Arci Muñoz fulfills childhood dream with "peacock" hair

Beauty junkie Arci Muñoz always wanted to have multicolored hair. She now dons what she calls "peacock" locks in a graded mix of lavender, azure, and blonde tones.


Kapansin-pansin ang bagong hairstyle ng WowoWillie co-host na si Arci Muñoz.

Hindi lang kasi iisa ang kulay nito. Lavender ang kanyang buhok mula sa tuktok hanggang tenga, at unti-unting nagiging azure sa ilang bahagi at blonde naman sa iba.

Bakit nga ba ganito ang kulay ng hair niya?

Tugon ng 24-year-old star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, kasi matagal ko nang pangarap ‘to. Pangarap ko talagang magpakulay ng iba’t ibang kulay ng buhok.”

Dagdag pa niya, “Bata pa ako, ganyan na ako, di pa ako artista. Na-try ko na lahat ng kulay ng buhok. Ngayon lang ako nag-combine ng iba’t ibang colors.

“Ngayon lang ako nag-parrot look... ay, peacock naman, huwag naman parrot.”

Mahilig nga raw talagang mag-ayos at magpaganda itong si Arci. Binabalak ba niyang gawing negosyo ang pagkahilig niya sa hair and makeup balang araw?

“Baka pag hindi na ako artista, siguro gano’n na lang ang gagawin ko— magmi-makeup, magdo-drawing, magkukulay ng buhok… magkukulot,” natatawa niyang sagot.

Marami naman ang nagsasabing parang ginagaya raw niya ang hairstyle ng sikat na international singer na si Katy Perry. Ano ang masasabi niya rito?

“Talaga? Hindi, malayo e, malayo. Kanya-kanya namang trip 'yan, e. Kung pareho kami ng trip ni Katy... bakit siya lang ba puwedeng magkulay ng buhok?

“Di ba ginagaya lang ako ni Katy? Ako ang ginagaya niya?” pabiro niyang sabi.

NEW SHOW. May bagong proyekto si Arci sa TV5, kung saan makakasama niya ang hunk actor na si Derek Ramsay.

May kinalaman ba sa show na ito ang pagpapakulay niya ng buhok?

“Iyon nga e, di ko 'to puwedeng gamitin sa new show ko kasi lawyer ang role ko doon, so mag-wi-wig ako doon.

"Naka-wigalow [wig] ako bilang ayoko siyang ipagalaw kasi kakapakulay ko lang.”

Sa huli, muling sinabi ni Arci na bata pa daw talaga siya ay hilig na niya ang magpakulay ng buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Matagal ko na ‘tong ginagawa. E, bilang nagkaroon ako ng pagkakataon dahil nagho-host ako sa WowoWillie, wala namang required color ng buhok dahil hosting.

“Atsaka, ano ako, medyo weirdo. Gusto ko talaga iba ako, e. Gusto ko iyong kakaiba ako. Gusto ko wala akong kapareho. Sira na nga itong buhok ko e, double triple dead na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN