Eula Valdes's son tells her to "keep" boyfriend Rocky Salumbides

IMAGE Noel Orsal

What is the secret to Eula Valdes and Rocky Salumbides's steady relationship? “Hindi ko alam. Siguro swak lang. Siguro ako ang katapat niya, siya ang katapat ko.” Also, it helps that Rocky is in good terms with Eula's 18-year-old son Miguel.


Nabanggit ng aktres na si Eula Valdes, sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, na 18 years old na ngayon ang panganay niyang si Miguel, anak niya sa aktor na si Ronnie Quizon.

Dahil nga sa "hot momma" image in Eula, tinanong namin siya kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na may kaibigan o kaklase si Miguel na nagka-crush sa kanya.

“May kinuwento lang sa akin na, iyon lang, sa Facebook, yung ibang mga kaklase niya noong araw, nagko-comment lang sa mga litrato ko,” sabay-tawa ni Eula.

“At tsaka may isang beses, sabi ni Rocky sa akin, ‘Huwag ka ngang lumalabas ng naka-shorts, ha?’

“Sabi ko, ‘Aba, bakit ba, bahay ko ito!’

“Kasi minsan, merong isang kaklase si Miguel na nanonood yata ng TV, e, palabas-pasok ako sa kuwarto, ganyan.

“Parang sabi ni Rocky, ‘Lalaki ako kaya alam ko kung ano’ng iniisip niya,’” natatawang kuwento ni Eula tungkol sa karelasyon niyang si Rocky Salumbides.

Nakilala ang 33-year-old male model sa showbiz nang sumali ito noon sa Pinoy Big Brother Double Up.

ADMIRED BY YOUNG MEN. Flattering ba para Eula ang malaman na nagugustuhan siya ng mga lalaking kasing edad lang ng anak niya?

“Hindi. Naiinis ako kasi bahay ko yun, e.

“Hindi ko iniisip, e, parang, ‘Ano ba yan?’ Parang nanay na nila ako, e, di ba?

“Hindi ko kasi iniisip iyon kasi hindi iyon yung ano ko, e... Wala akong pakialam diyan.”

Si Miguel naman daw ay walang reaksyon o komento tungkol dito.

“Wala, kasi sanay siya sa akin ng ganun, e. Wala siyang ganun.

"Kapag kunwari nagbibihis lang ako, like nung premiere night ng Bingoleras, e, nagmamadali ako.

“Sabi ko, “Miguel okay lang ba itsura ko?’

“Nag-thumbs-up lang siya,” kuwento ni Eula.

Mas mahigpit nga raw sa kanya ang boyfriend niyang si Rocky.

“Oo, ‘no! Manong yun, ‘no. Lolo yun, sobra. Grabe, as in!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECRET TO STRONG RELATIONSHIP. Limang taon na ang relasyon nina Eula at Rocky. Ano ang kanilang sikreto?

“Hindi ko alam. Siguro swak lang. Siguro ako ang katapat niya, siya ang katapat ko,” at muling tumawa ang aktres.

Sino ang nag-a-adjust kanino?

“Depende, kasi may kanya-kanya kaming topak, e. Ibang klase yung topak niya, ibang klase rin ang topak ko.

“Kaya nga sabi ni Miguel, ‘Ma, for keeps na yan, ha?’

“Kasi minsan nag-away kami ni Rocky, hindi kami nagkikibuan talaga.

“Sabi ni Miguel, ‘Ma, may topak ka rin naman, e, may topak din siya; pasensiya na lang. At ano na yan, i-keep mo na yan.’

“Nagulat ako, kasi hindi naman ako nagtatanong sa kanya, e, kaya nung sinabi niya na i-keep na, natuwa ako. Kasi iyon yung confirmation na gusto niya.”

Magkasundung-magkasundo raw sina Miguel at si Rocky, ayon kay Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN