Mayton Eugenio, "anak ni Geleen Eugenio," wants to make a name for herself

IMAGE Noel Orsal


Although she doesn't mind the tag "anak ni Geleen Eugenio" as her claim to fame, Mayton Eugenio believes that becoming successful in showbiz still depends a lot “on how you present yourself.”


Tuluyan na ngang pumalaot sa mundo ng showbiz ang babaeng anak ng kilalang choreographer na si Geleen Eugenio.

Si Mayton Eugenio na ngayon ay isa sa cast ng bagong weekend series ng GMA Network, ang Dormitoryo.

Ang huling seryeng ginawa ni Mayton para sa Kapuso channel ay ang Magdalena (2012), pero ang Time of My Life (2011) ang naging daan sa kanyang acting career.

“Ito po yata, sa lahat ng shows na ginawa ko, that I’m very involved with.

"At saka, ito rin yung pinaka-kakaiba,” kuwento ni Mayton sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya sa press conference ng Dormitoryo noong September 11.

“Lahat naman yata kami sa show are teenagers. Lahat kami fans ng mga international series. So, we know the difference of good quality and bad quality thriller-suspense story.

“Alam namin kung ano ang corny, so sa set, nag-uusap kami kung papaano namin ito pagmumukhaing kakaiba.”

Gaganap si Mayton bilang Weng Dimagiba, ang roommate ni Hazel Mendoza na gagampanan ni Lauren Young.

“Ako ang magiging roommate niya doon sa dormitoryo. Ako ang may pinaka-alam sa mystery behind sa dorm.

“But the twist is, hindi… maglalaro yung character, kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

“So, siguro matagal-tagal pa nila maire-reveal yun.”

Kontrabida ba siya rito?

“I’m going to be a good friend of Lauren, but ako yung dating roommate ng namatay, si WynWyn Marquez.”

Gaganap si WynWyn sa programa bilang Maika Benitez.

Pagpapatuloy ni Mayton tungkol sa kanyang karakter, “Ano lang siya, parang happy-go-lucky na masaya, maarte, maporma, super fashionista. Walang kinakampihan, balimbing.

“Actually, noong first day of taping, medyo nangangapa ako.

“I want to be loud, funny, kasi kailangan ako ang pinaka-angat sa grupo—lahat sila seryoso!

“Yun nga lang, mahirap pala siyang isabay kapag horror. Kailangan pati yung mga gulat mo kakaiba.”

STUDIES. Bago mag-showbiz si Mayton, tatlong taon siyang nag-aral ng marketing management at dance lesson sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Noong bumista po kasi ako sa Philippines, it was my Mom’s birthday.

“Ginest lang nila ko sa Party Pilipinas. E, yung vacation ko noon, for one month.

“Yung isang guesting, nagtuloy-tuloy na. Ayoko nang umuwi.”

Hindi na siya bumalik ng Amerika para mag-aral?

“Bumalik pa rin, one year. Pero, yung one year na yun, yun na ang struggle.

“Naglalaban yung gusto niya, ng Mom ko. Gusto niya, magtapos ako. Naglalaban naman ang passion.

“Sabi ko, ‘Kailan ako magiging honest sa sarili ko at kailan ako [pipili] yung gusto kong gawin?’

“So, when I came back, pumayag siya, pero she wasn’t happy. Siyempre, bilang anak, ayaw mo naman ng ganun.

“Eventually, everything just went right. Slowly, but surely, and she was just… pinaka-supportive na people around me.”

Sa ngayon ay nag-aaral si Mayton ng culinary arts at party making dito sa Pilipinas, kasabay ng kanyang pagsu-showbiz.

Plano rin niyang ituloy ang pag-aaral ng marketing management sa De La Salle University dito sa bansa.

“Sa lahat po kasi ng school na pinag-aplayan ko, yung La Salle ang pinaka-flexible.

“Sabi ko po kasi, ‘I’m gonna be a working student. So, I think, I’ll gonna go with La Salle after this, kasi I’m gonna be a certified chef and I’m very excited,’” wika ni Mayton.

“Aside from acting and dancing, pagluluto talaga,” ang hilig niya.

SHOWBIZ CALLING. Bata pa lamang daw ay pangarap na ni Mayton na pasukin ang showbiz. Pero, parang “in denial” pa raw siya sa sarili niya.

“Oh my gosh, bata pa lang, pero hindi ako aminado sa sarili ko.

“Kapatid ko nasa industriya na, mom ko nasa industriya na. Sila yung dalawang parang pinaka-protective sa akin. Ayaw nila,” kuwento ni Mayton tungkol sa kuya niyang si Miggy Eugenio at inang si Geleen.

“Kahit naman yung kuya ko, ayaw nila. Yung pagsasayaw sa kanya, okay lang, passion lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung papipiliin sa kanya, noong una, ayaw nila. Pero ngayon, ngayon, my God, they are very proud. I know they are.

“Sabi ko nga, ‘I may not have everything I’ve always wanted, but you know, everything is balanced.’

“Importante sa akin yun, na nag-i-school ako at nagagawa ko ‘to… masaya!

“But if there would be more, that’s good, di ba? Pero ngayon, there’s nothing really more I can ask for.”

Tinanong namin si Mayton kung hangarin ba niya ang sumikat nang todo sa pag-aartista.

“Dreams!” Sabi niya.

“Lahat naman yata ng nagsu-showbiz, pangarap yun. Pero, siguro, parang iwas ano lang…

“’Di ba sabi nila, ‘Don’t expect too much.’ So ako, kung ano lang ang dumarating, sobrang ina-absorb ko lang.

“May mga tao namang nagsasabi na huwag kang makampante, so kailangan siguro balance lang.”

SHADOW OF HER MOM. Sanay na raw si Mayton na matawag na, “Anak ni Geleen Eugenio.”

Alam din daw niya na may mga nag-iisip na kaya lang siya madaling nakapasok sa showbiz at nabibigyan ng break ay dahil nga sa showbiz connection ng nanay niya.

Nakangiting sabi nito, “Well, totoo naman siguro. I don’t think na may masama nga roon. Anak nga ako at naging madali, kasi, I hear…alam ko naman ang pinagdaanan.

“Ang importante naman riyan, alam ko ang pinagdadaanan ng mga gustong mag-artista. I know how hard it is, so okay lang, I mean, sige, walang masama.

“Kapag may magtatanong, ‘Yes, a part of [my entry to showbiz is] because of her, because of her name.’

“But you know, yung mga taong nandiyan pa rin, yung mga fans na kahit nawawalan ka ng soap for two months, hindi ka iniiwan… Naniniwala pa rin ako it’s still on how you present yourself.”

SHOWBIZ IDOLS. Aminado naman si Mayton na wala siyang masyadong napapanood na local shows, pero may mga ilang Pinoy celebrities raw siyang hinahangaan talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na nga rito ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ayon kay Mayton, “Of course, si Ate Marian Rivera, who’s undoubtedly beautiful.

“Siya talaga yung kapag nakita mo, ‘Wow! Ang ganda niya talaga.’

“Siya talaga yung nakaka-starstruck.

“And, there’s also Anne Curtis.

“Pero ako kasi, mahilig talaga akong manood ng mga TV series sa States. Gusto ko kasi yung mas flexible.

“Pero, when it comes to beauty, it’s really Marian and Anne.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN