Brazilian-Japanese model Hideo Muraoka ready to take on new challenges as an actor

IMAGE Noel Orsal


Hideo Muraoka is excited to step out of his comfort zone and to try acting. “I think I can do it and I really want to try it— the new challenges for me.”


Mag-aartista na ang fashion and commercial model na si Hideo Muraoka.

Isang Brazilian-Japanese, si Hideo ang maaring pumalit sa puwestong iniwan ng one-time Kapuso talent na si Akihiro Sato, na ngayon ay may asawa at anak na sa Brazil.

NEW CHALLENGES. Ayon kay Hideo, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 9th anniversary ng Mercator sa Privé Luxury Club sa The Fort, Makati City noong May 31, “Nag-aaral ako ng Tagalog araw-araw.”

Ito ay bilang paghahanda sa pagsabak niya sa acting.

Nakakaramdam daw siya ng nerbiyos at pressure ngayong mag-aartista na rin siya. Pero aniya, “Konti lang, konti lang.”

Sa ngayon ay hindi niya pa alam kung sa ABS-CBN, TV5 o GMA siya mapupunta, depende ras sa manager niyang si Jonas Gaffud.

“I don’t know yet. It’s up to Jonas, it’s up to where the opportunity will come first.”

Tatlong taon nang modelo ang 25-year-old na si Hideo. Bakit ngayon lang siya nagdesisyon na pasukin ang acting?

“Kasi ngayon I feel more mature and modeling is madali na sa akin ngayon, so I want new challenges.

“I am open for new challenges in my career and I think I am ready now…

“I think I can do it and I really want to try it— the new challenges for me.”

Kung si Hideo raw ang papipiliin ay gusto niyang masubukan ang lahat ng genre ng pag-arte, pero sa tingin niya ay mas matsa-challenge raw siya sa drama.

“Action, madali para sa akin kasi mahilig ako sa sports, I’m into a lot of sports. Pero gusto ko rin sa drama.”

Kahit sino ang ibigay sa kanya na leading lady ay ikatutuwa niya.

“Anyone, whoever will be given to me, I will be very excited. For me, I’m open for surprises,” nakangiting sabi ni Hideo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puspusan na nga ang paghahanda niya ngayon bago tuluyang sumabak sa pag-arte.

“I’m taking acting workshops, Tagalog class… dancing class as well.

“I might start taking singing lessons as well, because I play the guitar. I am not really a good singer, but I am excited to learn.”

Ano naman ang kanyang dream role?

“As of now, wala pa. Kahit ano.”

Sinu-sino naman ang mga iniidolo niyang aktor?

“Al Pacino, magaling siya. Sa female, si Angelina Jolie.”

BRAZILIAN-JAPANESE ACTORS IN MANILA. Samantala, ikinalungkot naman ni Hideo ang desisyon ng kaibigang si Akihiro na lisanin ang Pilipinas at manatili na lang sa Brazil.

“I actually wish that he will come back. He is a good friend of mine.

“I don’t know his choice right now, I don’t know what his plans are, but I wish he’ll come back, I really miss him.”

Pareho rin daw niyang kaibigan sina Daniel at Fabio, na tulad niya ay nananatiling loyal sa Mercator.

“Well, [I’m] very loyal, being with them since I arrived in the Philippines, so I am very loyal.

“And I plan to stay with them for a long time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN