Melai Cantiveros and Jason Francisco: How their breakup kept them together

IMAGE Noel Orsal


Jason Francisco and Melai Cantiveros at the Star Magic Ball in 2011, a year before they broke up. Jason admitted that after Melai broke up with him in 2012, he didn’t beg her to stay because he wanted to see her career take off even further. But later he found that he could not be without Melai, and that Melai only wanted him to show her just how much he loved her.


Noong 2009, nagsimulang makilala at mahalin ng publiko ang tambalang Melason nina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa loob ng "Bahay ni Kuya" sa programang Pinoy Big Brother.

Naging isa sa hottest loveteams ng ABS-CBN sina Melai at Jason, at nauwi rin sa totoohanan ang kanilang relasyon.

Pero noong 2012, nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay muna, at ito naman ay ikinalungkot ng marami nilang tagahanga.

Ikinuwento nina Jason at Melai sa The Buzz noong Linggo, September 8, kung bakit nga ba sila nag-break noon.

Ayon kay Melai, “Ako talaga ang pumunta sa bahay nila. Kasi, sobra akong nasaktan.

“Parang two weeks kaming hindi nag-usap, tapos hindi pa rin siya nakikipag-usap.

“So, ako yung, ‘Hiwalay na tayo, ayaw ko talaga sa ‘yo.’

“Tapos, siya naman, ayaw rin pala niyang makipaghiwalay sa akin, pero parang na-trigger pala siya sa akin dahil sa bibig ko.”

“Parang naririndi na ko," paliwanag ni Jason.

"‘O, sige, stop na kung stop. Kung magkakatagpo ulit tayo, magkakatagpo.’”

Dagdag ni Melai, nang nasa pintuan na raw siya ng bahay ni Jason ay tinitingnan pa raw niya kung hahabulin siya nito, pero hindi raw kumibo ang kasintahan.

Ayon naman kay Jason, “Sobrang sakit no’n!”

“Mas sobrang sakit kaya sa akin,” kontra naman ni Melai.

Pero ayon kay Jason, “Alam niyo, ako kasi, never akong naging selfish.

“Siya ang inisip ko. Maganda ang career niya.”

Wika ni Jason kay Melai sa interbyu, “Parang palagi tayong magkasama. Tapos, iniisip ko, siguro ikaw na lang mag-isa.

“Di ba, sinabi ko nga, magso-showbiz ako, kung kasama ka?

“From the start ‘yan. Ikaw lang palagi ang kasama ko, walang iba, di ba, sa Banana Split.

“Inisip ko rin, ikaw na lang palagi host. Ako, dumadaan-daan na lang. Kasama ko na lang palagi si Ryan Bang. Parang nawala na yung Melason.

“Inisip ko, 'Ito na yung time, ile-let go na kami.' Inisip ko na ayokong makasagabal sa ‘yo, ayokong maging selfish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ididikit ko sa ‘yo ang sarili ko, maapektuhan ka. Nagiging emosyunal ka. Kasi, nag-aaway tayo sa relationship natin. So, magle-let go ako.”

Pagpapatuloy ni Jason sa kuwento niya sa host na si Boy Abunda, “Minsan, naririnig ko, parang hindi siya gusto [para sa akin], hindi ako gusto [para sa kanya]. Naririnig ko yun, e.

"Siya naman, 'May narinig ako sa ganyan-ganyan,' away.”

Kuwento rin ni Melai, “At saka, nang mag-break kami, Tito Boy, sobra siyang nasaktan noong bumili siya ng tinapay...”

Si Jason ang nagdugtong na, “Parang ako, naiinis lang ako, na, ‘Ano ang nagustuhan mo ro’n?’

“Parang, bakit kailangan pang mag-judge? Puwede namang sa sarili mo na lang.

“Kaya ako, naiisip ko na napapalapit ako sa away. Parang, napakasakit naman na isipin na gayon... E, paano naman ang taong minamahal mo, tapos sasabihin lang ng iba na gano'n?”

Dagdag pa ni Melai, “Ang hirap talaga, Tito Boy. Kahit saan ako pumunta, ‘Nasaan si Jason?’ Kahit break na kami.

“Kaya palagi kong sinasabi, 'Break na kami.' Kaya parang ang sarap magsulat ng placard noon na ‘Break na kami.’

“Kasi, one year kami na nag-break.”

OTHER SUITORS. Sa loob ng isang taong magkahiwalay ang dalawa, wala raw ibang niligawan si Jason.

Pero si Melai, marami raw ang nanligaw.

Isa na nga rito ang napabalitang Australian guy.

“Marami! Kaya naiinis na ko,” pag-amin ni Jason tungkol sa naramdaman niya noong mabalita na may nanliligaw kay Melai.

“Sabi ko, 'Unfair naman ang babaeng ‘to! Iniwanan ko lang nang saglit...'

"Kung alam niya lang sa sarili ko na sobrang totoo [ang sakit]. Pero, kumbaga, nadi-discourage na ako.”

Gaano kahirap ang tiniis ni Jason na isang taon silang nag-break?

“Ay, napakahirap! Napakahirap maging totoo sa sarili.

“Hindi nga ako ganun [seloso] pagdating sa ganyan. Kaya kailangan ko na lang… iwanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nangyayari naman, kapag iniiwan ko, ito naman, akala mo naman kung sinong talagang ano,” wika niya tungkol sa pag-entertain umano ni Melai ng mga manliligaw.

Nilinaw naman ng komedyana na sinadya niyang malaman ni Jason na may mga nanliligaw sa kanya.

Nalaman din daw ni Melai na nagri-research talaga si Jason.

“Nang malaman ko, Tito Boy, ‘Ha! Ha! Ha! Ako ang nagwagi!’

"Pero kapag kaharap ko siya, 'Wala akong pakialam diyan!'

“Suyo naman siya nang suyo, pero sabi ko, ‘Paghirapan mo.’”

Sabi naman ni Jason, “Kaya ako naiinis sa kanya. Yun ako, nanunuyo sa kanya, pero meron pala siyang ibang kinikitang nanunuyo.”

Muli namang hinarap ni Jason si Melai, “Kaya sabi ko sa ‘yo, ‘Alam mo, sobrang unfair ka. Sa tagal ng pinagsamahan natin, sana sinabi mo na may iba ka palang kinikita.’”

Natatawang sabi naman ni Melai, “Sabi ko sa kanya, ‘Makipag-kumpetensiya ka. Kung gusto mo lang naman.’”

“I LOVE YOU,” “THANK YOU.” Kuwento pa rin ni Jason, noong nasa Panagbenga Festival sila sa Baguio City, at kasama pa nila si Robin Padilla, may kasama si Melai na matangkad na lalaki.

Noong panahon na iyon ay break pa sila at diumano ay tinext daw ni Melai ang lalaking matangkad para makita ni Jason na magkasama sila.

Ngayon, paano sila nagkabalikang muli?

“Sinagot ko siya ulit. Nakikipag-date rin siya sa kuya ko,” sagot ni Melai kay Boy Abunda.

Mas naging expressive na ba si Jason ngayon?

“Dati kasi, nag-a-'I love you' ako sa kanya, sasabihin niya, ‘Thank you.’”

Depensa naman ni Jason, “Hindi ba puwedeng minsan, thank you ang sasabihin mo kasi minahal mo ko?

“Ang ibig sabihin pala, kapag sinabing 'I love you', ang kasunod pala niyan, 'I love you, too.'

“Sino may sabi niyan? Hindi ‘yan magkadikit sa diksyunaryo.

“Ang sinabi niyang 'I love you', yung gusto niyang sabihin. Minsan, sinabihan niya ko ng 'I love you', kasi, feel na feel niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong time na yun, parang hindi ko masyadong feel. Gusto kong sabihin, 'thank you.'”

Sa ngayon, naghahanda sina Melai at Jason para sa kanilang kasal at sa pagdating ng kanilang baby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN