Alice Dixson points out how showbiz industry has changed since the '80s

Alice Dixson on her For Love Or Money co-star Ritz Azul: “I first worked with Ritz in Glamorosa, and doon pa lang I knew that she is a hard-working person. Tapos dito nga sa For Love Or Money, mas mature na siya and she’s a lot better now than that last time I worked with her."


Naging very honest si Alice Dixson na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay hindi siya magaling sa kanyang pinasok na trabaho.

Unang nakilala si Alice Dixson, o Jessie Alice Celones Dixson sa tunay na buhay, noong 1986, pagkatapos niyang manalo bilang Bb. Pilipinas-International.

Nasundan ang kanyang beauty queen fame ng isang hit TV commercial, ang ‘I Can Feel It’ TVC ng Palmolive Shampoo.

Doon na nga napasok ni Alice ang paggawa ng pelikula at agad siyang kinontrata ng Regal Films.

Kinuha rin siya ni Vic Sotto bilang leading lady niya sa kanyang sitcom na Okay Ka, Fairy Ko, na nagsimulang umere noon 1987.

Si Alice ang original na gumanap sa role na Faye Kabisote, na kalaunan ay ginampanan din ng Pinay supermodel na si Tweetie de Leon.

Unang naging pelikula ni Alica ang Bobo Cop (1988), kunsaan naging leading lady siya ni Joey Marquez.

Pagkatapos ng ilang pelikula, binigyan siya ng launching film noong 1990, ang Dyesebel.

RITZ AZUL. Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang pag-uumpisa sa showbiz, hindi maiwasang maikumpara ni Alice ang sarili kay Ritz Azul, ang kanyang co-star sa TV5 primetime series na For Love Or Money.

Sa tingin niya ay mas agresibo raw ang batang aktres, at mas marami nang nalalaman kumpara noong ka-edad niya ito noon.

Sabi ni Alice sa press launch ng For Love Or Money sa Mario’s Restaurant sa Quezon City, noong October 7, “I remember when I was 18, and just starting my life in showbiz, I was awful! I was a bad actress!” Natatawang bulalas niya.

“Marami akong hindi alam noon. Basta pinasok ko ang showbiz without knowing what to do and how to handle it.

“Luckily, I was able to work with very good directors na nagtiyaga sa akin, like Maryo J. Delos Reyes, Peque Gallage, Mel Chionglo, Joel Lamangan, and the late Ishmael Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I was able to survive showbiz, and if not for the struggles that I went through, siguro wala ako ngayon dito sa harapan ninyo.

“There were people who believed in what I do because they saw something special in me.

“Kahit na marami akong pintas na nakuha before, it didn’t bother me at all.

“I’m not the type who would quit that easy. I was determined to finish what I started.”

Nakikita nga ni Alice na sobrang seryoso si Ritz sa pag-aartista, kaya hanga siya kung paano magtrabaho ito.

“I first worked with Ritz in Glamorosa, and doon pa lang I knew that she is a hard-working person.

“Tapos dito nga sa For Love Or Money, mas mature na siya and she’s a lot better now than that last time I worked with her.

“Nakakatuwa because noong kaedad ko siya, I wasn’t that serious talaga.

“Kung ano na lang ang sabihin sa akin na gawin ko, susunod lang ako.

“Kumbaga, I was just coasting along—as long as I have work that time, wala lang maririnig na reklamo sa akin.

“Ngayon kasi, iba na. If you can’t deliver, madali kang palitan ng iba.

“Kaya naman sobrang sipag ng mga artista ngayon.”

Malaki na raw ang pagkakaiba sa pag-alaga sa mga artista ngayon kumpara noong panahon ni Alice, noong ‘80s at ‘90s.

“Ngayon kasi they are backed up by big TV networks. Lahat ng kailangan nila, naibibigay ng mabilis.

“Kami noon, we have to work talaga para mapansin kami ng mga producers.

“I can say that I was lucky, kasi I was able to work with all the film companies noon.

“I was more on doing movies talaga, unlike now na mas kailangan ng mga artista ang TV show just to be visible.

“But just the same, I am thankful to TV5 for giving me another project. Hindi sila nagsasawa sa akin---from Babaeng Hampaslupa, Glamorosa, Isang Dakot Na Luha, Enchanted Garden, Never Say Goodbye, and Undercover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng ibigay nila sa akin ay magaganda.”

DEREK RAMSAY. Ang For Love Or Money ang second primetime series ni Alice with Derek Ramsay.

Una silang nagsama sa Undercover, kunsaan siya ang kontrabida ni Derek.

Ngayon ay gumaganap siya bilang si Kristine, ang babaeng handang magbayad ng sampung milyong piso para lang maagaw ang isang lalakeng may asawa.

“Sabi nga nila, bakla lang ang role ko. Handang magbayad ng pera para sa lalake.

“I guess may mga pinagbabasehan naman silang mga tunay na pangyayari.

“I just don’t know kung may tao ngang handang magbayad ng gano’ng kalaking halaga in real life, but maybe may gano’n nga.

“Gusto lang naming ipakita sa series na ito kung ano ba ang magiging effect ng pera sa pagsasama ng dalawang tao. Makakatulong ba ito or mas makakasira sa kanila?”

Natuwa nga si Alice at muli silang nagkasama ni Derek dahil ito raw ang nag-motivate sa kanya para alagaan ang kanyang katawan.

“Naging health buff tuloy ako because of Derek.

“When we were doing Undercover, he was really fit. He gave me some tips on doing these types of execises na kaya ko.

“Before I knew it, nag-e-enjoy na ako working out. Naisip ko rin na kailangan ko ito just to feel better about myself.”

Kaya nga sa edad ni Alice na 44, maganda pa rin ang figure nito at puwedeng mapagkamalan na isa sa mga nakababatang artista ngayon.

“I’m not out to compete with these young ones. Wala na akong laban sa kanila.

“Siguro in terms of experience, doon ako nakakalamang na.

“Like what I said, I’m keeping fit just to make myself feel better. Health is wealth.

“At siyempre para na rin sa trabaho natin, kailangan natin ng malakas na katawan para ma-endure natin ang mga long working hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga batang artista ngayon, kaya nila ang mapuyat kahit na ilang araw. Sa mga ka-edad ko, we need to rest talaga para ma-energize tayo.

“Working out gave me that much needed energy to bear the long hours sa set.

“I don’t get tired easily now. Change of lifestyle lang tayo ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN