PEP FORUM. What celebrity moms want their kids to know about life

IMAGE Noel Orsal


(Clockwise from top left) Ilan lamang sina Janice de Belen, Carmina Villaroel, Jennylyn Mercado, at Eula Valdez sa mga showbiz moms na kahit busy sa kanilang career ay hands-on pa rin sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Pero anong payo o aral kaya ang nais nilang dalhin ng kanilang mga anak hanggang sa pagtanda?


Kapag kailangan natin ng payo, ang ating mga nanay ang una nating naiisip at pinupuntahan dahil sila ang nagsisilbing “ilaw ng tahanan.”

Ngunit sa panahon ngayon, maging ang mga ina ay tumatayo na ring haligi ng tahanan dahil sila’y kumakayod din para sa pamilya.

Kaya naman nakakabilib din na nagagawa nilang pagsabayin ang paghahanap-buhay at ang paggabay sa kanilang mga anak, lalo na kung nakamasid sa iyo ang publiko.

Bilang maagang pagdiriwang sa papalapit na Mother’s Day, naisip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin ang ilang celebrity moms kung ano ang payo o life lesson ang gusto nilang tandaan ng kanilang mga anak hanggang sa pagtanda ng mga ito.

FAITH. Ang matinding pananampalataya sa Panginoon ang gusto ni Jennylyn Mercado na tandaan ng kanyang anak na si AJ.

Magli-limang taong gulang ngayong Agosto ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz "AJ" Mercado.

Pero sa murang edad daw na ito ni AJ ay iminumulat na siya ni Jennylyn na maging “God-fearing person, [and to] always pray.”

Bukod pa rito, gusto niya rin malaman ng anak ang kahalagahan ng pamilya dahil “kahit ano mangyari, iwan ka na ng lahat ng tao sa mundo, sila yung nandiyan talaga para sa iyo.”

At sisiguraduhin din daw ng Kapuso actress na “bibigay ko sa kanya yung best education na kailangan niya.”

RESPECT. Siniguro naman ni Carmina Villaroel na “lagi kasi akong hindi nagkukulang sa mga pangaral sa mga anak ko.”

Pero “respect” ang masasabi niyang pinakamahalagang aral na naibahagi niya sa kambal na sina Maverick Peter at María Cassandra, 13.

Aniya, “‘Yon talaga ang lagi kong sinasabi, not only respect sa amin dahil mga magulang kami, but respect for other people.

“Kasi kung may respeto ka sa ibang tao, ibibigay din nila ‘yong respeto sa ‘yo. Kung paano mo tratuhin ang ibang tao, gano’n din ang pagtrato nila sa ‘yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEARN THEIR LESSONS. Iba naman ang paraan ni Janice de Belen ng pagpapangaral sa kanyang mga anak kay John Estrada na sina Inah, Moira, Kyla at Yuan.

Bago pa nga niya sagutin ang tanong ng PEP, tinawag muna niya ang pangatlong anak na si Kyla, na kasama niya noong araw na iyon.

“Kyla, Kyla, halika nga dito. Humihingi ba kayo ng advice sa akin?” tanong ng aktres sa anak.

“Hmmm minsan,” nakangiting sagot ng dalaga.

“Minsan, okay fine, or usually nakikialam na ako bago pa sila humingi ng advice,” natatawang sagot ni Janice sa PEP.

Hanggang maaari raw kasi ay ayaw niyang makialam sa mga desisyong ginagawa ng kanyang mga anak.

Mas mabuti raw na matuto sila sa sarili nilang karanasan.

“I try to maintain no secrets at home,” wika ng Ina, Kapatid, Anak star.

“Siyempre, nanay ka, di ba, parang ‘yon nga, part do’n ‘yong magkomento.

“Pero ‘pag seryoso na, usually mas tahimik ako. Kasi sila pa rin naman ‘yon, e, after a while hindi mo puwede ipilit ang mga desisyon mo sa mga anak mo kasi hindi naman ikaw sila, at hindi rin sila ikaw.”

Dagdag pa ng Kapamilya aktres, kailangan maunawaan ng bawat magulang na “at some point, much as parents don’t want to, I think we have to take a step back and let them make their own mistakes.

“Kasi sila rin naman ang magle-learn ng sarili nilang lessons.

“Kasi kahit anong sabi mo sa kanila, gagawin din nila, e, di ba gano’n din? So papagurin mo lang ang sarili mo.

“So, sabihin mo, ‘Sige, okay fine, ikaw magdedesisyon niyan,’ pero bibigay mo lahat ng puwedeng maging consequences, na ‘Ikaw na bahala diyan.’”

GIVE YOUR BEST. Dinadaan naman daw sa gulatan ni Eula Valdez ang pagbibigay ng payo o pangaral sa kanyang mga anak, lalo na sa panganay niyang si Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ng aktres, hindi naman daw siya “masermon” sa kanyang mga anak, pero madalas ay “unsolicited” advice ang binibigay niya.

“‘Yong nananahimik siya, ‘Miguel kausapin kita,’ sabi ko,’ Makinig ka kasi once ko lang ito sasabihin, hindi ko na uulitin,’” kuwento ni Eula.

Pero ang madalas niyang sabihin kay Miguel at bunsong anak na si Juliana, “Always give your best.

“Kasi kapag tapos na ‘yan, and then iisipin mo, looking back sasabihin mo, ‘I could have done better.’

“So sabi ko, para no regrets, kapag may gagawin kang desisyon, ‘wag ura-urada. Itulog mo muna, kapag talagang gusto mo, go.’”

Hindi madali ang maging magulang.

Pero gaano man ito kahirap, kung kapalit nito’y lumalaking matino at responsableng tao ang iyong anak, sapat na kabayaran na iyon sa lahat ng iyong pinagdaanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN