Dingdong Dantes continues to call for help for rehabilitation of Yolanda-hit towns in Visayas

IMAGE Sany Chua

Dingdong Dantes on criticisms against PNoy: "Personally, I think there's no room for [critical] opinions. The thing is, we just have to do something: help and contribute."


Noong December 2, idinaos ang pre-Christmas dinner ng PPL Talents para sa local entertainment press sa Primera Casa Filipino sa Quezon City.

Ito ay pinangunahan ng talent manager na si Perry Lansingan, at kanyang mga alaga na sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Jolina Magdangal, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Wendell Ramos, Arthur Solinap, Carl Guevarra, Carlo Gonzales, at Max Collins.

Bukod sa taunang get-together ng PPL family at mga kaibigan sa press, ang gabing iyon ay nagsilbi ring pag-alala sa mga nabiktima ng nagdaang bagyong Yolanda.

Hindi tulad ng mga nakaraang Christmas parties ng grupo na tadtad ng games at pa-raffle, minabuting i-donate na lang sa mga nasalanta ang halagang magagastos sana para sa mga papremyo.

"Malaking bagay ang munting maibabahagi ninyo, sa panahong ito na kailangang magtulung-tulong ang lahat," sabi ni Perry sa press.

Partikular na pinaguukulan ng grupo ang donasyong silid-aralan sa ilang eskuwelahan sa Estancia, Iloilo.

Humigit-kumulang sa kalahating milyong piso ang magugugol sa pagpapatayo at pagpapaayos ng mga nasirang classrooms dahil sa bagyo.

DINGDONG'S COMMITMENT TO HELP. Ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ay buong lugod na nakiisa sa panawagan para sa mga kapuspalad na kababayan.

Kagagaling lang niya at mga kasamahan sa PPL Talents sa nasabing lalawigan, at personal nilang nasaksihan ang malaking pinsalang idinulot ng nagdaang kalamidad.

"I really hope na makabangon sila as soon as possible," sabi ni Dingdong nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

"Alam naman natin mapalad tayo at buhay tayo, na may nasisilungan tayo, at kahit papa'no may nakakain tayo.

"I think, nararapat lang na we come together for something na, siguro, mas may meaning for this Christmas."

Sa darating na Kapaskuhan, bago dumating ang December 25, ay may binabalak sina Dingdong at mga ka-grupo: "Pina-plano na namin... magandang mabigyan sila, kahit papa'no, ng isang magandang Pasko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[Gusto ko] mabigyan natin sila ng isang magandang Bethlehem.

"Para kahit papa'no, sa kabila ng lahat, e, maramdaman nila ang espiritu ng Pasko."

Sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation, na pinamumunuan mismo ni Dingdong bilang chairman, tuluy-tuloy ang pagsasakatuparan ng relief operations at rehabilitation projects sa mga nasalantang lugar sa Visayas.

"We're just fortunate na may mga kaibigan tayo—donors and sponsors—na ipinagkatiwala nila ang kanilang mga sarili, pera, at oras sa amin.

"Ako naman, on my part, sinisiguro ko parati sa kanila na makakarating iyong mga donasyon nila.

"Kaya tulad ng mga ibang organizations, I'm sure ginagawa rin nila ito.

"That's why, ako, I really take my time out to ensure na iyong mga ibinibigay nila ay makakarating nang mabilis to those in need."

NO TIME TO CRITICIZE ONE ANOTHER. Sa dami ng tulong na pumapasok mula sa ibang bansa at ilang local private organizations, gaya ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong, mainit na usapin ngayon sa social media ang "problemadong" relief operations na ginagawa ng gobyerno.

Matatandaang isa si Dingdong sa mga sumuporta at nangampanya para kay President Noynoy Aquino noong 2010 elections.

Ano ang masasabi ni Dingdong sa mga kritisismong ibinabato laban sa pangulo, lalo na ang tungkol sa naging pamamaraan niya ng pag-asikaso sa krisis?

"Ah, hindi po mawawala iyon [kritisismo], e.

"Pero sa akin lang naman, I don't think it's time for us to... Personally, I think there's no room for [critical] opinions.

"The thing is, we just have to do something: help and contribute.

"But it's not an easy job, so kailangan lang, e, tayo, bilang mga normal citizens, kailangan may gawin din tayo kaysa magsisihan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN