Comedy director and entrepreneur Andrew de Real opens new establishment in Malate

IMAGE Facebook/Courtesy of Andrew de Real

Andrew de Real, fondly called Mamu by his colleagues, has set up a new business called Destination Heaven in Manila's Malate area. The establishment consists of four venues with different concepts to cater every customer.


Nagbukas ng bagong business establishment ang kilalang bar owner, talent discoverer, at director na si Andrew de Real sa Maria Orosa St., Malate, Manila.

Few blocks away lang ang bagong Destination Heaven sa kauna-unahan at sikat na comedy bar ni Andrew na The Library.

Hindi tulad ng ibang bars sa Malate area, ang Destination Heaven ay isang building na may "four different venues of entertainment all in one place."

Matatagpuan dito ang Red Banana dance club, Mint lounge, Zinc music, at Azzul restaurant and bar.

Personal na binigyan ni Andrew—o mas kilala sa showbiz at comedy circles bilang Mamu—ng tour ang PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) sa Destination Heaven, at ipinakita kung ano ang nagaganap sa bawat venue.

Ikinuwento rin niya kung paano niya sinimulan ang bagong negosyong ito: "Noong nakita ko 'to, masyadong malaki ang building.

"Sabi ko, 'I can divide it into four—four destinations in one location.' So, noong ginawa ko ‘to, naghanap ako ng mga interested sa concept.

"Kasi it’s a vision, e, for a businessman na makaisip ka ng ganitong konspeto...

"So, ayan, young entrepreneurs naman na willing to learn and willing to see how I work, kaya nabuo ang konspeto ng corporation, nabuo iyong Destination Heaven.

"Iyong mga pangalang iyan is my original concepts. Like, the Red Banana, iyong Mint... iyan iyong mga dating bars na hawak ko.

"Ibinalik ko lang kasi ang lakas ng recall sa tao. 'Tapos binuhay ko lang, binalik ko ulit.

"'Tapos iyong Zinc is a new name, and then itong Azzul is a resto-bar."

RED BANANA. Gabi-gabi raw na may performers sa Red Banana dance club.

"Iyong Thursday night, ginawa naming tribute to Ernest Santiago—the Coco Banana Night. Ang mga show noon is 80’s, 70’s [ang theme]."

Si Ernest Santiago ay isang kilalang fashion designer noong 1970's at 1980's, at siyang nagtatag ng sikat na Coco Banana night club sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natagpuan siyang patay sa kanyang tahanan noong Disyembre 16, 2007.

READ: Famous designer Ernest Santiago found dead

Pagpapatuloy ni Andrew: "Meron ding Diva’s Night, merong Broadway Night, merong Dance Club Night, may Men’s Night.

"Wednesday is Boys' Night. Puro boys, dance rin, sexy dance."

MINT. Bukod sa building ay bahagi rin daw ng Destination Heaven ang courtyard sa kalye ng Maria Orosa.

"Every ano iyan, every month may something special na gagawin. Like, Fridays and Saturdays we have a big events here.

"We have a street party along the courtyard, kasi kasama ‘to hanggang labas, e. To bring back the crowd.

"'Tsaka I want people to learn and to know na dito, it all started from here in Malate, and not in Quezon City. It’s in Malate.

"All the street parties came from Malate. I know that because Ernest Santiago started it all.

"Iyong mga '78, '79 na street party niya na parade na nakakaloka... Kinalakihan ko kasi iyon, e, so nakita ko.

"Halos dito ako tumambay noong araw na iyon, e. Halos lahat ng bars naikot ko na, even iyong kina Freddie Aguilar.

"Lahat, nakita ko iyong growth niya at saka iyong diversity ng bawat club."

ZINC. Isa pang attraction ng Destination Heaven ang kanilang performers na pawang fresh new talents na siya rin ang naka-discover.

"New talents na silang lahat, so wala kang makikita na galing sa Raging Divas."

Ang Raging Divas ay isang grupo ng mga gay comedy performers na sumikat sa The Library.

Dagdag ni Andrew tungkol sa mga talents ng Destination Heaven: "They are young talents na... gusto kong maka-discover ng bagong grupo—fresh talents.

"They’re very, very good. May dance lessons sila almost everyday.

"I want them to be known na hindi kayo galing sa ibang grupo, na wala kayong kinopya. You’re show is well-conceptualized, well- choreographed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos iyong mga entertainers sa second floor, we’re trying to discover new breed of talents na hindi takot sa Zirkoh, takot sa ano...

"Iyong parang ito ang magiging training ground ninyo, iyong mga takot sa Library, kasi nga masyadong malaki ang pangalan, so dito tini-train sila, hinahasa ko ang talent nila."

Hindi raw stand up comedy ang show ang mapapanood sa Zinc.

"Hindi. It’s more on music—concept: lahat acoustic. Lahat nangyayari.

"Katulad niyan, may na-discover ako na mga bagong talents, mga lesbian. Ang gagaling! Grabe, mga bagets.

"Ide-develop ko sila kasi sayang, di ba? Kung may magaling na bading, may magaling na tomboy, ‘di ba? May talent, kumbaga.

"Saka ang laki ng market nila. Imagine, they can fill up the whole building! Mas solid sila. Kaya naghahanap ako ng grupo ng mga tomboy na puwedeng gawing banda, puwedeng acoustic, ganyan."

BUSINESS PARTNERS. Sa laki ng Destination Heaven, mukhang malaki ang punuhang inilaan ni Andrew para rito.

Nang tanungin tungkol sa kanyang investment sa bagong negosyo, napangiti si Andrew at sinabing: "Hindi naman ganoon kalaki... sakto lang!

"Sakto lang, kasi tulung-tulong naman, e."

May mga kasosyo raw si Andrew sa bago niyang negosyo.

"Magic 12! Rainbow Venture ang name ng company.

"We were thinking of a name: 'Ano kayang magandang name for our corporation? Let’s make it a rainbow para colorful, lively, vibrant...'" kuwento niya.

Si Andrew din ang nakaisip ng name ng corporation, kung saan isa sa partners nila ang isang sikat na talk show host na ayaw niyang pangalanan.

"Silent partner siya," ngiti ni Andrew.

Paano nga ba nabuo ang kanilang corporation?

"Mga old friend, parang nagpunta sila, in-offer ko iyong concept.

"Sabi ko, 'I have a new concept. Would you like to join me?' Kasi I don’t want to do it alone, kasi I’m doing a lot of things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, di ba meron ako’ng Library, nagsusulat ako ng script, nagdi-direk ako ng show? So, I need to train a new breed of young entrepreneurs.

"Ang pinakabata diyan is 24 [to] 27 years old, sa grupo namin. Sila iyong mga gina-guide ko talaga ng tama.

"Hindi ako selfish [to share my knowledge]. Hindi, you don’t need to be selfish.

"Kasi, for you to enjoy success, you have to share it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN