Solenn Heussaff says she is ready to settle down

IMAGE Noel Orsal/Inset borrowed from Instagram @solennheussaff

"Dapat pag showbiz ka yung boyfriend mo nasa ibang trabaho, para walang intriga, walang tsismis... keep it on the low key." Ito raw ang sikreto ng halos tatlong taong relasyon ni Solenn Heussaff sa Argentinian boyfriend niyang si Nico Bolzico.


Naniniwala si Solenn Heussaff na isa sa dahilan kung bakit matatag ang relasyon nila ng boyfriend na si Nico Bolzico ay dahil ito ay hindi taga-showbiz.

"Dapat pag showbiz ka yung boyfriend mo sa ibang trabaho, para walang intriga, walang tsismis... keep it on the low key."

Ito ang sinabi ng Filipino-French actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Status: It's Complicated noong October 24.

Halos tatlong taon na ang relasyon ni Solenn, 28, sa 30-anyos na Argentinian, na nalilinya sa agricultural business.

NO TRUST ISSUES. Marami raw bagay na pinagkakasunduan sina Solenn at Nico.

Kasama rito ang pagkahilig sa sports, travel, at pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Pareho rin silang open-minded kaya naman hindi uso sa kanila ang pagseselos.

"Ayun, yung trust—I trust him, he trusts me.

"Pag nasa work ako, hindi kami nagtatawagan sa isa't-isa. Pag magkasama tayo, yun ang time na i-enjoy.

"I don't talk about showbiz. I don't talk about what I'm shooting. Di niya nga alam ang name ng movie!" natatawang paglalahad ni Solenn.

"Hindi, hindi [siya seloso]. Ako din, hindi ako seloso," dagdag pa ng actress-host.

Malaking bagay na parehong liberated at lumaki sa Western-style upbringing sina Solenn at Nico, kaya umano hindi sila basta-basta nag-aaway nang dahil sa selos.

"Alam ko yung Filipino trait, maging seloso, hindi ba?

"Kahit magkaibigan lang, seloso... 'Ay! May bagong barkada!' Ganoon."

Pero aminado si Solenn na paminsan-minsan ay umiiral din sa kanya ang pagiging "Filipino."

"Siyempre naman, as a girl, at the end of the day, kahit hindi ka seloso, may konting [pagkakataon] na pwede kang maging seloso.

"Like, may kaibigan ako na lalaki, ako lang at sila [marami], siya may mga kaibigan na babae at nasa bakasyon sila sa isang beach..."

Nagseselos din daw si Solenn kapag nadidikit sa ibang babae si Nico, pero wika niya, hindi na raw ito kailangang palakihin pa at pag-awayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat nauunawaan ng kanyang boyfriend ang trabaho sa showbiz, hindi rin naman hinahayaan ni Solenn na "kainin" siya ng industriya.

"Alam naman niya ang industry.

"In-explain ko naman sa kanya na sa industry, especially in the Philippines, it works for the loveteam, ganoon, hindi ba?

"Pero since hindi ako pakipot, pag na-interview ako, sabihin ko ang totoo.

"I won't pretend to have a crush on someone... hindi ako ganoon, walang lumalabas na tsismis.

"Ayokong maging issue ang trabaho namin. Trabaho lang at the end of the day."

READY FOR MARRIAGE? Base sa sweetness nina Solenn at Nico sa photo-sharing application na Instagram, kitang-kitang in love na in love sila sa isa't isa.

Sa ngayon ba ay pinaplano na nila ang pagpapakasal?

"Tingnan natin kung ano ang mangyayari," nakangiting sagot ng aktres.

"Of age naman ako, ready naman, but hindi ako rushing into it."

Nilinaw ni Solenn na sa ngayon ay hindi pa sila engaged ni Nico.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN