Rhian Ramos finds deeper meaning in celebrating her birthday with the elderly and kids on charity

IMAGE Glen P. Sibonga

Rhian Ramos says she always gets a "special gift" on her birthday, and she believes it comes from God. Doing charity works to celebrate her birthday is her way of showing her gratitude: "God talaga is super good to me."


Noong Oktubre 3 ang kaarawan ng Kapuso actress at GMA Artist Center (GMAAC) talent na si Rhian Ramos, pero nagsagawa pa rin siya ng charity work kaugnay ng kanyang 23rd birthday celebration noong Oktubre 18.

Sa tulong ng GMAAC, nagpa-party si Rhian para mga batang maysakit sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Noong Oktubre 20 naman ay dumalo siya sa party na inorganisa ng kanyang fans mula sa CyberRhians at Rhianatics.

Dito ay nakasama naman niya ang mga lolo at lola ng Golden Reception and Action Center for the Elderly and other Special Cases (GRACES), isang home for the aged institution under Department of Social Welfare and Development sa Bago Bantay, Quezon City.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa GRACES at sinabi niya na mas gusto niya ang ganitong charity work kaysa magkaroon ng malaking birthday party.

May kung ilang taon na raw ginagawa ito ng aktres.

Sabi ni Rhian, “Kasi before, from Child Haus, tapos yung PCMC mas maraming kids.

“So, yung ginagawa ko yung mga giveaways and everything.

“Kasi lagi naman, yung mga sponsor ko nagbibigay ng more than kailangan, so the rest goes to Child Haus.

“So, nandun pa rin yung Child Haus, nandun pa rin yung PCMC, and ngayon nandito tayo sa GRACES.

“It makes me happy.

“Parang kaysa mag-inuman kayo ng mga kaibigan mo or lumabas kayo, parang mas meaningful sa akin yung party kasama yung mga bata, then, ito, yung mga lolo at lola.”

First time daw mag-party ni Rhian sa isang home for the aged institution, at hindi niya maiwasang maging emosyunal habang ikinukuwento niya ang naranasan kasama ang mga matatanda, lalo na sa isang lola.

“Kanina, kakadating ko pa lang, tapos may isang lola sabi niya gusto niya ako.

“Parang haping-happy daw siya na pumunta ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kinantahan niya ako. Ang cute!

“Hindi ko nga alam yung song, first time ko siyang marinig, e.

‘At saka nilalagay niya pa yung pangalan ko sa song. It was so much more meaningful [yung birthday ko]. Ang cute niya.”

GIFT FROM GOD. Every year daw kasi ay laging may “special gift” na natatanggap si Rhian mula sa Panginoon, kaya yung charity works niya ay isang paraan ng kanyang pasasalamat sa regalong ito.

Ang special gift nga ni Rhian this year ay ang bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Genesis, na balik-tambalan nila ni Dingdong Dantes.

Natutuwa naman siya sa magagandang feedbacks at rating na natatanggap ng show nila.

Aniya, “Oo nga, e, God talaga is super good to me.

“Parang lagi Niya akong bine-bless every year pagka birthday ko, ginagawa Niyang klaro na, ‘O, may gift ako sa iyo,’ parang ganun.

“So, siyempre masaya ako na Genesis is doing well.

“At saka, yun lang naman lahat ang winish ko, e.

“Kasi parang napansin ko sa life, parang yun yung isang bagay na hindi ko makontrol, kung magugustuhan ng tao yung work ko or whatever.

“So, yun ang wini-wish ko every time may bago akong project, at nagkatotoo naman.”

May ginagawa rin daw siyang isang indie film, pero ayaw muna niyang magbigay ng detalye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN