Kim Chiu gives back through birthday charity event in Isla Pulo

IMAGE Mark Atienza


Kim Chiu fulfills her promise of going back to Isla Pulo in Navotas City, where she taped ABS-CBN’s defunct reality show I Dare You in 2011. Her visit also served as an advance celebration of her 23rd birthday this coming April 19.


Sigawan ng “Celine” ang mga taga-Isla Pulo sa Navotas nang dumating si Kim Chiu sa kanilang lugar noong Linggo, Abril 14.

Nagtungo doon ang Kapamilya actress para sa kanyang taunang birthday charity event. Si Kim ay 23 years old na sa kanyang kaarawan sa Abril 19.

Hindi madaling puntahan ang Isla Pulo, dahil mula sa barangay Tanza, kailangan mo pang sumakay ng bangka at tumawid sa seawall upang makarating doon.

Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim kung bakit niya napiling magsagawa ng birthday charity event doon.

“Kasi ano siya, e, nag-I Dare You ako dito two years ago, 'tapos tumira ako sa bahay nila Nanay.”

Ang tinutukoy na “Nanay” ni Kim ay ang may-ari ng bahay na tinuluyan niya noon para sa kanilang challenge sa nasabing show.

Pagpapatuloy pa niya, “Tatlong grupo kami 'tapos nakatira kami sa iba’t ibang bahay. Wala kaming perang dala, mga PA [personal assistant] wala, wala talaga kaming kasama.

“'Tapos one and a half day natulog ako kasama nila, nag-alaga ng bata, nanguha ng mga isda.

“So, naramdaman ko ‘yong buhay nila, sabi ko, ‘May pagkain ba tayo? Kasi gutom na talaga ako.’ Sabi nila, ‘Wala, e,’ kasi tinapay lang ang binili nila dahil wala silang pambigas."

Kaya noong nagplano siya na magkaroon ng birthday charity event, “Sabi ko, saan ba ako magcha-charity? Parang no’ng naisip ko, sabi ko, ‘Bakit hindi ako bumalik doon sa Isla Pulo?’

“So tinawagan ko, inayos namin 'tapos dumating sa point na okay na.”

Noon ngang natanaw na niya ang lugar, “kakaiba” raw ang pakiramdam niya dahil nag-flashback sa kanya lahat ng pinagdaanan niya noon sa Isla.

“Bumalik ‘yong memories dati na dito ako tumira ng dalawang araw 'tapos alam ko ‘yong buhay nila.

"And then ito, nangako ako kay Nanay na babalik ako, pero hindi ko alam kung kailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon ulit after two years [bumalik ako]...”

Ang pamilya naman ng tinuluyan ni Kim, tuwang-tuwa nang makitang muli ang Ina, Kapatid, Anak star.

“Masayang- masaya ako dahil hindi ko akalain na babalik pa siya sa lugar namin,” pahayag ng ginang na tinatawag ni Kim na “Nanay.”

“Kaya nagulat ako no’ng sinabi sa amin na, ‘Si Kim, si Kim ‘yong darating,’ sabing ganyan.

“Hindi ko talaga akalain na mabibigla ako. Kaya nang matanaw ko siya, sabi ko, ‘Si Kim nga, Pa! Siya ‘yong nakasama natin ng ilang araw.’ Ngayon tuwang-tuwa ‘yong asawa ko, nandiyan siya, gusto makita si Kim siguro.

“Napakasarap pala na makasama mo ang isang artista lalo na’t mahirap kami, pero dinalaw niya kami.”


PROUD OF KIM. Samantala, hindi naman daw mapapagod si Kim na gawin ang mga ganitong uri ng aktibidades lalo na't nakakatulong siya sa kapwa.

Isang buong komunidad ang napasaya niya dahil sa dala niyang pagkain, bigas, grocery, at mga laruan.

Kaya naman ang nakatatandang kapatid ni Kim na si Lakambini Chiu, “proud” daw sa kanyang kapatid.

“Wala na akong masasabi sa kanya sa kabaitan,” pagmamalaki ni Lakambini.

“Kasi siyempre naman, kahit gaano siya ka-blessed, dapat isipin din natin ‘yong ibang tao, na dapat ise-share po natin talaga ‘yong mga blessings natin.”

Ang wish naman daw niya para sa nalalapit na kaarawan ng kapatid: “Siguro good health and ano lang… kasi importante talaga ang health.

“Kahit anong mangyari, kahit gaano ka ka-hardworking, gusto ko lang talaga na good health lang always.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN