COUPLE OF THE WEEK: How destiny brought Bea Alonzo and Zanjoe Marudo together

IMAGE Noel Orsal

Naging masakit man ang karanasan nina Bea Alonzo (kaliwa) at Zanjoe Marudo (kanan) sa mga nakaraan nilang relasyon, tila tadhana na ang gumawa ng paraan upang magtagpo ang dalawang broken hearts at magsimulang muli.


Kung susuriin ang pagkabuo ng relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, masasabing tila tadhana na ang gumawa ng paraan para sa kanilang dalawa.

Masakit man ang pinagdaanan nila noon sa kani-kanilang past relationships, bakas naman sa kanila ngayon ang maganda at masayang takbo ng kanilang relasyon.

From colleagues to lovers, muling binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang istorya nina Zanjoe at Bea.

DESTINY AT WORK. Parehong hindi naging maganda ang taong 2010 para sa buhay pag-ibig nina Bea at Zanjoe.

Noong taong iyon, hiniwalayan ni Gerald Anderson si Bea, habang natapos naman ang tatlong taong relasyon ni Zanjoe kay Mariel Rodriguez.

Parehong broken-hearted, tila tadhana na nga ang naglapit sa kanila nang pagtambalin sila sa pelikulang Sa ‘yo Lamang, na lumabas noong taon ding iyon.

Ginampanan ni Bea ang lead role, habang si Zanjoe ay nabigyan ng supporting role bilang future husband ng karakter ni Bea.

Ang hindi nila alam, sila rin pala ay magiging lovers sa tunay na buhay.

Mula nang gawin nila ang pelikula, madalas nang mamataan sina Bea at Zanjoe na lumalabas kasama ang ilang kaibigan.

At pagpasok ng taong 2011, umamin na si Zanjoe na nililigawan nga niya ang aktres.

Aniya, anuman daw ang kahinatnan ng panliligaw niya kay Bea, ang mahalaga ay “enjoy” ang bawat sandaling magkasama sila.

At kung ang nagustuhan niya sa aktres ang pag-uusapan: “Isa sa magagandang ugali niya iyong kung paano niya mahalin ang pamilya niya, kung gaano ka-importante sa kanya iyong pamilya niya, na mas inuuna niya iyon kaysa sa sarili niya.”

(CLICK HERE for related article)

Buhat noon, naging mas madalas na ang public sightings sa dalawa, at kapuna-punang nagkakamabutihan na nga sila.



OFFICIALLY A COUPLE. Wala sa plano ang lahat, ngunit sa isang press conference noong Oktubre 13, 2011, ay wala ng nagawa si Bea kung hindi aminin ang “real score” sa kanila ni Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naganap ito sa mismong birthday presscon na inihanda ng ABS-CBN para sa kanya.

Oktubre 17 ang birthday ni Bea.

Noong una, panay ang pag-iwas niya sa mga tanong tungkol kay Zanjoe sa general presscon. Pero hindi na siya nakaligtas sa one-on-one interview.

Nang lapitan siya ng press, nabasa ng ilan ang nakalagay sa sample cover ng isang magazine, kung saan nakalagay ang quote ni Zanjoe na “It's official— kami na.”

Natawa na lang si Bea at saka inamin na, “Six months [na kami]… Magse-seven months na pala kasi it was on March 16,” pagtukoy niya sa araw kung kailan naging opisyal ang relasyon nila.

Masaya raw ang aktres sa relasyon nila ni Zanjoe, pero naging mas masaya siya nang sa wakas ay naamin na nila ito sa publiko.

(CLICK HERE for related article)

WELCOME CHANGE. Maituturing daw na malaking rebelasyon at pagbabago para kay Bea ang relasyon nila ni Zanjoe.

Aniya, “Alam mo, for the longest time, maniniwala na sana ako na mamimili ka kung career ba o lovelife.

“Kapag okay daw ang lovelife, walang career.

“Pero I’m a living proof na, okay, puwedeng magsabay!”

Pero kahit pa pareho silang public figures, pinipilit pa rin daw nilang maging “low profile” ang kanilang relasyon.

Hanggat maaari raw “may mga pribado kaming bagay na hindi sine-share sa public.

“Mayroon din naman kaming hindi ipinagdadamot sa public kasi they deserve to know about it kasi we’re public figures.

“Para bang kahit papaano, natututunan namin yung art of being private and being public, na ine-enjoy namin.”

(CLICK HERE for related article)

Hindi maipagkakaila na hindi madaling magdala ng isang relasyon, lalo na kung pareho silang abala sa trabaho at maraming mata ang nakamasid sa kanila.

Gayunman, nagagawan ito ng solusyon nina Bea at Zanjoe.

Pagbabahagi ni Bea, “Kasi we find time for each other. Alam mo iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we don't let any showbiz talks ruin us, ruin our relationship, because it's such a beautiful thing!

“Iyon siguro iyong pinaka-importante doon, we bring out the best in each other.”

(CLICK HERE for related article)

ON SETTLING DOWN. Hindi naman nagkakaiba ang opinyon nina Bea, 25, at Zanjoe, 30, pagdating sa pagpapakasal.

Ayon sa 2012 Guillermo Mendoza Awards Box-office Queen, masyado pa siyang bata para isipin ang tungkol sa bagay na iyon.

Pero inamin niya na, “Siyempre, dahil nandito ako sa relationship ngayon, every relationship naman ganun, e, nag-iisip ka na sana kami hanggang sa dulo.

“Pero hindi naman ako puwedeng magsalita nang tapos dahil baka mamaya magkaproblema along the way, hindi namin maano yung differences namin.

“I could only wish na sana kami hanggang sa dulo.”

Ito rin ang pananaw ni Zanjoe, na kabilang sa pelikulang Death March na ipinalabas sa 66th Cannes Film Festival nito lamang linggong ito.

Siinabi niyang nauunawaan niya ang mga “priorities” sa buhay ng kanyang nobya.

“Siyempre kasi, marami pang priorities tapos marami pang kailangan trabahuhin.

“Unang-una kasi, nag-iisa siyang babae. Tapos, hindi pa naman ganun ka-ready.

“Bata pa si Bea. Marami pa siyang puwede gawin. Baka lang hindi maging maganda para sa kanya.”

(CLICK HERE for related article)

Marami pang pagdadaanan sina Bea at Zanjoe, at dito’y masusubok ang tibay ng kanilang relasyon.

Ang aabangan na lamang ng publiko ay kung kailan nila papatunayan ang kasabihang “Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN