Dingdong Dantes cited as one of the "World's Best Looking Men"

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes was cited by an international online travel magazine as the perfect example why Quezon City, a.k.a. the "City of the Stars," is home to some of the world's best looking men.


Nakuha ng Quezon City, Philippines ang ika-pitong puwesto sa talaan ng “Cities With The World’s Best Looking Men 2013 edition.”

Ito ay ayon sa isang artikulong inilathala ng online travel magazine na Traveler’s Digest sa kanilang website noong September 1.

Ayon sa description na isinulat ni Christina Wylie tungkol sa bayan, bagamat ang Quezon City ay malayo sa mga naggagandahang beaches— na isa sa maraming dahilan kung bakit sikat ang Pilipinas sa international tourists— ito ay nangingibabaw dahil sa palayaw nitong “City of the Stars.”

“It is the hometown of Dingdong Dantes and the hub for much of the Philippines’ entertainment industry, which gives credence to its nickname ‘City of the Stars,’” ayon kay Wylie.

Ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang itinuring ni Wylie na ehemplo ng isang “best looking man.”

“With weather this hot it should come as little surprise that the men of Philippines have some head-turning beach bodies to match.

“Their reputed romantic side and gloriously tanned skin doesn’t hurt either. Just check out much-loved Filipino actor Dingdong Dantes.”

Nangunguna sa listahan ang Havana, Cuba kung saan ang mga kalalakihan ay pawang mga “tall, dark, and handsome”; samantalang nasa ika-sampung pwesto naman ang Dublin, Ireland na siyang hometown ng Hollywood actor na si Colin Farrell.

Narito ang kabuuang listahan ng sampung bansang may pinaka-guwapong mga lalaki sa buong mundo:

10. Dublin, Ireland

9. Seoul, South Korea

8. Cannes, France

7. Quezon City, Philippines

6. Freetown, Sierra Leone

5. San Juan, Puerto Rico

4. Miami, United States

3. Istanbul, Turkey

2. Madrid, Spain

1. Havana, Cuba


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN