Rafael Rosell goes into juicing and indoor farming

IMAGE Noel Orsal


Though he calls himself a vegan now, Rafael Rosell still eats meat from time to time. “Kaya ko namang makisama, halimbawa, may pagkain sa show, may food tasting na niluluto sa show, wala namang problema… Tumitikim naman ako.”


Para kaming nag-attend ng seminar sa tamang pagkain nang makausap si Rafael Rosell sa taping ng Maghihintay Pa Rin noong July 31, sa isang hospital sa Antipolo City.

Hindi kasi naiwasang mapag-usapan ang diet ng aktor. Dati umano siyang “pescetarian,” pero ngayon, nag-shift siya sa pagiging “vegan.”

Pescetarian ang tawag sa taong puro gulay, isda, at seafood lamang ang kinakain, at vegan naman ang tawag sa taong sumusunod sa konsepto ng veganism o iyong hindi pagkain ng anumang food product na may sangkap mula sa buhay na hayop.

INDOOR FARMING. Kahit sa condominium nakatira si Rafael, nakapagtatanim daw siya ng halaman sa loob mismo ng unit niya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi may technology na ngayon na puwede kang magpatubo ng mga gulay at prutas sa loob ng bahay.

“Kinukuwestiyon ko rin yun kasi, sobrang sarap ng pakiramdam na gawin yun, bakit hindi tinuturo palagi sa eskuwelahan?”

Ang kanyang mga paboritong peppermint at romaine lettuce raw ang nakatanim sa kanyang indoor farm ngayon.

JUICING. Sa kanyang vegan diet, “puro mga prutas at gulay na hindi buhay” lamang ang kinakain ng aktor. Pinaghahalu-halo niya ang mga ito at ginagawang juice.

“Ang nakakatawa riyan, ang iniisip nila, ano, grapes lang, apples lang? Pero, kung titingnan nila ang Instagram ko, walang niluto roon. As in, raw lahat.

“Pinagsama-sama ko lang at binigyan ko ng natural sweetener, like coconut oil or honey, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nila nilalason ang pagkain natin,” saad pa niya.

DEALING WITH NON-VEGANS. Masaya raw si Rafael sa set ng teleseryeng Maghihintay Pa Rin. Noong araw ng interbyu, kasa-kasama niya ang mga co-stars niyang sina Bianca King, Diva Montelaba, at Dion Ignacio.

Tanong namin kay Rafael: Hindi ba niya nae-engganyo na mag-juicing na lang din ang mga co-stars niya?

Sabi naman niya, “Siyempre, kung ano pa rin ang gusto niyo sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre sa set, minsan, inaasar ako ng mga kaibigan ko, lalo na kung may mga pagkain.”

Kaya naman daw niyang makisama kahit pa iba ang diet niya.

“Kaya ko namang makisama, halimbawa, may pagkain sa show, may food tasting na niluluto sa show, wala namang problema.

“Hindi naman ako sobrang istrikto na mapupunta ako sa impiyerno kung titikman ko. Tumitikim naman ako.

“Kahit noong pescetarian ako, kapag may nakita akong karne na hindi ko pa natitikman, halimbawa, pumunta ka ng Amsterdam at kailangan mong tikman ang hotdog nila roon, siyempre hindi ko iiwasan yun. Kailangan kong matikman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN