Ryzza Mae Dizon celebrates fairytale-themed 8th birthday

IMAGE Noel Orsal

Grand entrance si Ryzza Mae Dizon na nakasakay sa isang "royal litter" papasok sa venue ng kanyang fairytale-themed 8th birthday celebration.


Isang bonggang birthday celebration ang inihain ng Eat Bulaga! (EB) dabarkads para sa child star na si Ryzza Mae Dizon.

Fairytale ang naging theme ng kaarawan ng Little Miss Philippines 2012 titlist na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog, Quezon City.

Grand entrance si Ryzza habang nakasakay sa isang "royal litter," suot ang isang pink at yellow gown na gawa ni Regine Tolentino. Sa kanyang daraanan, may mga nagpapasabog ng rose petals.

Bukod sa EB barkada ay kumpleto din ang pamilya ni Ryzza at maging mga kalaro na galing pa sa Angeles, Pampanga.


EIGHTS. Tila isang debut ang kaarawan ng bata dahil may eight treasures, eight roses, at eight wishes si Ryzza.

Ang eight wishes ni Ryzza ay tinawag ding "walong pampasarap ng buhay" o ang mga paboritong pagkain ng child star.

Mula kay Ciara Sotto ay ginataang kalabasa; lugaw mula sa kaibigan ni Ryzza na si Myka; paksiw na bangus mula sa bestfriend niyang si Nicole; ampalaya mula kay Danica Sotto; adobo mula sa ina ni Ryzza na si Rizza; kanin mula kay Tito Sen (Tito Sotto); mangga mula kay Joey De Leon; at kape’t pandesal mula kay Vic Sotto.

Ang eight roses naman ni Ryzza na nakipagsayaw sa kanya ay sina Aljur Abrenica, Mark Herras, Bryan Haufrancia, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Jose Manalo, Charles Jacob Britz ng That’s My Boy, at ama ni Ryzza na si Victor Dizon.

Ang eight treasures naman ni Ryzza ay bracelet mula kay Doc Nani Kabayan, book mula sa writer/ director na si Bibeth Orteza, wallet mula kay Marichu Maceda, pencil mula kay JP Guevara (daughter of Dolor Guevara), shoes mula kay Pilita Corrales, kitchen play set mula kay Helen Gamboa, pillow mula kay Kuya Germs, at watch mula kay Susan Roces.


MORE CELEBRATION. Hinarana naman nina Julia Clarete at Keempee De Leon si Ryzza ng “You Are the Sunshine of My Life” ni Stevie Wonder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-enjoy din ang mga batang bisita ng birthday girl sa mga palarong tulad ng “trip to Pampanga” (isang variation ng trip to Jerusalem), bring me, newspaper dance, at longest breath.

Kabilang sa mga bisita ni Ryzza ay ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice at mga anak ni Danica Sotto na sina Jean-Michele at Anielle Micaela

Nang hiningan naman ng mensahe si Ryzza ay naluha ito sa pasasalamat dahil noon daw ay pancit canton lamang ang handa niya sa kanyang birthday.

Happy birthday, Ryzza!

VIEW: Photos of Ryzza Mae's party!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN