How Eula Valdes achieves her "hot momma" figure

IMAGE Noel Orsal

Eula Valdes on why she doesn't want to get fat: "Ayokong tumaba dahil ayokong magkasakit.


Itinuturing ng marami si Eula Valdes bilang isang “hot momma.” Isang patunay nga nito ang ilang beses niyang pag-pose para sa cover ng ilang men's magazines.

Sa panayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres, inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol dito: “Wala! Pakialam ko,” sabay tawa ng aktres.

“Pero siyempre, hindi ko masabi kung masaya ako o hindi, basta tahimik lang ako. Kung iyon ang tingin nila sa akin, e, di salamat.

“Pero wala naman akong ginagawa para... alam mo yun? Hindi ako gumagawa ng effort para, ‘Ay, gusto ko pag ganito na ako, gusto ko hot momma ako!’

“Hindi, hindi ko iniisip yun.

"Ang iniisip ko... ang gusto ko yung health ko. Iyon ang importante sa akin, na ayokong tumaba dahil ayokong magkasakit.

“Siyempre, bakit ka ba tataba, e, di kung anu-ano ang kinakain mo, di ba?"

Mas naging mapili raw ngayon si Eula sa kanyang kinakain.

“Simula nang nag-forty na ako, kung anu-ano na... yung tumaas na yung uric acid ko, pero hindi naman ako mahilig sa maalat masyado.

“Pero marami na akong pagkain na iniiwasan kasi ayokong mag-gamot. Ayoko yung may maintenance ka kasi may mga side effects iyan.

“May maintenance ka, tapos iinom ka ng gamot para dun sa iniinom mo, di ba?”

Ang mga iniiwasan ni Eula na pagkain: “Lahat ng maalat, lahat ng mga paborito ko—mga seafood!

"Pero once in a blue moon, meron akong cheat day na bonggang-bongga.

“Lahat ng alimango, ganyan-ganyan, yan kinakain ko lahat yan.”

Di tulad ng iba na once a week o once a month, twice a year lang daw ang cheat day ni Eula.

“Kasi kung hindi ka pupunta sa lugar na iyon ang pagkain, hindi ka maghahanap.”

Umiiwas raw talaga si Eula na pumunta sa mga seafood restaurants, “kasi alam ko ang pakiramdam na kapag kumain ako ng ganyan, namamaga yung mga ganito [pisngi] ko na parang ang sisikip ng balat ko, tapos bilog na bilog yung mukha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya minsan, kunwari, hindi mo maiiwasan sa taping merong pagkain na, siyempre, iba yung nagluluto, di ba, [hindi mo alam] kung ano yung hinahalo. Kaya minsan nagbabaon ako ng pagkain sa set.”

Kasama si Eula sa cast ng GMA teleserye na Kahit Nasaan Ka Man, na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin.

Pagpapatuloy niya, “Pero pagka tinatamad or ano, minsan, hindi ka nakapaghanda dahil hindi mo alam kung may taping ka kinabukasan, konti lang kinakain ko.

“Tsaka mas ma-isda ako. Kung may isda, iyon lang yung kakainin ko. Magulay din ako, tsaka prutas.”

Ito nga marahil ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay napakaseksi pa rin ni Eula sa edad na 44 years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN