Rocco Nacino boxes with dad

IMAGE Glen Sibonga

Rocco Nacino admits that even at 26, he still asks his parents for advice before he makes big decisions in life. "Feeling ko kasi… I like to think of myself na hindi pa ready to make tough decisions, so I always go to my parents para mag-consult muna. Mas nakakaalam pa rin sila.”


Nagsilbing post-Father’s Day celebration ang ginawang bonding ng GMA Artist Center talent na si Rocco Nacino, kasama ang kanyang ama na si Ralph Nacino sa Elorde Gym sa Julia Vargas Avenue, Ortigas noong Hunyo 19.

Part-owner si Rocco ng naturang boxing gym.

Nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang mag-ama, sinabi nilang nag-e-enjoy sila sa training at sparring sessions dahil isa raw talaga ang boxing sa hilig nilang gawin.

Ayon kay Daddy Ralph, “Isa ito sa activities namin para magkasama kami. Pero most of the time magkasama kaming mag-gym.”

Sabi naman ni Rocco, “Masaya pag kasama ko si daddy dito kasi sometimes pag may time kami… meron kasing firing range dito, e. So, before or after working out here magpa-firing kami.

"Iyon pampatagal ng stress, pampa-relax, bonding moment din. Tinuturuan niya akong pumutok ng baril. It’s fun learning something new... at the same time bonding na rin.

“Marami rin akong natutunang sports kay Daddy. Natutunan kong mag-basketball through him.

"Noong high school ako sinasama niya akong mag-golf. So, kahit papaano natutunan ko ring mag-golf. Pero mas na-in love ako sa contact sports talaga.”

Noong mismong Father’s Day daw ay nag-bowling sila kasama ang nakababatang kapatid ni Rocco na si Kyle. Niregaluhan daw nila ng bagong t-shirts ang ama.

Na-touch naman daw si Daddy Ralph sa pagiging thoughtful ng kanyang mga anak.

“My wife and I are really blessed to have children like Rocco and Kyle. Masaya kami kasi napalaki namin sila sa paraang tama at may takot sa Diyos.”

CONSULTING DAD. Ayon kay Rocco, malaki ang respeto at paghanga niya kay Daddy Ralph kaya madalas niya itong konsultahin, kasama si Mommy Linda, sa mga major decisions sa buhay niya.

Katulad na lang daw nang pasukin niya ang business ng pagtatayo ng boxing gym... “Actually, when I started this business with my partners, si Daddy ang unang kinausap ko, e, kasi siya iyong may alam talaga pagdating sa mga business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, when I got his blessing at sabi niya, ‘Sige, go for it!’ I went for it. Hindi ko sinimulan ito nang wala iyong blessing ng parents ko, lalo na kay Daddy.

"So noong itinuloy ko, I found out that it was a good move,” sabi ni Rocco.

Ano naman ang pakiramdam ni Daddy Ralph na hinihingi ni Rocco ang advise niya sa mga desisyong gagawin ng aktor?

“Masaya kami kasi kahit papaano binibigyan kami ng importansiya.

"He consults us with major decisions sa buhay nila. And syempre as parents we give them guidance and support,” ani Daddy.

Dahil madalas konsultahin ni Rocco ang ama, pagdating ba sa kanyang lovelife ay kumukonsulta rin siya rito?

“Pagdating sa lovelife, idol ko si daddy. I consult him in everything.

"Feeling ko kasi… I like to think of myself na hindi pa ready to make tough decisions, so I always go to my parents para mag-consult muna. Mas nakakaalam pa rin sila.”

Ano naman ang madalas ipayo ni Daddy Ralph sa anak tungkol sa pag-ibig?

“There’s always time for serious relationship. And right now, syempre artista, hindi naman araw-araw sikat ka, e.

"There will be a time na mawawala ka sa limelight, so focus muna sa work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN