Iwa Moto on motherhood: "Iba pala pag may sarili ka nang anak"

IMAGE Borrowed from Instagram @iwamoto0829

Iwa Moto is very happy living a quiet life as a hands-on mom to daughter Hiromi Aiko Eve.


Nangingislap ang mga mata ni Iwa Moto tuwing mapag-uusapan ang kanyang anak na si Eve.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong November 26, sinabi ng dating Starstruck contestant na: “Tutok na tutok ako kay Baby.

“Basically, it’s the same pa rin naman. Kasi ano naman ako, e, nag-aalaga naman talaga ako ng bata before, di ba?”

Ang dating asawa ni Iwa na si Mickey Ablan ay mayroong isang anak.

Bago pa naman nakarelasyon ni Iwa ang ama ni Eve na si Pampi Lacson, may anak na ang huli sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Sabi pa ni Iwa, “Ngayon lang, medyo focus ka sa newborn kaya mahirap.

“Ngayon lang ako nakalabas ng bahay.”

Ang buong first name ng anak ni Iwa ay Hiromi Aiko Eve.

Paliwanag niya kung bakit tatlo ang pangalan ng baby niya: “Iyong name niya kasi, may meaning iyan na parang beautiful-beautiful.

“Iyong Hiromi, galing sa Japanese dad ko.

“Then iyong Aiko, kasi Aileen ako, di ba?

“Iyong Aiko means love… basta, may ibig sabihin iyong name na iyan sa Japanese.

“And iyong Aiko, gusto rin ng mommy ni Pampi.

“And then iyong Eve came from Thirdy. Yun ang gusto niyang ipangalan sa kapatid niya. So, kaya mahaba.”

Si Thirdy ang anak ni Pampi sa dating asawang si Jodi.

Ayon kay Iwa, ayaw na niyang mag-anak ulit, kaya binigyan na niya ng tatlong pangalan ang baby niya.

“Isa lang, ayoko na.

“Napag-usapan na rin namin ni Pampi, since meron na siyang panganay na lalaki, may baby na kami—kumpleto na, e.

“So, I really don’t need… Parang hindi ko na iniisip na magkakaroon pa kami ng isa pang anak.

“Focus na lang muna doon. Kasi dalawa na, e. Mahirap naman kung gagawin pang tatlo.”

Kung hindi mababago ang plano, sa February 2014 pabibinyagan nina Iwa at Pampi si Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just waiting for my sister to come back from Japan.”

Wala pang maibigay na detalye si Iwa tungkol sa binyag.

Ayaw raw niyang ma-stress sa pag-iisip tungkol dito, lalo’t nag-e-enjoy siya sa pag-aalaga ng kanilang baby.

Paano naman siya nabago ngayong isa na siyang ina?

“Ay, lahat-lahat! Buong pagkatao ko. Iba pala pag may sarili ka nang anak.


“Kasi all these years, I’ve been taking care of someone else’s baby.

“And then, now, I have my own na pag makita mo lang umiyak ang anak mo, parang ikamamatay mo na.

“Ngayon, mas nag-i-strive ako para maging maayos na tao para sa anak ko.”

WEDDING TALK. Tungkol naman sa kasal, hindi pa raw posibleng mangyari ang umabot sila sa altar ni Pampi dahil ongoing pa rin annulment case ng huli kay Jodi.

“We have to finish these unfinished things. Malay mo, eventually, di ba?

“I’m seeing myself naman with him, especially we have kids. I love to be with him.”

Pero inamin ni Iwa na napag-uusapan na nila ni Pampi ang kasal.

Sabi pa niya, “Sino ba naman ang hindi gustong mag-settle talaga, di ba?

“Kaya lang, again, meron pa kaming kailangang tapusin, asikasuhin.”

Magdadalawang taon na ang relasyon nina Iwa at Pampi, pero malaki raw ang ipinagbago ng buhay ng aktres sa piling ng anak ng dating senador na si Panfilo “Ping” Lacson.

“Kasi, I was lost before to the point na… basta, pag ang babae ay nasaktan, basically parang nalo-lost siya, e.

“And I found myself again through him.

“So, iyong pagbabago… parang ang nangyari, bumalik lang ako sa maayos na Iwa, maayos na Aileen before.

“Mas maayos lang ako ngayon.

“Parang he molded me to be a better person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN