Kean Cipriano enjoys singing and acting at the same time

IMAGE Noel Orsal

Masyado mang kinakarir ni Kean Cipriano ang filmmaking, wala pa rin daw siyang balak na iwan ang kanyang bandang Callalily.


Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang 26th birthday ang band vocalist na si Kean Cipriano at nakakuwentuhan niya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay.

Ano naman ang birthday wish ng lead vocalist ng bandang Callalily?

“I just want more rocking gigs, more albums to come, more movies to make, good movies, and I just wanna have fun,” tugon niya.

Sa kasalukuyan, ang pelikulang pinagkakaabalahan ni Kean ay Ang Huling Henya, na pinagbibidahan ni Rufa Mae Quinto.

Sa nasabing pelikula ay makakasama niyang muli si Direk Marlon Rivera, na siya ring nagdirek ng award-winning indie movie na Ang Babae Sa Septic Tank, kung saan kasama rin si Kean.

Dagdag niya, “I have a movie with Kim [Chiu] and Xian [Lim], the working title I think is Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Ang inaasahang magdidirek ng nasabing pelikula ay si Bb. Joyce Bernal na naging director din dati ni Kean sa isang TV series.

“I’m doing good movies with good people that I know kaya masaya ako,” ayon sa singer.


FROM SINGER TO ACTOR. Nagsimula man bilang band vocalist, tila unti-unti na ring napapamahal kay Kean ang filmmaking. Sa katunayan, sinabi niya na kamakailan ay nag-aral siya ng filmmaking at nakagawa na raw siya ng isang short film.

“I’m really into directing now. [I’m] so interested in doing it, or filmmaking rather,” pag-amin niya.

Bukod sa kanyang mga nakalinyang film projects, regular ding napapanood si Kean sa Banana Nite gabi-gabi sa ABS-CBN at regular na nagpe-perform sa ASAP 18.

Pahayag niya, malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang management dahil iniingatang mabuti ang kanyang career.

Pero sa kabila ng tagumpay niyang ito, nilinaw ni Kean na wala siyang balak na mag-solo o iwan ang kanyang banda.

Aniya, “You know, I love playing music with my band mates. I love playing the guitar and singing with [them].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masuwerte raw siya na nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya— ang gumawa ng pelikula at acting projects at kumanta.

“Sobrang sarap ng ginagawa ko, di ako nagtatrabaho.

“I chose a job that I love so I’m never working a single day of my life,” pagpapasalamat niya.


WORKING AGAIN WITH ALEX. Coincidentally, muli na naman silang nagkakatrabaho ng kanyang ex-girlfriend na si Alex Gonzaga sa Banana Nite.

Kamakailan ay bumalik ng ABS-CBN si Alex mula sa isang rival network kung saan nagbida na siya sa ilang teleserye at ang isa pa nga rito ay nagkatrabaho sila ni Kean.

Ani Kean, sa muling pagtatrabaho nila ni Alex ay wala naman silang ilangan.

“When I heard about the news that she’s coming [back to ABS-CBN], natuwa ako nung nalaman ko na I’d be working with her.

“Alex means so much in my life. We have this thing that we can’t put a label on, but you know, naging magandang part ng buhay ko si Alex kaya sobrang okay kami ngayon, sobrang good kami,” pagmamalaki niya sa dating girlfriend.

Sa katunayan ay naglolokohan nga raw sila sa set ng Banana Nite.

Inusisa rin namin si Kean tungkol sa kanyang personal na buhay pero aniya, mas gusto raw niya na panatilihin itong pribado.

“You know, it’s something I think would not be… essential siya [but] I don’t wanna let it out in the open. Steady lang.

“Alam mo ‘yon, sa akin lang naman ‘yon.

“Personalidad ko lang siguro ito. Kung kaya ko na hindi na lang siya pag-usapan, di na lang. I think that’s better,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN