Eula Caballero celebrates 18th birthday; wants to be like Angelica Panganiban and to work with Sharon Cuneta

IMAGE Noel Orsal


Eula Caballero says she wants to do more serious projects now that she's 18. But she's not yet ready for sexy pictorials in men's magazines.


Ipinagdiwang ni Eula Cabellero ang kanyang 18th birthday kagabi, June 6, sa Oasis Events Place, Aurora Boulevard, San Juan.

May 23 ang tunay na kaarawan ng TV5 princess na ipinanganak sa Cebu. Ang naganap kagabi ay ang selebrasyong handog sa kanya ng TV5.

Isang kulay puting keyhole, sequined gown na likha ni Ariel Agasang ang suot ni Eula habang dahan-dahan itong naglakad sa red carpet papasok sa venue.

Nakahanay naman sa dadaanan niya na tila honor guards ang kanyang 18 Warriors na kinabibilangan nina JC De Vera, Martin Escudero, Albie Casiño, John James Uy, Christian Samson, Benjo Leoncio, at iba pang mga kaibigan ni Eula.

Labing-walong charms naman ang ibinigay kay Eula ng kanyang 18 Fortunes na sina Valeen Montenegro, Diane Medina, Kiray Celis, Nicole Estrada, Tippy Dos Santos, Karen Reyes, Ella Guevarra, at iba pa niyang mga kaibigan.

Samantala, kinantahan ni Pinoy Pop Superstar season 2 champion Gerald Santos ang debutante ng “Beautiful In My Eyes.”

Kasunod nito ay isang maikling mensahe ang ibinigay kay Eula ng ina niyang si Mary Lou:

“Kahit anong marating mo sa buhay, lagi mong tatandaan ang mga tumulong sa ‘yo.

“Magpasalamat ka sa Panginoon dahil hindi mo mararating ang meron ka ngayon kung hindi sa mga taong nagmamahal sa ‘yo.”

EMOTIONAL EULA. Matapos ang pagdiriwang ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Eula.

Naging emosyunal ang dalaga sa kalagitnaan ng pagdiriwang at sa bahaging nagpapasalamat siya sa mga dumalo sa kanyang party.

Ikinuwento ng bida ng Cassandra Warrior Angel ang isang dahilan kung bakit siya naluha.

Aniya, “No, because, naka-play sa slideshow yung mga pictures namin ng nephew ko…

“And my nephew is like the most important person in my life, my most loved, my favorite person in the world.

“And I’m happy because I can see that, yung mga baby pictures parang, 'Oh, he’s growing up too fast.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m also sad, it made me cry that he’s not here na sana 'andito siya, isa siya sa mga kasayaw ko. But I’m very happy pa rin naman.”

Hindi ba niya naasahan ang mga naganap sa kanyang debut? “Hindi naman everything. I know some. I mean, I know the flow of the program.

“Pero yung mga ganun-ganun nilang messages, parang, of course, hindi ko alam kung ano yung maririnig ko, so hindi ko alam kung sino yung mga makikita ko.

“Hindi ko alam kung ano yung mga mangyayari. Sa sasakyan pa lang, inaanticipate ko na kung ano, sino yung andito.

“So parang I don’t know, naunahan na ko ng excitement…It’s kaba and excitement na naghalu-halo na.”

CAREER ADJUSTMENTS. Para sa kanyang birthday wish, wika ni Eula, “It’s not just for me but for the whole team.

“Because seriously and honestly and sincerely, 'eto talaga yung pinaka-wish ko ngayon: ang maging successful ang Cassandra, because it means so much to me. The show means everything to me.”

Ngayong 18 na siya, gusto raw ni Eula na gumawa ng mga mas seryosong proyekto.

Aniya, “I wanna do projects na mas serious yung characters and mas deeper yung istorya, yung character mismo, malalim.

“And something na more mature pero I’m not talking about going sexy yet. Pero I’m very open to that.

“Depende lang kung hanggang saan. I mean, there are still limitations to that.

“And I’m just excited for all the possibilities that would come now that I’m 18, in terms of acting in TV and in movies.”

Ano nga ba ang limitasyon niya?

“Siguro a little bit of…O kaya let’s go straight na at hindi ko na isu-sugarcoat kung ano po…

“Siguro showing more skin, and legs siguro, back… Ganun. Pero not sexier than that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba nito ay handa na siyang mag-pose para sa mga men’s magazine? “Not yet,” matipid na sagot ni Eula.

Sa paggawa naman ng mga kissing scenes, “Yes, pero depende sa kung gaano ka-daring.”

Mayroon pa ba siyang mahihiling sa kanyang career, sa ngayon?

“Uhm, ano lang, siguro sana I could get to try working on other projects like, ngayon nag-action na ko, nag-action fantasy na ko…

“Then, of course, nakapag-drama na ko. Gusto ko din yung parang tipong light lang.

“Kasi hindi lang sa dramahan, sa bakbakan nasusukat yung galing ng artista, I want to challenge myself also in comedies.

“I mean, di ba, like Angelica Panganiban…parang, kahit saan mo siya ilagay, kung gusto niyang magpatawa, nakakatawa talaga siya.

“So I want to achieve that and I wanna be like her. Well, she’s one of my idols naman din talaga. Pero yun, gusto kong maikot yung lahat ng fields ng pag-arte.”

Sino naman ang mga hinahangad niyang makatrabaho sa mga susunod niyang proyekto?

“Yung mga hindi ko pa nakakatrabaho na gusto ko sanang makatrabaho?

“Uhm, sinu-sino ba? Si Megastar [Sharon Cuneta], hindi pa! Yes, yun na lang. Sana soon, soon enough.

“Sana this year kung puwede pa naman. Sana makatrabaho ko siya sa isang magandang proyekto.”

Okay lang ba sa kanya na magkaroon ng eksenang sasampalin siya ni Sharon?

“My pleasure. Minsan lang ako dapuan ng kamay ng Megastar,” wika ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN