Mike Tan goes semi-vegetarian

IMAGE 0

Mike Tan confidently bared his sexy body at the Bench Universe underwear and denim show, on September 2012 at the SM MOA Arena. He says he is able to stay fit and maintain this same figure nowadays by going vegan.


Kapansin-pansin ang magandang pangangatawan ngayon ng Kapuso actor na si Mike Tan.

Sa pakikipag-usap niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, naibahagi ni Mike na katatapos lamang niyang mag-pictorial para sa isang undergarments company, kung saan may mga kuha siya na naka-brief lang.

Aminado si Mike na mas okay ang katawan niya ngayon, kumpara noong bago siya mag-pictorial. Nagbago na raw kasi siya ng diet.

Wika ng isa sa mga stars ng GMA News and Public Affairs na Landas, “Ngayon kasi, mas vegetarian ako… I’m vegan.

“Ang vegan kasi, hindi kumakain ng kahit anong animal products at kahit anong animals."

Nakasanayan na umano ni Mike ang bagong eating habits na ito at kuwento pa niya, “Nagulat ako noong kumain ako ng burger, parang walang lasa. Pero sinubukan ko ulit kumain, hindi ko na kaya."

Bakit naman niya naisipang mag “no-meat diet?” Ano ang nagtulak sa kanya?

“Nagdyu-juice kasi ako, dati na akong nagdyu-juice.”

Ang tinutukoy ni Mike ay ang mga detox juices na umano’y nakakatulong sa pagtanggal ng mga bad toxins sa katawan.

Sa huli, nagkakaroon ng weight-loss effect o pagbawas ng timbang sa katawan ang pag-inom ng ganitong uri ng juices.

Sa pagpapatuloy ni Mike, “Tapos, one week, nag-raw food diet ako, meaning salad.

"Then, sa isang kainan, kumain ako ng pork, niluwa ko siya. E, [dati] paborito ko yun!

"So heto, magta-tatlong buwan na akong ganoon.”

Hindi ba nakakapanghina ang diet niya? Karaniwan kasing nararanasan ng mga taong sumusubok mag-diet ang panghihina o di kaya’y pagkabugnot.

“Mas magaan siya sa katawan,” sagot naman ni Mike.

Paminsan-minsan ay nagkakaroon din ng “cheat day” si Mike.

"Minsan nakakakain ako ng chicken, pero sobrang dalang. Pati fish, nakakakain naman ako, pero sobrang konti. Kapag medyo marami, titigas na agad ang tiyan ko.

"Yung pork and beef, hindi ko na talaga gusto. Siguro [dahil sa] kakapanood din ng mga documentary.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VEGETARIANISM EXPLAINED. Ano nga ba ang vegetarianism?

Ayon sa website na vegetarianvegan.com, ang salitang “vegetarian” ay tumutukoy sa sinumang hindi kumakain ng mga pagkaing gawa o nagmula sa karne, manok, isda o seafood.

Imbes na kumain ng mga ito ay mas dinadalasan ng isang vegetarian ang pagkonsumo ng mga prutas, gulay, at mga supplementary food products.

May iba’t ibang uri naman ng pagiging vegetarian: ang semi-vegetarian ay iyong kumakain ng “dairy products, eggs, chicken, and fish, but does not consume other animal flesh.”

Maituturing na isang semi-vegetarian si Mike Tan.

Ovo-lacto vegetarians naman ang tawag sa mga tao na “who do not consume meat, poultry, fish, and seafood, but do consume eggs and milk.”

Ito raw ang pinaka-karaniwan sa mga taong sumusunod sa vegetarian diet.

Ovo-vegetarian naman ang tawag sa taong umiiwas sa mga karne at dairy products, pero hindi maiwan ang pagkain ng itlog; samantalang lacto-vegetarians naman ang walang anumang karne at itlog sa kanilang diet, pero umiinom ng gatas.

Ang vegan umano ang “strictest sub-category of vegetarians,” ayon sa website.

“Vegans do not consume any animal products or by-products. Some go as far as not even consuming honey and yeast. Others do not wear any clothing made from animal products.”

Bukod sa pagpayat, sinasabi sa website na vegetariandietlifestyle.com na nakakatulong raw sa pag-iwas sa mga heart diseases ang pagkakaroon ng vegetarian diet.

Binabawasan kasi nito ang pagkonsumo ng taba at mga cholesterol na karaniwang nakukuha sa pagkain ng karne at siyang pinagmumulan ng karaniwang sakit sa puso.

Maging ang ilang uri ng cancer— gaya ng colon, breast, prostate, at ovarian cancers na diumano’y may kinalaman sa pagkonsumo ng karne at dairy products— ay naiiwasan rin umano sa pagkakaroon ng vegetarian diet.

Bagamat ilang pag-aaral na ang patuloy na tumutuligsa sa pananaw na ito, hindi naman nagbabago ang katotohanan na ang pagkakaroon ng balanced diet at healthy lifestyle pa rin ang pinakamainam na paraan upang makaiwas sa sakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN