Apl.de.Ap loves to cook Pinoy dishes for fellow Black Eyed Peas members

IMAGE Noel Orsal

Apl.de.Ap on cooking Pinoy dishes: “When we were recording the Monkey Business for Black Eyed Peas, we just live in one house. So I would cook everyday. I would cook chicken adobo, bistek, and sinigang.”


Ang multiple Grammy award winner na si Apl.de.Ap (Allan Pineda) ay kilala sa pagiging proudly Pinoy.

Hindi lang dahil sa pag-promote nito ng pagiging makabayan sa mga pinasikat nitong kanta tulad ng “The Apl Song”, “Bebot” at “Mama Filipina.”

Bukod sa talento sa pagkanta, mahilig din si Apl.de.Ap na magluto. Madalas ay lutong Pinoy ang nakasanayan niyang ihain sa fellow Black Eyed Peas members na sina Fergie, Will.I.Am, at Taboo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Apl.de.Ap kamakailan, naikuwento nito na madalas siyang nagluluto para sa kanila noong nakatira sila sa iisang bahay.

“When we were recording the Monkey Business for Black Eyed Peas, we just live in one house. So I would cook every day. I would cook chiken adobo, bistek, and sinigang,” pagbalik-tanaw niya.

Kahit foreigners ang kanyang mga kagrupo, aniya, hindi naman sila maselan sa pagkain. At palagi raw patok ang mga inahahain niyang mga putahe.

Natutuwang saad ng sikat na international rapper, “Yeah, they actually love it! The moment I started cooking, Fergie wakes up and she’d ask me, ‘What is that smell? That smells so good.’ I was like, ‘Yeah, that’s fish sauce.’ And she said, ‘Wow. I didn’t know I like fish sauce.’”

“Will’s favorite that I cook is chicken adobo. Taboo's is sinigang. Fergie likes bistek Tagalog.”

HEALTHY LIFESTYLE. Ngayong nandito sa Pilipinas si Apl.de.Ap, siguradong siya naman ang madalas paglutuan ng inang idol niya sa pagluluto.

Tulad na lang halimbawa noong dalhin ni Apl ang members ng Team Apl sa kanyang bayan sa Pampanga, bilang parte ng isa sa mga nakaraang episodes ng Kapamilya singing reality show, The Voice of the Philippines.

Mismong ina ni Apl ang naghanda ng welcome lunch para sa mga ito. Sa sobrang sarap ay gusto pa nilang mag-uwi ng ulam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Apl, mas naging conscious siya sa kanyang pagkain mula noong sumali siya sa Ironman Triathlon Competition sa Cebu ilang linggo na ang nakakaraan.

May specific diet ba siya?

“I eat a lot of protein. I still eat rice. But I just wanna have a taste,” natatawang tukoy ni Apl sa kanyang cheat days.

“If I’m eating sinigang, I just put laing a little bit in there. So I don’t feel less bad, I put more vegetables. I have my days out of the week where I’ll eat a lot of rice. Throughout the whole week, I try to eat less and work out more.”

Kuwento pa ni Apl, isang buwan daw niyang pinaghandaan ang relay competition kung saan nakasama niya ang Baker CEO na si Jaime Santos at high school student na si Ralph Angeles, isa sa 600 na estudyanteng makikinabang sa ipapatayong public school building ng foundation ni Apl sa Zamboanga.

“I trained seriously for a month before the triathlon competition. But in my daily regimen, I ride my bike anyway, about six to seven miles a day and I turn it into running.”

Sa katunayan ay pampagising niya raw sa umaga ang physical workout at pagkatapos ay mas ganado siyang trabaho.

“I always start my day with some activity or exercise. That's what gives me my energy

“So when I wanted to join the Ironman it wasn’t too hard. I was already kinda conditioned,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN