Dr. Manny Calayan throws surprise party for mom's 80th birthday

IMAGE Rommel Gonzales


Dra. Josefina Calayan's wish for her 80th birthday: “Above all, I am thanking God for all the blessings He has bestowed on me and I hope I’ll still have the life, the strength and the passion to serve my fellowmen. At gusto ko sundan ako ng mga anak ko sa pagtulong sa kapwa.”


“Masayang-masaya kami kasi at least may chance pa, na habang buhay pa si Mommy nabibigyan ng tribute ‘tsaka birthday party. Kasi, di ba, mahirap e, pag nawala na.

“Tapos tamang-tama, Mother’s Day pa, nagkataon, so pinagplanuhan talaga naming pamilya ito.”

Ito ang wika ng celebrity doctor na si Manny Calayan sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ipinagdiwang ni Doc Manny at kanyang pamilya ang 80th birthday ng kanyang inang si Dra. Josefina Calayan, ang matriarch at isa sa mga living founders ng Calayan Surgicentre.

Isang surprise party ang inihanada ng mga anak ni Dra. Josefina para sa kanya noong May 5, sa Hotel Intercontinental Manila sa Makati City.

“Ayaw kasi ni Mommy ng party, tapos hindi talaga siya yung… alam mo yun, hindi siya bongga sa sarili niya. Ayaw niya talaga.

“Never nag-party 'yan nang ganito, na hotel [ang venue]. First time talaga niya ang ganito, so iyon nga, pagkakita naman natin pagpasok niya kanina, gulat na gulat siya.”

Ang alam ni Dra. Josefina ay tatanggap ng award si Dr. Manny sa naturang hotel noong gabing iyon.

“Tapos sinasabi niya sa akin, ‘Ano ba yung award mo?’

“Hindi ko rin masabi kasi hindi ko alam ang sasabihin kasi hindi totoo,” sabay-tawa ni Dr. Manny.

“Kaya ayun, masarap ang feeling, tapos lalong naging masaya siya nung makita niya yung mga kamag-anak niya, yung mga classmates niya, yung mga matagal na niyang hindi nakikita, at least nakita niya.”

Anim hanggang walong buwan raw nilang pinagplanuhan ang naturang surprise party.

“Matagal din, mahirap magtago, e lalo na nasa States ako, umalis ako, di ba?

“Ang plano talaga hanggang Mother’s Day ako dun, e kaso gawa nga nitong party kaya dumating ako kanina from L.A. [Los Angeles, California] tapos aalis na naman ako sa Wednesday.”

PARTY FOR MOMMY. Ipinahayag ni Dra. Josefina or Mommy Pinang ang kanyang pagkagulat at katuwaan sa inihandang sorpresa ng kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobra! Hindi ko akalain,” maluha-luhang kuwento niya sa PEP.

"Akala ko si Manny ang awardee. Sabi niya, ‘Mommy magbihis ka at ako ay awardee.’

“‘Ano’ng gagawin ko doon?’ ‘E, di ako’y samahan mo pagkuha ng award.’

“‘O sige.’ ‘Ayoko yatang mag-gown, bakit magga-gown pa?’

“Pero si Manny, hindi ko matanggihan, e. Nagulat ako! Pagpasok ko, ‘Nasaan yung award?’ Aba, ako’y may bouquet! ‘Bakit ako may bouquet?’”

Sinegundahan ni Dra. Josefina ang nauna nang pahayag ni Dr. Manny tungkol sa kanya: “Hindi ako mahilig [sa party]. Ako’y conservative type, simple lang.”

Aniya, kahit konti ay hindi siya nagduda o nakaramdam man lang na may inihahandang sorpresa ang mga anak para sa kanya.

“Walang-wala! Hay, naku, ang gagaling nila. Perfect, ang gagaling magtago. Bilib ako.

“Pero lagot sila sa akin mamaya. Paparusahan ko sila… ng halik!” sabay-tawa ng Calayan matriarch.

CONTINUING THE FAMILY LEGACY. Kuwento ni Dra. Josefina, sa kanyang pitong anak ay kay Dr. Manny raw siya pinakanahirapan noong manganak.

“Kasi suhi ito, breech presentation, una ang paa,” wika niya.

Bagamat mahirap ang dinanas niya sa panganganak, maligaya naman ang doktora dahil ngayon si Dr. Manny na ang nagpapatakbo at patuloy na nagpapayabong sa kanilang family business.

“Ay, yes! Kaya kami nakilala, ang Calayan, gawa ni Manny,” sambit ni Dra. Josefina, na ipinagpapasalamat nang husto ang pagkakaroon niya ng matiwasay na buhay pamilya at karera sa medisina.

“Naku, sobra-sobra ang biyaya ng Panginoong Diyos sa akin.

“Itong mga anak ko, lahat, ay sa pagod at hirap naming mag-asawa ay naitaguyod namin na makatapos yung pito.”

Lima sa mga anak ni Mommy Pinang ay pawang mga doctor, isa ay abugado, at isa pa ay certified public accountant (CPA).

Ayon kay Dra. Josefina, isang obstetrician-gynecologist, “I have been in practice for fifty-five years, but still I am practising up to now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I perform hysterectomy, caesarian sections, and I really love babies up to now.

“Ayoko mag-retire kasi sabi ng mga anak ko, ‘Mommy mag- retire ka na.’ ‘Ay, bakit ako magre-retire?’ 'ka ko, ‘I’m still strong.’

“Ang ginawa ko, nagtayo ako ng lying-in sa Lucena City para makatulong sa mahihirap na hindi kayang magbayad ng fees sa big hospitals, so, at least, makatipid sila.

“So they all come to my clinic para manganak, kasi bawal na ngayon ang home deliveries because of the high mortality.”

Ano naman ang birthday wish ni Dra. Josefina para sa sarili?

“Above all, I am thanking God for all the blessings He has bestowed on me and I hope I’ll still have the life, the strength and the passion to serve my fellowmen.

“At gusto ko sundan ako ng mga anak ko sa pagtulong sa kapwa.”

DRA. PIE CALAYAN ON VTR. Samantala, hindi nakasama ang misis ni Dr. Manny na si Dra. Pie Calayan sa party dahil nasa Amerika ito.

“Ang mga bata may exam, tapos busy din sa clinic kaya, ayun, nag-VTR na lang sila.”

Ipinalabas ang naturang VTR sa party at kitang-kita roon na maganda at fresh si Dra. Pie ngayon— taliwas sa mga naglabasang balita na mayroon itong malubhang sakit.

“Kita niyo naman, di ba? Bagong video yun. Walang sakit at, ayun, kita niyo naman, ang bata niya ngayon. Mukha na nga siyang Amerikana, di ba?

“Kahit ako nagugulat ako e, pag punta ko dun, e. Gumaganda pa nang gumaganda. Ayan, witness kayo, latest [video] yun.”

SEMI-LONG DISTANCE SETUP. Masasabing semi-long distance ang setup ngayon ng pamilya Calayan.

Sina Dra. Pie at kanilang mga anak ay naka-base sa California, samantalang si Doc Manny naman ay nandito sa Pilipinas upang bantayan ang kanilang negosyo.

“Nag-e-enjoy siya sa pag-aasikaso ng branch namin doon sa US, sa Hollywood, kaya ako na lang ang nagpapabalik-balik doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-e-enjoy rin siya sa pagsubaybay sa mga anak namin na doon sa US nag-aaral,” kuwento niya.

Bagamat mahirap, kinakailangan nila itong isakripisyo dahil mas gusto nilang personal na panghawakan ang operasyon ng Calayan Aesthetics Hollywood na nasa Sunset Boulevard, West Hollywood.

Nadala na kasi ang mag-asawa sa nangyaring panloloko ng isang dati nilang empleyado sa clinic nila sa Amerika.

Kumusta na nga ba ang kasong ito? Nahuli na ba nila ang salarin?

“Nandun, nagkakalat pa rin!” saad ni Dr. Manny.

“Hindi pa [nahuhuli]. Hindi ko alam, magaling, sanay na sanay. Pero inaano pa rin namin, in the process pa din.”

Sa ngayon, upang mapanatili ang kanilang bonding, nagtitiyaga muna si Dr. Manny sa pakikipag-communicate sa kanyang pamilya gamit ang teknolohiya.

“Mahirap talaga, mahirap talaga… kaso wala namang choice, e. So, gabi-gabi na lang kaming nag-uusap sa Skype.

“Tsaka kung gusto ko naman, lilipad lang ako dun, di ba?

“E, yung body clock ko wala na, e. Sira na yung body clock ko, e. Hindi ko na nga alam yung word na jetlag,” pabirong saad ni Dr. Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN