NEWBIE: Former figure skater Ash Nordstrom plays mean girl in Dormitoryo

IMAGE Noel Orsal


Tunay na figure skater si Ash Nordstrom kaya gusto niyang magkaroon ng role na may kinalaman sa kanyang sport. Sabi niya, “Figure skater po ako, nagku-compete po ako sa ibang bansa before. E, nag-stop na po ako at nag-concentrate na ako sa showbiz.”


Hindi kaiba si Ashleigh “Ash” Nordstrom na nangangarap umangat sa kasalukuyan niyang status sa showbiz.

Like any normal teener, masayang kausap at puno ng enthusiasm ang showbiz newcomer si Ash na cast ngayon sa Dormitoryo ng GMA-7.

Napatunayan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa press launch ng bagong weekly series ng Kapuso network na Dormitoryo.

Tanong agad sa kanya: Bakit kakaiba ang tunog ng kanyang pangalan?

“I’m half-German,” unang pagbabahagi ni Ash tungkol sa kanyang identity.

“Ang mom ko po is German-Filipino, my dad is Spanish-Chinese.

“Actually, ang last name ko po talaga is Samson. Pero I use Nordstrom, yung sa mom ko.”



SHOWBIZ EXPOSURE. Nagkaroon ng participation si Ash sa Sineng Pambansa indie film entry na Bamboo Flowers ni director Maryo J. de los Reyes, bilang kaibigan ni Ruru Madrid.

Sa poster at credits ng pelikula ay Ashleigh Strom ang ginamit bilang pagpapakilala sa bagong aktres.

Prior to Dormitoryo, Ash was given a minor role in the mid-morning series, Cielo de Angelina (2012), which was a vehicle for the loveteam of Bea Binene and Jake Vargas.

Next, Ash was cast as Rafael Rossel’s younger sister in Maghihintay Pa Rin, na malapit nang magtapos ang airing.

Ilang taon na ba si Ash?

Natawang sagot ni Ash, “Ibinuking na po ako kanina, fourteen lang po ako.”

“Opo, I’m only fourteen, ginawa akong 18 [years old sa story],” pag-amin niya.

Si Ash ay mayroong major support role sa bagong afternoon suspense-drama series ng GMA-7 na magbubukas sa September 22.

Si Jun Lana ang direktor ng bagong mid-afternoon soap ng GMA-7.

“I’m so excited, kasi [as 18-year-old character], mas mapu-portray ko yung pagiging mature ng role,” aniya.



MEAN GIRL. Nagkuwento pa si Ash tungkol sa ginagampanang papel sa Dormitoryo.

Ako si Rose Angeles, isa sa mga mean girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Best friend ko po dito si Joyce Ching. Bale tatlong mean girls kami, the other one is Annicka Dolonius.

“Isa po ako sa mang-aapi kay Hazel [Lauren Young’s character],” banggit pa niya.

Ang isa pang may major role sa serye ay si Wyn Marquez, bilang Maika Benitez na dormer sa Holy Spirit Manor.

Ang mga character nila ay bilang estudyante ng Branwood College.

“Lahat kami may secrets, lahat kami, suspects,” kuwento ni Ash.

Mayroon bang ka-loveteam dito si Ash?

“Wala po,” sagot ni Ash.



CRUSHES. Wala pa mang ka-loveteam, Ash doesn’t deny she finds young teenage boys attractive and nice to communicate with.

Bunyag niya, “A, since bago pa lang po ako, siguro ang masasabi kong pinaka-close kong lalaki si Renz Valerio.”

Si Renz ay isa ring teenager na mainstay ng Mga Basang Sisiw ng GMA-7.

Pahabol niya, “Pero hindi ko naman sinasabi na crush ko siya.

“Well, sobrang tina-trust ko siya, very loyal siya sa akin.

“Nanonood po ako ng Basang Sisiw kasi after noon, Maghihintay Pa Rin.

Paano sila naging malapit sa isa’t isa ni Renz?

“Nakasama ko sa workshop si Renz, even si Ruru [Madrid], nakasama ko.

“Close din po ako kay Ruru, kasi ilang beses ko na po siya nakatrabaho.”

Hindi ba siya nagka-crush kay Ruru?

“Well, masasabi kong guwapo si Ruru, pero friends lang kami,” nakangiting sambit ni Ash.

“Mas close kami ni Renz, lagi kaming nagbibiruan, nagte-text.

“Ang cute niya, ang bait-bait pa... sobra!

“Oo, okey siya, nagte-text po kami.

“Nag-congratulate pa nga siya sa akin, sa [pagkaka-cast sa] Dormitoryo, ganyan.”


FIGURE SKATER. Ash also shared with PEP her present dream kaugnay ang kanyang pagiging artista.

Aniya, “Well, siyempre, gusto kong maging successful.

“Siguro, next year, gusto ko po talaga magkaroon ako ng leading role... about figure skating.”

“Figure skater po ako,” pagsisiswalat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagku-compete po ako sa ibang bansa, before. E, nag-stop na po ako at nag-concentrate na ako sa showbiz.

“I started skating when I was four years old, pambata, tapos nagku-compete na po ako noon.

“Hindi ko lang masabi kung ilang taon na.

“Kasi madami na—sa Thailand, Malaysia, Japan.

“Noong nag-compete po ako sa Malaysia, nakapag-uwi po ako ng eight gold medals.”

Then she was part of the Philippine Team sa figure ice skating.

“Yes, ice skating, yun po talaga ang ginagawa ko,” aniya pa.

Since last year, though, Ash has stopped from joining skating competitions.

“Una muna, nag-focus ako sa modelling.

“Actually, doon po ako na-discover, sa Philippine Fashion Week.

“Na-discover po ako ng one of the [PFW] executives.

“Tapos, nag-audition nga po ako sa [GMA] Artist Center, so binigyan na nila ako ng role sa Cielo de Angelina.

“So, ang dream ko po ngayon, magkaroon ng leading role, as figure skater,” hangad ni Ash.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN