Alden Richards gives his "blessing" to widower dad


Alden Richards on allowing his dad to go on dates: “Opo naman. It’s been five years and I’m sure iyong mom ko, kung nakikita niya ito, she would make a way para sabihin sa dad ko na have fun naman."


Huli man daw at magaling, maihahabol din.

Nakahabol pa nga sa Father’s Day celebration ang GMA Artist Center talent na si Alden Richards at ang kanyang amang si Richard Faulkerson Sr., nang mag-bonding silang dalawa sa SM North Edsa Bowling Center noong Hunyo 18.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagba-bonding nilang ito at nang makausap namin sila ay masaya nilang ibinahagi ang kanilang magandang karanasan sa pagbo-bowling nang magkasama.

Sabi ni Alden, “Actually, nagbo-bowl naman po kami ni daddy before. Pero first time namin dito sa SM North na mag-bond.”

Matagal din daw bago sila nakapag-bonding ulit nang ganito.

“After so many months po. Sometimes, kapag may time... si Dad kasi nagda-drive sa akin every Sunday kapag day-off yung driver.

"Pag meron kaming in-between schedules tapos may window time, usually we go sa mall, pero siguro ngayon na lang magbo-bowling ulit.

"Kasi siya ang nagpakilala sa akin nito, e, nagbo-bowl kasi si Dad before.”

Masaya naman daw si Daddy Richard na ipag-drive si Alden kahit na nga rest day niya na lang dapat ito matapos ang isang linggong pagtatrabaho.

“Iyong Sunday ko talagang dedicated na sa kanya. Lumalabas na parang wala na akong off, pero ganun talaga, e.

"Nae-enjoy ko naman, e. Lalo na simula na naman iyong Sunday All Stars, so madalas na naman kaming magkakasama pag Sunday,” ani Daddy Richard.

PROUD FATHER. Very proud nga si Daddy Richard sa lahat ng achievements at tagumpay ni Alden.

“Definitely, I’m very proud sa kanya. Maski sa Facebook, sa Twitter, ako na mismo iyong nagpo-post nung videos at activities niya, e.”

Umasa ba siya noon na sisikat nang ganito ang anak?

“Honestly, hindi. Hindi ko ine-expect. Kasi hindi ako totally… hindi naman against, pero ginusto kong tapusin niya iyong school, dati ha.

"Pero nandito na siya, so susuportahan ko siya, support na lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga nagbago sa pamilya nila nang pumasok sa showbiz si Alden?

“Financially, malaki ang pagbabago. Basta malaki ang naitulong sa pamilya ng pagsu-showbiz niya.”

Pero hindi naman daw nagkulang sa pamilya ang ama sa pagiging good provider, sabi ni Alden.

May trabaho naman daw ang daddy niya hanggang ngayon at kung anuman ang naitutulong niya sa pamilya ay maluwag sa loob niya itong ibinibigay.

BAD JOKE ON DEAD MOM. Bukod sa bonding moments ng mag-ama ay ilang isyu at intriga rin ang aming ipinasagot sa kanila.

Una na nga rito ang paglabas ng damdamin ni Alden sa isang basher niya sa Twitter dahil sa masamang biro tungkol sa yumao niyang ina na si Rosario Faulkerson.

Ikinagalit nga ito ng Kapuso actor dahil pati raw ang nananahimik na ina niya ay idinamay para lang saktan o siraan siya.

Ayon kasi sa tweet ng basher, “Oy, patay na pala ang nanay ni Alden, let’s celebrate!”

Unang lumabas dito sa PEP ang reaksyon ni Alden sa isyung ito.

Sabi nga niya, “My dad was introduced to Twitter a few weeks back. Tapos, nabasa nga niya na merong nang-aaaway sa akin sa Twitter. Pati siya inaaway!

“And then, my mom na, Diyos ko, five years nang nag-rest in peace, ay idinamay nila— iyon iyong nakakainis na part!

"Ayaw ko naman silang sagutin kasi iyon ang way of provoking nila para pansinin. So, the more pansinin mo sila, the more na mag-iingay sila, so I just kept quiet.

“Sana huwag na lang pati family ko. Kasi, ayoko lang talagang magsalita... kasi, di ba? Huwag na lang family ko, please.”

Ngayon naman ay kinuha ng PEP ang reaksyon ni Daddy Richard tungkol sa bad joke na ito.

Aniya, hindi rin niya nagustuhan ang tweet na ito pero pinayuhan na lang niya si Alden na huwag nang pansinin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Daddy Richard, “Alam mo, sa business na ito kailangan ang pasensiya mo, ang tolerance mataas.

"Sabi ko, ‘Huwag na lang nating pansinin. Baka hindi nila alam yung mga ginagawa nila. Nandito tayo sa showbiz, konting tiis.’

"Although tao lang kami nasasaktan din. Nananahimik na ang asawa ko. Masakit pero mas mabuting huwag nang pansinin at huwag nang magpaapekto.”

PRIORITIZING CAREER OVER LOVELIFE. Samantala, dahil matagal na ngang biyudo si Daddy Richard, natanong namin si Alden kung pinapayagan na ba niyang makipag-date ulit ang daddy niya.

Sagot ng aktor, “Opo naman. It’s been five years and I’m sure iyong mom ko, kung nakikita niya ito, she would make a way para sabihin sa dad ko na have fun naman.

"Basta huwag niya lang kaming pababayaan ng mga kapatid ko, okay ako doon.”

Nang mapadako naman sa lovelife niya ang usapan, ito ang pahayag ni Alden: “Wala po akong time diyan, e.

"Talagang sa sobrang dami ng nangyayari ngayon sa career ko, it’s the least of my priorities. I don’t look for it. I’ll just wait na lang po if it’s the right time.”

Todo-iwas naman si Alden nang matanong kung bakit hindi pa niya nililigawan ang crush niyang si Julie Anne San Jose.

“We’re friends po. As of now, wala akong plano sa ganyan. I’m not going to pursue love at the moment. Basta ako focus sa career and wala po munang distractions.”

Sang-ayon naman dito si Daddy Richard.

“Kung sino iyong magugustuhan niya, it’s fine with me, okay lang ako. Pero mas maganda kung trabaho muna.”

Busy nga si Alden ngayon sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad, at tuwing Linggo sa Sunday All Stars.

Kasama rin siya sa pelikung pagbibidahan ni Robin Padilla, ang 10,000 Hours na isa sa walong official entries sa 2013 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalu-launch lang din ng self-titled debut album niya under Universal Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN