Award-winning filmmaker Brillante Mendoza celebrates 53rd birthday

IMAGE Noel Orsal


Brillante Mendoza on the best thing about his 53rd birthday party: "This is the most important thing sa akin. It's not only the end product, but it's about the film, the making of the film. It's really the relationship—the friends you come to know and maintain for so long."


Nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday ang award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza kagabi, July 30, sa kanyang malawak na hardin sa Chantilly Villas, Mandaluyong City.

Masayang-masaya si Direk Dante sa pagdating ng marami niyang mga kaibigan sa industriya, including foreign friends na nakilala niya sa mga filmfests abroad.

Naroon din ang mga staff ng kanyang indie film outfit, Centerstage Productions; mga kapwa indie film directors; mga taga-media, at mga artistang naging bahagi ng kanyang renowned profession.

Hindi lamang direktor si Brillante. Nagsimula siya—at nagpapatuloy pa rin—bilang production designer para sa pelikula at commercial advertisement, at naging producer ng mga premyadong indie films.

Naroon din sa party ang apat na miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, sa pangunguna ng National Artist Dr. Bienvenido Lumbera, UP College of Mass Communication Dean Roland Tolentino, Dr. Nicanor G. Tiongson, at reviewer-critic Mario Hernando ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nakisaya rin sa kaarawan sina Meryll Soriano, Dennis Trillo, at Baron Geisler, ang ilan sa mga artista ng bagong pelikulang prinodyus at dinirek ni Brillante Mendoza—ang Sapi, isang horror-suspense-drama.

Kasama ni Dennis ang kanyang manager na si Popoy Caritativo, at si Baron naman ay dumating with his non-showbiz girlfriend.

ENDING STRIFE. Maituturing na masayang kaganapan ang pagkikita nina Baron at aktres na si Cherry Pie Picache, matapos ang nangyaring kontrobersiya sa kanilang dalawa two years ago.

Kasamang dumalo ni Cherry Pie ang kanyang long-time manager na si Edgar Instrella.

Matatandaang nagkatampuhan din noon sina Direk Dante at Cherry Pie, pero malaon na ring nagkaayos.

Tila nga nagsilbing venue ang party ng Cannes Film Festival award-winning director upang mapagtibay ang pagkakaayos ang tatlo.

In fact, nagka-trabaho na rin uli sina Brillante at Cherry Pie para sa isang AVP (audio-visual presentation).

Unang nai-direk ni Brillante si Cherry Pie sa kanyang second Gawad Urian award-winning lead starrer na Foster Child (2007).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meanwhile, Baron is raring to work again with Ms. Cherry Pie, tulad ng nasabi ng aktor nang magkakasama silang tatlo sa isang mesa.

"Mabait na ito," magiliw na sabi ni Direk Dante kay Cherry Pie, patungkol kay Baron.

"Hindi na ako binigyan ng sakit ng ulo niyan. Diyan siya natutulog sa make-up room," wika ni Direk Dante. Ang tinutukoy niyang make-up room ay nasa loob ng garden-studio-offices niya

Sinuklian naman ni Cherry Pie ng pagsang-ayon ang sinabi ng direktor. "Oo naman," ngiti niya.

"I hope to work with Ms. Cherry Pie again," sambit nga ni Baron.

Bago mag-hatinggabi kinantahan si Direk Brillante ng "Happy Birthday" ng mga dumalo.

Pinaka-espesyal ang pagbati sa may kaarawan ng kanyang teen-age daughter na si Angel.

FULFILLED. "I'm happy!" sambit ni Brillante Mendoza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang simpleng ceremony.

Ayon pa sa kilalang direktor, wish fulfilled ang pagdating ng marami niyang mga kaibigan to celebrate the occasion.

"Tonight, oo... Well, everybody was here—my actors from my past, recent, and upcoming films—they're all here!

"We're like one, big, happy family," wika rin ni Direk Dante.

"This is the most important thing sa akin. It's not only the end product, but it's about the film, the making of the film.

"It's really the relationship—the friends you come to know and maintain for so long," sabi pa niya.

"And my filmmaker-friends are here, always giving me support, so I'm very happy!"

MORE GUESTS. Namataan ng PEP sina Direk Peque Gallaga, CineManila Festival Director Tikoy Aguiluz, at ilang young indie filmmakers gaya nina Gino Santos, Khavyn dela Cruz, Sheron Dayoc, at debuting Cinemalaya Film Fest director Leo Abaya.

Naroon din ang documentarist na si Baby Ruth Villarama of the Cinemalaya gay documentary, Jazz In Love, and her film editor-husband, Chuck Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Dennis Trillo, Baron Geisler, Meryll Soriano, at Cherry Pie Picache, dumalo sa birthday party ni Brillante si Angel Aquino at kanyang manager na si Ricky Gallardo, na kasama rin ang bagong talent niyang si Sandino, who rendered some songs, backed by a live band.

Naroon din ang ilang indie film favorites, gaya nina Jay Gonzaga, Ma. Isabel Lopez, and daughter Mara Lopez na bida sa Cinemalaya 2013 New Breed entry na Debosyon at co-actor sa upcoming CineFilipino entry na Ang Kwento Ni Mabuti.

MISSING COCO MARTIN AND NORA AUNOR. Hindi naman nakarating sa party si Coco Martin na long-time friend ni Brillante Mendoza at naidirek niya sa kanyang internationally acclaimed indie films: Masahista (2005), Tirador (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009).

Ayon kay Larry Castillo, isa ring film producer at secretary ni Brillante, "Either pinaka-una or pinakahuling dumarating sa party, usually si Coco."

Later, when PEP confirmed kung dumating si Coco, Larry was non-committal.

Napag-alaman ng PEP na nasa taping si Coco para sa ABS-CBN top-rater na Juan Dela Cruz noong gabi ng party.

Hindi rin nakadalo ang Superstar Nora Aunor, na bida sa pelikula ni Brillante, Thy Womb (2012), dahil kasalukuyan itong nasa US para sa regular niyang pag-renew ng kanyang green card.

Hindi na rin inasahan ni Brillante na dumalo at mapuyat sa kanyang party sina Anita Linda at Rustica Carpio, ang dalawang veteran actresses na bida sa kanyang award-winning film, Lola (2009).

Hindi man nakumpleto ang mga artistang nakasama ni Direk Dante sa iba't ibang pelikulang ginawa niya, naroon naman ang mga staff at crew ng kanyang mga pelikula na siyang bumuo sa masayang picture-taking niya with his various teams.

Naroon din ang mga kabilang sa regular staff ni Dante—publicists Rene Durian and Catherine Coronel; secretary Larry Castillo; staff members Howard Yambao at Mark Griswold; production designers Harley Alcasid, Carlo Tabije, and Ben Padero, and music scorer Gian Gianan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan pa sa mga kaibigan ni Direk Dante na dumating: producer Raymond Lee; Cinema One Originals Festival Director Ronald Arguelles; Patrol ng Pilipino host-anchor Ryan Chua, TV Patrol senior reporter Mario Dumaual, at marami pang iba.

TORONTO FILMFEST AND MORE SCREENINGS. Binanggit din ni Direk Dante sa PEP na ang kanyang bagong pelikulang Sapi ay magkakaroon ng world premiere sa Toronto International Film Festival ngayong September 2013.

Ang pelikula, na kabilang sa horror-suspense genre, ay magku-compete din sa annual Zeitgeist International Filmfest sa Arizona ngayong October.

"Sa October 2, magku-commercial run ang film dito naman [sa Pilipinas]," kuwento ni Direk Brillante.

Masayang-masaya si Direk Brillante, na kamakailan ay nagawaran ng knighthood ng French Government, dahil patuloy pa ring nakakatanggap na international acclaim ang Nora Aunor-lead starrer niyang Thy Womb.

"Mamamayagpag pa siya until next year," pagmamalaki ng direktor.

"It's competing in Russia [this August]. Actually, I have... mga three Russian festivals pa, for Thy Womb.

"So, I'm going to Kazakhstan, Sacalin, Minch... and it's also going to Belarush, Tokyo, also in Vancouver and London.

"Madami pa, until the end of the year," wika ni Brillante Mendoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN