dagdag payo din ni Shamcey ang pumili ng tamang gadgets na gagamitin sa iyong buhok.

“Parang you use also the right curling iron, kasi pag ibang curling iron ginamit mo, minsan nakakasunog talaga ng hair.

“Feeling ko, kung bakit nasira yung hair ko dati, kasi kukulutin, then i-straight, then babasain. Feeling ko doon nasira yung hair ko dati.”

SUMMER HAIR CARE. Ngayong tag-init, ipinapayo ni Shamcey sa mga kababaihan na maging mas maalaga at maingat sa pag-maintain ng kanilang buhok.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinapayo niya ang paggamit ng sunblock spray na para sa buhok upang mabigyan ito ng proteksiyon sa UV rays.

“And aside from that, what I do… huwag ka namang lalabas doon sa time na sobrang tindi ng araw, parang i-timing mo rin na di masyadong mainit at saka ka lumabas, para di naman mag-dry ang buhok mo, at saka para pati skin mo hindi masyadong masunog.”

Dagdag pa ni Shamcey, iwasan din ang paggamit ng sobrang styling products, tulad ng hair spray at gels lalo na ngayong tag-init.

“Hindi rin ako masyadong naghe-hair spray. Pinipili ko lang rin kung ano'ng hair spray ang ginagamit ko.

“And then, use the right shampoo and conditioner, tapos gano'n lang. Wala na akong nilalagay masyado.

“Dati kasi, ang dami kong nilalagay kaya feling ko tuloy nagiging malagkit yung buhok ko na parang bagsak.

“Ngayon, na-realize ko, I know how to take care of it, how to curl it the right way.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beautiful hair is every girl's crowning glory. So how does 2011 Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup take care of her long flowing tresses? By using less styling products and keeping it moisturized all the time.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results