Former 26K girl Olive Cortes hopes to pursue acting career

Olive Cortes on former Kapamilya Deal Or No Deal host Kris Aquino being "suplada" and "maarte": “I can attest to it na hindi talaga siya ganoong tao. Actually once you get to meet her, she’s sweet, thoughtful… she even invited me to her house."


Taong 2005 nang magsimula bilang member ng 26K girls ng Kapamilya Deal Or No Deal ang former Mutya ng Quezon City 2004 at Ms. Philippines-Earth 2005 semi-finalist na si Olive Cortes.

Natapos naman ang stint niya roon noong 2009, nang pansamantalang itigil ng ABS-CBN ang pag-produce sa show franchise.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Olive kamakailan, binalikan nito kung paano nga ba siya nag-audition para sa game show… nang hindi niya alam!

“Iyong friend ko, she called me up pero hindi niya sinabing may audition. Sabi niya ‘Miss na kita, punta ka dito,’" kuwento ni Olive.

Isang trainee umano sa Kapamilya network ang naturang kaibigan niya.

“Tapos pagpunta ko doon, she handed me iyong form na for Deal Or No Deal girls and then iyon na, dire-diretso na! Iyong time na iyon, audition na pala iyon.”

ON KRIS AQUINO. Hindi raw malilimutan ni Olive ang naging karanasan niya sa show, pati ang mga taong nakatrabaho niya.

All-praises din siya sa host noon ng programa na si Kris Aquino na inilarawan niyang “Mabait!”

Hindi raw suplada o maarte si Kris.

“I can attest to it na hindi talaga siya ganoong tao. Actually once you get to meet her, she’s sweet, thoughtful… she even invited me to her house.

“Kasi medyo noong time na iyon, si Baby James, medyo magaan iyong loob sa akin, so sabi niya, ‘You can go to our house.”

Kuwento pa ni Olive ay generous daw si Kris.

“Meron siyang mga binibigay, e. Mga shoes, mga clothes. Sabi niya, ‘O pag may kasya sa inyo, inyo na!’ Mabait siya, mabait siya.”

Kaya isa raw si Olive sa siguradong boboto para kay Kris kapag tumakbo nga ito sa 2016.

“Oo, oo! Kasi ano, alam naman nating lahat e, sobrang prangka niya, so siguro naman by saying that, wala na siyang itatago, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako talaga pag tumakbo siya dito… I think sa Tarlac siya tatakbo, so if ever tumakbo siya dito [Metro Manila] or sa national elections, iboboto ko talaga siya.”

BUSINESS VENTURE. Negosyante na ngayon si Olive. Siya ang founder at big boss ng bagong tayong online discount shopping business na deals4us.ph.

“We had a test drive, tapos inayos namin iyong mga ibang mga bugs na tinatawag nila, iyong mga computer glitches, para pag ni-launch namin siya, tuluy-tuloy na.”

Bakit ito ang naisipan niyang negosyo?

“Noong bata kasi ako, mahilig na akong mag-buy and sell. Even before, my mom would buy iyong mga boxes— wala pang ukay-ukay noon— and I would sell them.

“Sabi ko, ‘Ma gusto ko magbenta.’ Doon lang sa labas ng bahay namin.”

Nagtinda rin siya sa studio ng ABS-CBN, pero hindi raw niya binentahan noon si Kris.

“Hindi ko pinapaabot sa kanya. Nakakahiya,” at tumawa si Olive.

“Mga ano lang iyon, mga Abercrombie, mga gano’n lang… mga Victoria’s Secret. Siyempre nakakahiya kay Miss Kris.”

Solong negosyo ba niya ang deals4us.ph?

“It’s under Verbosys, I’m the President of Verbosys, Inc.

“It’s a BPO, IT, and call center company, so we have the overhead na. Ibig sabihin, we have the team for deals4us.ph. Additional lang siya doon sa company.”

Ang vision daw ng kumpanya nina Olive ay “providing Filipinos [with] quality products and services online.”

Bukod sa online shop ay marami pang ibang aspeto ang kumpanya.

“Iyong mga may gusto pang malaman about deals4us.ph, pwede silang tumawag sa (632) 497-8374 o pumunta sa office namin sa 6/F Unit B, RCC Center, 104 Shaw Boulevard, Pasig City,” sinabi pa ni Olive.

PURSUING SHOWBIZ. Bagamat busy sa negosyo ay gusto pa ring ipagpatuloy ni Olive ang nasimulan na niya sa industriya ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto! Pero as much as possible hindi maapektuhan iyong pagiging mother ko and wife, kasi iyon muna talaga iyong binibigyan ko ng priority.”

Kasal sa isang businessman at may dalawa na silang anak.

Nasusubaybayan pa rin ni Olive ang bagong edisyon ng Kapamilya Deal Or No Deal na ngayon ay hosted by Luis Manzano.

May advise ba siya para sa mga bagong 24K girls?

“Don’t stop dreaming and don’t let the idea of being a 24K or a 26K girl get into your head.

“By saying that, ibig kong sabihin, huwag silang mag-stop na magtrabaho and ipakita sa tao na they deserve to be there, kahit na sabihin mong 24K girl ka.

“Kasi you will leave a mark doon sa mga tao na nakakatrabaho mo talaga.

“Siguro sa tagal ko sa pagiging 26K girl, I’m proud to say na I’m one of those girls na hindi nagbigay ng sakit ng ulo sa katrabaho.”

Sa pagbabalik-tanaw na ito, natanong ng PEP ang tanong din ng maraming manonood ng game show: “Hindi ba nila talaga alam kung ano ang laman ng briefcase na hawak nila?”

“No. Bawal iyon, bawal talaga,” wika ni Olive.

“Also, they monitor [us]. May mga mic sa likod, so pag narinig nila na ganyan, naku… bawal iyon, bawal talaga!

“Even Miss Kris doesn’t know kung ano ang laman ng briefcase, and binibigay lang iyong briefcase before mag-start iyong show.”

Sino naman si banker? Marami kasi ang naghihinala na si Lauren Dyogi ito dahil ka-boses umano niya si banker.

“No, hindi siya. Direktor rin, pero hindi siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN