Pahinga muna sa taping at ibang showbiz commitments ang mga Kapamilya stars para sa 4th Annual Star Magic Games. Matagumpay na dinaos nitong Linggo, September 29, ang Star Magic Games 2013 sa Lourdes School fo Mandaluyong.
Alas siyete ng umaga nang magsidating ang mga Star Magic talents ng ABS-CBN sa Lourdes School. Hindi alintana ng mga Kapamilya stars ang maagang pagtitipon para makabonding ang mga co-talents nila.
Sina Piolo Pascual, Robi Domingo, at Alex Gonzaga ang nag-host ng opening ceremonies. Ayon kay Robi, ito ang unang beses na mapapanood nang live ang Star Magic Games: “First time daw na ie-ere ang Star Magic Games live na live sa Jeepney TV.”
Nagsimula ang programa sa opening prayer na pinangunahan ni Joseph Marco. Ang X Factor grand winner na si KZ Tandingan naman ang kumanta ng Pambansang Awit.
Punung-puno ng energy si John Lloyd Cruz, na nagbigay ng opening remarks para sa sportsfest ngayon taon.
Ani John Lloyd, “We always anticipate the games every year because it is one of those days where all the stars—all the bright and shining stars in the Philippines—gather in one roof celebrating camaraderie, sportsmanship, and later on, bitterness.
“Maging magic tayo sa buhay ng bawat Kapamilya. So, kids and kids at heart, you enjoy this day. It’s okay to have fun but it’s better to win.”
BASKETBALL GAMES. Ang Blue team ay pinangunahan ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin star na si Gerald Anderson. Kalaban nila ang Green team ni Xian Lim.
Kabilang sa Blue team sina Rayver Cruz, Enrique Gil, Joem Bascon, Joseph Marco, JC De Vera, Skye Yang, Alec Robes, Fredy Payawan, at Franco Daza.
Sa Green team naman napabilang sina Miko Raval, Young JV, Jason Abalos, Jose Sarasola, Ejay Falcon, Garard Acao, Matt Evans, Nyoy Volante, at Angelo Patrimonio.
Namataan sa sportsfest ang Ina Kapatid Anak star na si Maja Salvador, na todo ang suporta sa boyfriend na si Gerald Anderson.
Ang co-star niyang si Kim Chiu ay paminsan-minsan tumatanaw sa paglalaro ng rumored boyfriend na si Xian Lim. May badminton game kasi si Kim na kasabay ng basketball match.
Naging mahigpit ang laban ng dalawang grupo ngunit Green team ang siyang itinanghal bilang champion sa pagkakataon ito. Tinalo ng team ni Xian ang grupo nina Gerald sa score na 86 – 82.
Matapos ang laban, kinilalang Most Valuable Player (MVP) si Young JV ng Green team, habang Most Improved Player naman si Miko Raval ng Green team din.
Nagpakitang gilas din sa basketball ang ilang Star Magic talents sa Junior Division. Pinangunahan ni Daniel Padilla ang Black team habang si Sam Concepcion naman ang namuno sa Red team.
Kasama ni Daniel sa Black team sina Arron Villaflor, Robi Domingo, Marco Gumabao, Jon Lucas, Patrick Sugui, Nash Aguas, Eslove Briones, Jeric Dizon, Igiboy Flores, at Kobi Vidanes.
Kabilang naman sa Red team sina Khalil Ramos, Joe Vargas, Julian Estrada, Diego Loyzaga, CJ Navato, Yves Flores, Jerome Ponce, at Jairus Aquino.
Tinalo ng Black team ang Red team sa score na 71 – 56. Isa si Daniel sa napansin ang galing sa basketball dahil tatlong sunud-sunod na 3-point shots ang naipasok niya. Kaya naman, siya ang nakapag-uwi ng MVP title. Habang si Marco Gumabao naman ang nakakuha ng Rookie of the Year Award.
VOLLEYBALL. Naging mainit din ang labanan ng bawat grupo sa volleyball. Itinanghal na kampeon ang Red team kung saan kabilang sina Kim Chiu, Dionne Mansanto, at Shey Bustamante.
Sinundan naman sila ng Green team nina Erin Ocampo, Janella Salvador, at Gemmae Custodio.
Matapos ang laban, tinanghal na “Mythical Six” sina Jed Montero, Julia Barretto, Beauty Gonzales, Tracy Manlangit, Darriel dela Cruz, at Aldwin Tan.
Samantala, may ilang Star Magic talents ang absent sa sportsfest. Hindi nakapunta sina Jake Cuenca, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Kristine Hermosa, Enchong Dee, Kristine Hermosa, Julia Montes, at Andi Eigenmann.
Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa Star Magic Games 2013:
SPECIAL AWARDS:
Early Bird Winners: Liza Soberano and Philip Nolasco
Most Games Joined: Kim Chiu
Sportsmanship Award: Sam Concepcion
Silka Award (Maintain Poise and Beauty): Erich Gonzales and Wendy Tabusalla
Smart Kid Award: Zaijian Jaranilla
Smasher Award: Erich Gonzales
Spiker Award: Julia Barretto
MVP Award: Daniel Padilla
Most Radiant Athlete: Kathryn Bernardo
Most Stunning Athlete: Julia Barretto
BADMINTON
Overall Champion: Green
1st: Red
2nd: Black
3rd: Blue
Men’s Doubles: Neil Coleta and John “Sweet” Lapus (Green team)
Women’s Doubles: Kristel Moreno and Erich Gonzales (Black team)
Mix Doubles: Neil Coleta and Angelica Panganiban (Green team)
FUN FAMES (TEENS)
DODGEBALL
Overall Champion: Black team
1st: Green team
2nd: Red team
3rd: Blue team
TUG OF WAR
Overall Champion: Black team
1st: Blue team
2nd: Red team
3rd: Green team
FUN GAMES (KIDS)
DODGEBALL
Overall Champion: Blue team
1st: Black team
2nd: Red team
3rd: Green team
TUG O' WAR
Overall Champion: Blue team
1st: Red team
2nd: Black team
3rd: Green team
PATINTERO
Overall Champion: Black team
1st: Blue team
2nd: Green team
3rd: Red team
VOLLEYBALL
Overall Champion: Red team
1st: Green team
2nd: Blue team
3rd: Black team
MVP: Kristel Moreno
Mythical Six: Jed Montero, Julia Barretto, Beauty Gonzales, Tracy Manlangit, Darriel dela Cruz, Aldwin Tan
BASKETBALL
SENIORS
Champion: Green team
1st: Blue team
MVP: Young JV
Most Improved Player: Miko Raval
JUNIORS
Champion: Black team
1st: Blue team
MVP: Daniel Padilla
Rookie of the Year: Marco Gumabao