Ana Roces plans to set up a personality development school in the Philippines

IMAGE Noel Orsal

Nakikita ni Ana Roces na ang anak niyang si Mela ang maaaring sumunod sa kanyang mga yapak bilang artista. Kuwento niya: “Mahilig siyang kumanta, maganda iyong boses, sweet iyong voice. Tapos, nag-Alice In Wonderland siya sa Trumpets, nag-play siya.”


Kababalik lang sa bansa ni Ana Roces nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Bungad niya, “I went to the States, nag-aral ako ng Image Consulting, parang etiquette. Meron akong company na gustong simulan.

“Parang nasa infancy stage pa lang talaga siya ngayon, kasi kakatapos ko lang aralin iyong course na I took in the States.

“Gusto ko siyang i-set-up here, so inaayos ko pa.”

PERSONALITY DEVELOPMENT. Isang personality development school (gaya ng John Robert Powers) ang nais niyang simulang negosyo.

“Parang ganoon, pero marami kasing mga corporations na kumukuha ng mga image consultants to teach, to give seminars, and workshops... personality development.

“Tinuturuan sila kung paano maglagay ng make-up.

“So iyon, nag-aral din ako ng make-up—paano sila magbihis, umupo, mag-say hello, kumain.

“It’s something interesting, something na gusto kong pasukin,” sinabi pa ni Ana.

Dito niya sa Pilipinas itatayo ang nasabing kumpanya. Within this year ang target niya, pero wala pa siyang naiisip na pangalan para sa negosyo niya.

“Wala pa, e, inaayos ko pa iyong mga papers.”

Sa Etiquette School Of New York nag-aral si Ana ng Image Consultancy.

“Tapos, meron din akong inaral sa Canada pero ano siya, parang distance course sa International Image Institute.

“Actually, naka-conduct na rin ako ng mga seminars sa mga friends-friends ko.

“Parang more on to gain experience and kasi siyempre, pino-formulate ko iyon.

“Siyempre kasi, nag-aral ka, di ba? Pero hindi naman lahat is puwede kong ma-incorporate sa Philippine setting.

“So kailangan ko rin i-ano, I need to... parang i-tailor made ko sa Philippine setting.”

ACTING AND BUSINESS. Kahit magtatayo na siya ng negosyo, tuloy pa rin daw ang pagiging artista niya.

Aktibo pa rin si Ana sa showbiz at isa siya sa mainstays ng Anna KareNina ng GMA-7.

Mabait ang role niya sa Anna KareNina bilang si Daisy, ang bestfriend ni Maggie na ina ni Anna Karenina. Si Maggie ay ginagampanan ni Yasmien Kurdi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahaba ang papel ni Ana sa show na nagsimula sa nakaraan ni Maggie hanggang sa paglaki ni Anna Karenina.

“Ako rin ang mom ni Brix, played by Julian Trono. Ang love interest niya si Krystal Reyes, who is playing Anna.”

Kabilang din sa cast sina Barbie Forteza bilang si Karen, Derrick Monasterio bilang Aldrin, Joyce Ching bilang Nina, Hiro Magalona bilang Brian, Sandy Andolong bilang Doña Carmela, Juan Rodrigo bilang Don Xernan, Yul Servo bilang Kadyo, Neil Sese bilang Abel, Alan Paule bilang Lucas, Maybelyn dela Cruz bilang Nayda, Maureen Larrazabal bilang Suzie, Alicia Mayer bilang Brigette, Kathleen Hermosa bilang Becky, Joanna Marie Tan bilang Carla, at si Valerie Concepcion bilang Ruth.

Ito ay sa direksyon ni Gina Alajar.

Unang pagkakataon ito na naging direktor ni Ana si Direk Gina.

“Actually, first time, pero nagkatrabaho na kami ni Direk before as parehong artista."

Nakasama ni Ana noon si Direk Gina sa telesine ng GMA-7 na The Love Story of Jose Rizal, kung saan gumanap siya bilang Josephine Bracken.

Si Direk Gina naman ay bilang si Saturnina, ang kapatid ni Jose Rizal na ginampanan naman ni Eric Quizon.

Si Carlitos Siguion-Reyna ang direktor nila sa nabanggit na telesine.

“Pero si Direk [Gina] naman kasi, kahit na ka-eksena mo lang siya, kahit hindi siya iyong direktor mo, pero she’s always there to guide you.”

On a per project basis ang kontrata ni Ana sa GMA-7, at malaya siyang nakakagawa sa iba-ibang TV networks.

SHOWBIZ KIDS. Naikuwento naman ni Ana na ang eight-year-old daughter niyang si Carmela ay nakikitaan niyang nagmansa sa kanya sa pagkahilig sa pag-aartista.

“Mahilig siyang kumanta, maganda iyong boses, sweet iyong voice.

“'Tapos, nag-Alice In Wonderland siya sa Trumpets, nag-play siya.

“Kasi nag-summer workshop siya, 'tapos, yung parang pinaka-culminating activity nila, may play sila.

“Nagulat naman ako na siya si Alice,” masayang kuwento ni Ana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ngayon ay hindi pa maaaring pumasok sa showbiz si Carmela dahil mahigpit ang eskuwelahan na pinapasukan nito.

Two and a half years old naman ang anak na lalaki ni Ana na si Mateo.

“Super-bibo,” bulalas ni Ana.

“Super-friendly, 'tsaka ano siya, sobrang lagi siyang happy. Pero sana mag-abugado siya.

“Ako daw iyong pumili na mag-aabugado siya!” at natawa ang aktres.

“Hindi, wishful thinking lang lahat iyan, pero at the end of the day, bahala sila kung ano iyong kanilang choice, pero dapat, makatapos ng pag-aaral.

“Si Mela, gusto talaga niya, e, nakikita ko talaga.

“Kasi, interesado siyang umarte, 'tsaka the mere fact na pinili siya [bilang Alice], so it means may nakikita rin sila na something.

“Pero tapusin muna niya iyong kanyang pag-aaral,” mahigpit niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN