COUPLE OF THE WEEK: Jericho Rosales and Kim Jones headed for the altar in 2014

IMAGE Jocelyn Dimaculangan


"I am so blessed to have him as the person who’s gonna be with me the whole way,” says Kim Jones about her fiancé Jericho Rosales.


Tinupad ng magkasintahang Jericho Rosales at Kim Jones ang pangako nila sa The Buzz noong isang Linggo, Agosto 4, ang araw na nag-propose si Jericho ng kasal kay Kim sa Sunday service ng New Life Church.

Sa isang taped interview, ikinuwento ng newly engaged couple ang love story nila sa host na si Boy Abunda.

THEIR FIRST DATE. Si Kim ay isang Filipino-British na ipinanganak sa United Kingdom at lumaki sa Australia.

Noong 2010, nahikayat siya ng kanyang kapatid na isang modelo na subukan din ang modeling sa bansa.

Mula noon ay napasok si Kim sa pagmomodelo sa mga fashion shows, print ads, at commercials. Sumabak din siya sa pagho-host ng corporate events at lifestyle shows.

Noong 2011 unang nakilala ni Kim si Jericho sa isang dinner.

“Set-up yun. Sina Denise Go [makeup artist at misis ni Dominic Ochoa], sabi ko, ‘I don’t wanna date anymore.’

“Sabi nila, ‘Sige na, sige na.’ And then, they showed me a picture. Sabi ko, ‘Sige na nga,’” natawang kuwento ni Jericho.

“I didn’t get his jokes, at first,” wika ni Kim tungkol sa mga “Pinoy jokes” ni Echo.

“I didn’t understand and he didn’t understand me because my accent is so thick,” dagdag pa niya.

Dapat daw ay manonood sila ng sine pero hindi natuloy, sa halip ay lumabas na lang daw sila, na sa tingin ni Jericho ay mas naging pabor pa.

Kuwento ng aktor, “Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya, sabi ko, mas maganda pa siya sa personal, tapos ang ganda ng mata.”

Naging awkward ang date nilang iyon, ayon kay Jericho.

“That was awkward. Pareho kaming awkward. Sabi ko, ‘Bakit nandito ka sa car ko?’ Nagkagulatan kami.

“Then, immediately, I told her, ‘Don’t worry, I won’t kiss you.’ I said, ‘I’m a nice guy. I won’t attack you. I won’t take advantage of you. Just sit there.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umabot pa raw ng dalawang buwan bago nasundan ang kanilang first date. Tumatanggi raw si Kim sa mga imbitasyon ni Jericho na lumabas silang muli.

Pero kalaunan, ito na raw ang kusang tumawag kay Jericho para magkita sila.

THE FIRST “I LOVE YOU.” “We went to the beach. We watched the best full moon ever and we kept watching it for five hours,” sabi ni Jericho.

Hindi nila alam na may eclipse pala noong gabing iyon, kaya hindi na nila namalayang inabot na pala sila ng 5:00 AM sa pag-uusap.

Sabi pa ni Echo, “We won’t forget the gasoline station, that we talked about so many things.”

Tinanong ni Boy si Kim kung noong pagbiyahe nila ni Jericho pabalik ng Maynila ay naramdaman na niyang mapupunta sa ibang level ang paglabas nilang yun.

“Yeah, actually, kasi he taught me how to surf on that trip and that’s what started… I don’t know, to have dreamy eyes for him.

“Kasi, he would push me..., to stand up, how to pop up, and then we went for a swim after.”

Walong buwan daw silang nagligawan.

Kailan naman ang unang, “I Love You?”

“Basta naalaala ko iyon, 1:11 AM,” wika ni Jericho.

“I remembered getting so frustrated and nilapitan niya ko. She asked me, ‘What’s wrong with you?’ And I’m getting mad at her.

“And then she said, ‘Why are you getting mad at me?’ I said, ‘I love you,’ and then she said—”

“I didn’t say anything!” natatawang dugtong ni Kim.

Umabot pa raw ng isang linggo bago sinuklian ni Kim ng "I love you" si Jericho.

Marami raw nagbago mula nang maging sila.

“Parang ibang tao ‘ko. Parang ibang tao siya noong nagsisimula kami. It was fun,” sabi ni Jericho.

Pinag-usapan din ba nila ang mga “past” nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, a lot,” saad naman ni Kim.

“He was very sensitive to how I felt when we we’re talking about it. He [goes] out of his way to make me feel comfortable and to make sure that everything was on the table.”

THE PROPOSAL. Noong Agosto 4 nga ay nag-propose na nang pormal si Jericho kay Kim.

Kailan naisip ni Jericho na handa na siyang mag-propose kay Kim?

“Maybe, four months ago. That’s when I thought about the proposal. Sabi ko, ‘I need to buy the ring.’

“Iyong mga previous trip ko sa US, noong sa Palm Springs, naghahanap na ko ng singsing noon.”

Nagulat si Kim at halatang na-touch sa narinig. Sabi niya, “Really? Oh…”

Dugtong pa ni Jericho, “Even yung sa Korea yata, basta, sa US, sa Italy. Basta, basta iyon ang journey ko. And then, few months ago, I started praying about it. Sabi ko, ‘Lord, ready na ko. When do I propose?’

“Kasi, tinanong ko sa birthday ko, sabi ko, ‘What do I want for my birthday?’ And, the first thing that came to mind was, I want a wife.

“Then, for her birthday, sabi ko naman, ‘Babes, what do you want for your birthday?’ ‘It’s okay Baby, nothing. I just want you.’

“August 4, I’m going to propose to her. Ito pa iyong sobrang messed talaga ko. Hindi pa ko nakakapagpaalam sa nanay. And then, the night before her birthday, nag-sneaky-sneaky ako. Ini-Skype ko ang mommy niya.

“Nagpaalam ako. Medyo freaky nang konti kasi, hindi ko siya nakikita sa video. Ako lang ang nakikita sa Skype, so hindi ko alam ang reaksiyon niya.

“But she was happy and her words were, ‘You have my blessing.’ So, she said, okay na, tuloy na.

“Natanong ko na siya the night before na, ‘Babes, what time do you want to go to church?’ ‘O, sige, let’s go 10:00 A.M.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On the way to church, muntik kaming ma-late. Umabot kami 12:00 noon. Matatapos ang church service 12:30.

“So, I saw my friend, I grabbed my friend. I said, ‘You have to help me. Sabi niya, ‘Why?’

“‘I need to propose today.’ We went to the front and they texted me, we’re working on it. After five minutes, they texted me again, ‘I’m sorry, Bro, we can’t because it’s a Sunday service.’

“Then, five minutes after, nag-text na. He said, ‘They agreed. The Pastor will call you.’ Answered prayer na iyon para sa akin. It was meant to be. Doon ko naramdaman yung kaba.”

Ipinakita sa interbyu ang video clip ng proposal ni Jericho kay Kim.

Ano nga ba ang naging pakiramdam ni Kim na lahat halos ng tao ay sa kanya nakatingin?

“I was really crying. It’s like, ‘I’ll go there? I don’t know.’

“I know there’s a ring here or something, and then he came down. And then, yeah, of course, it’s a ‘Yes.’”

BEACH WEDDING. Pinaghahandaan na nga nina Jericho at Kim ang kanilang kasal.

“May meeting kami. Formal meeting about it. Naka-schedule kami,” wika ng aktor.

Sa buhay nila ngayon, ano na ang pinag-uusapan nila? Napag-uusapan na ba nila ang pagkakaroon ng mga anak?

“For me, I’m trying my best to stay fit because I told her, when I’m 50, I’ll stay fit for her and our future kids.

“Wala pa kaming pinag-uusapan na magkaka-anak na kami or something. We want to enjoy each other’s company.

“Siguro, mga two, three years… right, Babes?”

Wala pang eksaktong date, pero sa isang taon na raw magaganap ang kasal ng dalawa at gusto nila ng beach wedding.

Sa tagal na rin niya sa industriya, hindi na naging kaila sa publiko ang pinagdaanan ng buhay pag-ibig ni Jericho

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang gusto niyang sabihin tungkol sa sarili niya, sa relasyon nila ni Kim, at sa napipinto nilang kasal?

“Nangarap ako dati. Sabi ko, ‘Kailan ba ko pakakasal?’ Una 25,29, 33.

“I just wanna say, I just wanna tap my, ano [shoulder], and thank God na, you know, desidido ako to have this kind of life, to share my life with someone.

“I want to remind myself, ‘Hey, you’re pretty blessed.’ Lahat ng tao, sinusuportahan kami. Kahit hindi namin kilala, binabati kami, masaya para sa aming dalawa.

“I wanna remind myself that great things are ahead. Nakaka-nerbiyos nang konti because I wanna make Kim happy, di ba? I want her to be secure. I want her to feel I’m faithful and my mission in life is to make her happy.”

Sabi naman ni Kim, “This whole thing, this relationship is, for me, perfect. You know, God wants the best for you and with patience, with prayer, He’ll bless you beyond your wildest thinking.

“Just remember this moment, how blessed I am, we are. I am so blessed to have him as the person who’s gonna be with me the whole way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN