NEWBIE. Model Ken Alfonso hopes to enter the TV drama scene

Sa dami ng mga male models na pumapasok sa pag-aartista, tingin ni Ken Alfonso na advantage niya ang pagiging purong Pinoy dahil mas patok pa rin daw ang mga tulad niya sa masa.


Isang up-and-coming male model ang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Siya ay si Ken Alfonso, ang pinakabagong talent ng Mercator Artist and Model Management, na kinabibilangan din ng mga Brazilian-Japanese models na sina Daniel Matsunaga, Hideo Muraoka, at Fabio Ide.

Kennedy Alfonso ang buong pangalan ng binata mula sa Laguna.

Magkasabay silang inilunsad ng TV personality na si Winwyn Marquez noong May 31, sa isang launch party na ginanap sa Privé Luxury Club sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Paano nga ba siya nadiskubre?

“Actually, nasa Baguio ako noon, nagbabakasyon kami ng family ko and mga kaibigan ko,” kuwento ni Ken sa PEP.

“'Tapos, nandoon din si Jonas [Gaffud, head ng Mercator], tapos nilapitan ako ng isa sa mga tao niya and then binigyan ako ng calling card.

“And then after noon, doon na ako nag-start noong pagbalik ko sa Manila.”

Sa Antipolo nakatira ngayon si Ken, at bago pasukin ang showbiz ay nanggaling siya sa corporate world.

Isang medical representative si Ken bago napasok bilang marketing staff ng isang pharmaceutical company.

“Ngayon nasa business development na ako,” wika niya.

Ang company nila ang nagdi-distribute ng mga gamot na ginagamit sa Botox treatments. Ayon pa kay Ken, ilan sa mga big accounts nila ay ang Belo Medical Group at ang Calayan Surgicentre.

FIRST TIMER. Bago siya nakilala ni Jonas ay never pang nagkaroon ng exposure sa modeling or sa showbiz si Ken.

“Never pa, wala pa. First time,” wika niya.

May mga nag-offer naman raw sa kanya noon “pero nag-focus ako sa studies ko, e.”

Ano ang nakapagpabago sa isip niya ay tinanggap niya ngayon ang alok ng Mercator na maging modelo?

“Parang sabi nga ng family ko, ‘Sayang naman ang opportunity,’ na marami na ring dumarating na offers for me, mga gano'n, so ngayon ginrab [grab] ko na iyong opportunity. Susubukan ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa modelling, isasabak na rin agad si Ken sa pag-aartista.

“We’re working either sa [GMA] 7 or [TV] 5, pero right now siguro bahala na si Jonas kung saan niya naiisip na mas magandang ilagay ako,” kuwento niya.

Una raw isasabak si Ken sa drama genre, “Yeah, siguro sa drama muna and then later on baka puwede na akong gumawa ng iba pa… I’m willing to venture into other opportuntities like action, horror, comedy.”

Willing din ba siyang magpa-sexy kung sakali?

“Puwede rin, ta-try natin.”

Hanggang saan ang kaya ni Ken na pagpapa-sexy?

“Ah, boxer shorts?” sabay tawa ng guwapong newcomer.

“Pag may abs na ako, puwede na,” dagdag pa niya.

Hindi pa ba sapat ang ganda ng katawan niya para sa sexy roles?

“Mas pagagandahin ko pa,” giit niya.

FILIPINO EDGE. Ngayong mas nakikilala na sa showbiz sina Daniel, Hideo, at Fabio, sa palagay ba ni Ken ay nakalalamang siya sa kanila dahil marunong siyang mag-Tagalog?

“I think bukod sa pagiging Pilipino na marunong akong mag-Tagalog, I think siguro dahil mas merong… hindi naman sa pag-aano, pero siguro mas Pinoy na Pinoy.

“Mas iba pa rin ang dating natin sa masa.”

Sa ngayon ay hindi pa nagre-resign sa kanyang trabaho si Ken.

“Medyo ano lang ako sa modelling and showbiz, kapag may time lang ako.

“Normally kasi every Monday office day ko, and then Tuesday to Friday sa field ako kaya flexible ang time ko.”

Tumawa lang si Ken nang banggitin namin na advantage ang kaguwapuhan niya sa pagma-market ng produktong ginagamit sa Botox.

At ayon sa binata, “Pero ngayon nalipat ako sa eye care products, e, mga pampatak.”

Pinuna naming na maganda rin ang mga mata niya…

“Salamat,” at muling tumawa si Ken.

JEALOUSY? Ilan pa sa talents ng Mercator ay sina Mikael Daez, Ervic Vijandre, Lemuel Pelayo, Kerbie Zamora at JC Tiuseco, na posibleng makatapat niya pagdating sa pagkuha ng mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang pakikitungo niya sa kanila? Close na ba siya sa mga ito?

“Hindi pa kami nagiging close talaga pero nakakasama ko sila sa mga workshops.”

Kapag full-blast na siya sa pag-aartista, iiwan na niya ang trabaho niya sa corporate world.

Limang taon ang exclusive na kontrata ni Ken sa ahensiya.

Banggit pa namin sa kanya, dahil tila siya ang paborito ngayon sa kanilang talent agency, marami sa mga iba pang baguhang talents ang tila naiinggit o nai-insecure sa kanya.

Inamin naman ni Ken na nararamdaman niya iyon.

“To tell you honestly, meron naman, kasi tao lang din tayo siguro na may nararamdaman sila.

“Pero at the end of the day, parang kami-kami rin naman ang magtutulungan niyan, e.”

Paano niya nasabing meron ngang inggit ang iba sa kanya?

“Kasi, like for example, first time nagkaroon ng launch, tapos in a way parang na-highlight ako.”

Sa launch nga nila ni Winwyn, among the new models ay si Ken lamang ang may video presentation. Pero ayon sa kanya, mabait naman raw sa kanya ang lahat ng kapwa talents.

BREAKUP TREND. Walang karelasyon si Ken ngayon. Kahihiwalay lang nila two months ago ng girlfriend niya of seven years.

Sa tanong kung bakit sila naghiwalay… “Maraming factors, e. But we’re okay, magkaibigan pa rin kami.

“I think iyong mom niya gusto pa rin naman ako, e.”

Biniro namin si Ken na uso yata sa kanilang grupo ang hiwalayan.

Kamakailan lang kasi ay parehong nakipaghiwalay sina Venus Raj at Janine Tugonon sa kani-kanilang nobyo.

Sina Venus at Janine ay under management ng Mercator bago pa man sila sumali at nanalo sa Miss Universe.

Natawa na lang si Ken sa aming tanong at sinabing, “Baka nasa uso lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN