PEP FORUM: Celebrities on endorsing political candidates

IMAGE File Photos


Sa ngalan ba ito ng pera o prinsipyo? Ito ang karaniwang tanong sa mga artistang nag-e-endorso ng mga pulitiko.


Ilang araw na lang ay gaganapin na ang May 2013 elections, na siyang magpapasiya sa bagong batch ng mga senador na magiging lider ng ating pamahalaan, gayundin sa iba’t ibang local government units.

Kaliwa’t kanan ang mga kumakandidato na tila piyesta ang kapaligiran. Kanya-kanyang gimik ang mga kumakandidato upang ligawan ang mga bumoboto sa hangaring makuha ang kanilang pabor. Sa panahon ng eleksiyon, quantity matters dahil kapag mas marami kang boto, mas malaki ang tsansa mong manalo.

Karagdagan pa rito, hindi lang ang mga kumakandidato ang naglipana kundi pati na rin ang mga artista. Hindi lang sa dahil marami sa kanila ang mga kandidato, kundi marami ring mga artista ang nangangampanya para sa mga kandidato.

Hindi maikakailang dahil sa kanilang taglay na celebrity status ay malaki ang kanilang impluwensiya na mahikayat ang kanilang mga tagasubaybay na iboto ang isang kandidato.

Karaniwan ding tanong sa mga artistang ito kung ang dahilan ba ng kanilang pag-e-endorso ng mga kandidato ay pera o prinsipyo.

Itinanong ng PEP.ph sa ilang artista kung ano ang opinyon nila sa pag-endorso ng mga kandidato ng mga celebrities. Narito ang kanilang mga kasagutan.

CARLA ABELLANA: “There’s nothing wrong with it. Tao din lang kami, Filipino citizens din lang naman kami, bumoboto din lang kami. So it’s completely natural that we have our bets. I believe wala din namang masama kung ang isang pulitiko ay humingi ng tulong sa isang celebirty para maging endorser, as long as, kumbaga hindi mo siya ginagawa just for the sake of its being a job. As long as naniniwala ka naman dun sa pulitiko na ‘yon… kasi syempre you always have the option naman to say no, kung talagang [hindi] yun ang gusto mong pulitiko, di ba? I think it’s okay kung healthy ang relationship at naniniwala kayo sa isa't isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DENNIS TRILLO: “Ang tingin ko diyan may choice ang bawat artista na tumanggap o mag-endorse ng mga politicans, pero siyempre responsibilidad din nila na alamin yung background, dahil ire-represent nila ang taong ‘yon, so kailangan bago sila siguro tumanggap ng endorsements from pulitiko, kailangan nasa puso nila. Hindi lang talaga puro pera o dahil kaibigan, pero dahil naniniwala sila na makakatulong ‘yon at magandang representasyon para sa artista.”

JED MADELA: “I have nothing against celebrities endorsing politicians. For them siguro, they believe in the politician. Kilala nila yung politician. I’m sure naman hindi sila mag-e-endorse kung hindi nila kilala, di ba, so I have nothing against that.”

ALDEN RICHARDS: “For me naman po, I’m not against it kasi po since showbiz personalities are popular people, meron silang hatak sa masa, so I will consider it as part of ano lang… PR, public relations for the candidate. Kasi mahirap din naman na we don’t seek help from the showbiz industry. Mahirap din kung self-supporting lang [ang kandidato]. I have nothing against it. Ano lang po, part of making you known through the artist.

“Good platform kung ano ang mai-o-offer niya when he wins. Someone na maganda yung image sa tao kasi ang hirap naman if you would promote someone na di maganda ang image sa people. Okay din na magpo-promote someone who has a good image, good relations with the public.”

RICHARD POON: “You can swing either way, but for me ang daling mag-judge pag di ako kandidato. But if I was a candidate and let’s say Kris Aquino is in favor of me, or Sarah Geronimo is in favour of me, would you not benefit from that? Pero ako, I will still look at it. I think it will still be beneficial, especially if they see this beside from seeing it as paid thing. The artist really believes in you, he talks about you on Facebook, na kilala ko ito na honest, parang ganon. I know somebody will say it’s negative and all, but they have a point, but I think if you’re a candidate, you’d always benefit from him. In this country malaki pa rin ang nagagawa ng endorsement mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOLINA MAGDANGAL: “Sana lang naniniwala talaga sila do’n, hindi lang sa pera. Yun lang ang sa akin, kung di talaga sila naniniwala sana hindi na lang din.”


GABBY EIGENMANN: “It’s about time kasi sabi ko nga ang daming bumabatikos porke’t taga-showbiz, na yun lang ang alam nilang gawin. But then with their means and their care for the country they are willing to help kung anuman ang kakayahan nila and I think most of us, as an artist, can help them entertain and to expand on what we can do to uplift and help our country to be known again. I think it doesn’t stop there that we are entertainers.”

ANDREA TORRES: “For me okay naman siya basta naniniwala ka lang sa isang kandidato. Hindi naman masama na i-share mo kung bakit mo siya gusto, kung ano yung mga tungkol sa kandidato na ‘yon na makakatulong sa mga tao para iboto. It’s a way of helping the country din para mahalal ang mga sa tingin mo makakatulong para mgkaroon ng progress.”

BENJAMIN ALVES: “I think our celebrities naman ngayon are intelligent and responsible enough to choose the candidates they endorse, so I think they choose the people that they endorse… they really stand by the policies they have. It’s a good thing because the candidates are able to reach yung mga audience na di nila mari-reach when they don’t have celebrity endorsers.”

YNNA ASISTIO: “We can make our own decisions kung gusto talaga nilang suportahan ang politician. It’s their choice and I think it’s one way of saying we support this politician siguro [dahil] mabait o alam mo ‘yon… may nagagawa silang maganda. Siguro hindi naman sila [artista] susuporta kung hindi naman nakakagawa ng mabuti.”

JENNICA GARCIA: “As actors and actresses, we have a big influence, especially sa teens and it’s very important kasi nga damit nga lang, di ba, nagiging peg mo. Kunwari ako, fan ako ni Selena Gomez. Kung ano ang makikita ko sa kanya, yun ang madalas na magagawa ko. So sana maging responsible lang din and think of the Philippines kung ano ang magiging outcome ng mga bawat actions natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KARYLLE: “I don’t see anything [bad] about it, but personally, I don’t do that. Hindi pa ako nakakapanood ng lahat ng debate but I really like to see yung substance na meron yung tao tapos, siyempre, their projects.”

MAX COLLINS: “As an actress, I believe it’s important to know one’s political background if we are going to support someone. I’m not supporting anyone at the moment so I would just say if I were to support someone, [dapat] naniniwala talaga ako sa kakayahan nila and it’s not about showing an image of like stardom to support someone, but I would like to know that my values are similar with the candidate I’m supporting.”

MIKAEL DAEZ: “I think it’s fine, completely fine, because they are Filipino citizens. They have a right to vote for the leaders they want, and, of course, I do agree sometimes the manager or the network might be afraid but that doesn’t supersede their individuality as a Filipino citizen, but syempre I understand minsan nakakatakot. They get linked to certain things without really knowing it, so siyempre that would also affect the image, which your manager and network worked so hard to build, so you have your individuality as a Filipino citizen and then you have the image, which is part of your work, so two are both very important parts of your life. So I think kelangan magandang usapan ‘yan. Be transparent to the people, who matter, who are involved before you will come to a conclusion.”

BETTINA CARLOS: "I think it’s a personal choice. At the end of the day kasi we have different reasons for why we say yes to offers. It could be because they really believe in those politicians. It could also be out of dire need for money. But either way I respect it. I’m not the one naman to judge based on who you are endorsing, but of course they have to be very careful who they endorse because it will reflect on them, e. And in the future if it’s not consistent with what they really believe, baka magamit pa ‘yon against them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ARTHUR SOLINAP: “Kung hindi ko kilala yung tao, hindi ko agad-agad ine-endorse. Hindi ko naman sila ma-judge kasi baka naman bago nila tinanggap, inalam muna talaga nila yung tao. Marami din naman akong kilala na hindi lang TF [talent fee] ang labanan, kundi dahil naniniwala din sila. Ako talaga, kung ano yung background, kung ano ang nagawa mo, yung image mo… hindi lang sa sinasabi lang sa TV."

JC TIUSECO: “I think it’s okay naman. May iba talaga they’re doing it for work. Of course, di mo talaga matatago ‘yon… na people need work, tapos alam ko yung iba naman siyempre parang they support what they believe. Kunwari, they won’t support a candidate na feeling nila hindi sila agree sa mga political plans o candidate, so it really depends on the person if he wants to or not. Di mo naman puwede i-judge kung sinuman na magsu-support na candidate, or celebrity supporting a candidate, kasi it’s still work.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN