Ryan Agoncillo exchanges love letters with wife Judy Ann Santos

IMAGE Noel Orsal

Ryan Agoncillo on having more kids: “Well, it’s not that we’re planning, but it’s not as if we’re not trying.”


Noong Nobyembre 11, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Ryan Agconcillo sa set ng bago niyang programang Picture! Picture! sa GMA Network.

Kinumusta namin sa kanya ang misis niyang si Judy Ann Santos.

“Matagal na nga kaming hindi nagkikita,” ang natatawang sagot ni Ryan.

Bagamat totoong bihira silang magkita ngayon dahil parehong busy sa trabaho—si Ryan ay host din ng isa pang show, ang Eat Bulaga!, samantalang si Judy Ann ay host ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN—nilinaw niya na maayos ang kanilang relasyon.

“Walang-wala [kaming problema], Diyos ko! We’re doing very well!

“Actually, ngayon nga, ang ganda nga noong ano… kasi I started eating clean.

“Meaning, kasi, one month towards the race, ayaw mong maging mabigat."

Ang tinutukoy na race ni Ryan ay ang sasalihan niyang triathlon race sa Disyembre.

Araw-araw nga siyang ipinaghahanda ni Judy Ann ng pagkaing babaunin niya sa trabaho.

“So, iyong pagkain ko, mino-monitor ko, so she prepared a whole lot of baon for me.

“Tapos, may note pa, may love letter pa, e.

"So, it’s actually refreshing, kasi hindi naman kami ma-love letter.

"But lately, iyon, nagla-love letter kami sa isa’t isa, kasi nga medyo busy.”

KIDS'S BIRTHDAY. Kumusta naman ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho?

“Ayos naman,” bitaw ni Ryan.

"And si Lucho, and also si Yohan, kaka-birthday lang.

“Lucho turned three. Yohan turned nine just last Friday, so they’re very good.

"Masaya, masaya iyong mga naging celebration.”

(Lucho's birthday party last October, as seen on Judy Ann Santos' Instagram @officialjuday)

October 7 nang ipagdiwang ng pamilya Agoncillo ang ikatlong kaarawan ni Lucho, at November 8 naman ang ika-siyam na kaarawan ni Yohan.

Kuwento ni Ryan, “Kami nila Lucho, iyong kay Lucho, simpleng party lang... And he finally got the concept of gift-giving!

“Dati kasi iyong wrapper lang at saka iyong ribbon ang excited siya. Ngayon, ‘Where’s my gift?’ Nag-gaganoon na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Yohan naman, natutuwa ako 'cause she’s maturing.

“I actually asked her the day before her birthday what she wanted for her birthday.

"Sabi ko, ‘Yohan, ano gusto mong regalo?’

“Natuwa ako sa sagot niya, ‘No more, Daddy, I have plenty gifts already, thank you!’

“So, ako, natuwa ako na nagma-mature siya ‘tsaka iyong itinuturo namin na pagka-simple, naa-absorb niya... And not even on her birthday, hindi siya nagiging selfish.”

SYSTEMATIC PARENTS. Marami nga ang humahanga kina Ryan at Juday bilang magulang.

Kahit kasi pareho silang busy sa trabaho, nagagampanan pa rin nila ang pagiging magulang sa kanilang dalawang anak.

Paano nga ba ang sistema nila?

“Well, there was a time na siya ang nagso-soap opera, so ako ang laging nasa bahay—sending off my kids to school, and then naghihintay ako sa bahay kapag pauwi sila, ganoon.

“Tulungan kami.

"Like, now, I’m here working the whole day, from Eat Bulaga! to here sa Picture! Picture!, so ngayon, nandoon siya sa bahay with the kids.”

Mahalagang naiaayos ng mag-asawa ang kani-kanilang work schedule para laging may naiiwan kina Yohan at Lucho.

“Ideally, yes. But, of course, bilang suwerte tayo na Pilipino, may lolo’t lola na mapag-iiwanan ng mga bata... Pero ayaw mo naman na sila lang lagi.

“I don’t want that to happen to my children. I don’t want them to be orphaned while we’re trying to make a living, di ba?

“Of course, masuwerte kami nagagawa namin iyon and we would like to keep it that way.”

MORE KIDS? Tipikal na sa modernong pamilyang Pinoy ang magkaroon ng dalawang anak.

Pero sapat na ba ang bilang na ito para kina Ryan at Juday? May balak pa ba silang sundan si Lucho?

“Well, it’s not that we’re planning, but it’s not as if we’re not trying,” ang simpleng sagot ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ CAREER FOR KIDS. Samantala, ngayong nine years old na si Yohan at mas nakakaintindi na ng maraming bagay, naiisip na ba ng mag-asawa na ipasok na rin siya sa showbiz?

“When you ask her now, she’ll say she wants to be a singer.

“Pero siyempre, ika nga, hindi naman namin mapipigilan iyan, e.

“‘Tsaka sa mga commercials, nakikita niya… ‘Tsaka si Mommy nakikita niya, binibihisan, iyon ang konsepto niya ng pagiging artista.

“If you ask her, she’d say she wants to. Hindi naman namin pipigilan. Pero tapusin niya iyong mga kailangan niyang tapusin.

“Actually, masaya kami dahil recently ipinagpalit niya iyong weekly singing lessons niya. Ginusto niyang mag-swimming lessons naman.

“Kasi nakikita niya kami ni Mommy, we train every morning, we train with a coach.

“Naiinggit siya, so gusto niya rin kumuha rin siya ng sarili niyang swimming coach.

“So, we just encourage her kung anuman iyong mga gusto niyang gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN