Miss Beauche International pageant crowns first winner

Ann Mabel Ubando (center) from Dagupan is the first-ever Miss Beauche International titleholder. She was crowned and awarded by Miss Universe 1969 Gloria Diaz (right) and Beauche International president and founder Madame Conchita Toribio delos Reyes (not in photo).


Ang Miss Dagupan na si Ann Mabel Ubando ang kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Beauche International 2013.

Naganap ang coronation night ng beauty pageant sa Solaire Resort and Casino Grand Ballroom noong December 14.

Dalawampu’t-apat na kababaihan mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang naglaban-laban para sa korona, P100,000 cash prize, Beauche products package, at endorsement contract para sa beauty brand.

Mula sa 24 na nagtigasan ng ganda sa pagrampa suot ang evening gown at swimsuit, napiling makapasok sa Top 10 sina Miss Zamboanga, Miss Cebu, Miss Tagbilaran, Miss Quezon City, Miss Osamis, Miss Baguio, Miss Iloilo, Miss Manila, Miss Davao, at Miss Dagupan.

Ang sampu ay naglaban-laban sa question and answer portion na may kakaibang konsepto kumpara sa ibang pageants.

Imbes na sagutin ang tanong mula sa judges, bawat isa sa kanila ay bumunot ng letra mula sa salitang MISS BEAUCHE.

Bawat letra ay may katapat na salita na kanilang inilarawan base sa pagkakaintindi nila rito at sa kung ano unang pumasok sa isip nila nang mabasa ang salita.

Mula dito ay nasala ang Top 5, na kinabilangan ng mga kandidata mula sa Zamboanga, Quezon City, Baguio, Manila, at Dagupan.

Sa huling round, isang tanong na lang ang pinaglabanan ng Top 5.

Ang tanong ay: How would you describe a sunset to a blind man?

Ang sagot ni Miss Dagupan na si Ann Mabel ang nakapagpa-impress ng husto sa mga judges kaya siya ang nanalo.

Bago sumagot, ibinalik ni Ann Mabel ang tanong sa host na si Brent Javier.

Sabi niya: “Inborn or acquired blind?”

Naalala tuloy ng karamihan sa audience ang pamosong "High tide or low tide" answer noon ni Charlene Gonzales nang lumaban ito sa Miss Universe noong 1994.

Bukod sa pagiging Miss Beauche International, si Ann Mabel din ang nakakuha ng dalawang special awards na Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo namang Miss Social Media si Miss Quezon City Lynne de Mesa, Miss Photogenic si Miss Manila Patricia Ramos, at Best in Philippine Terno si Miss Iloilo Mhon Theress Menaling.

Itinanghal bilang fourth runner-up at nag-uwi ng P20,000 cash prize si Miss Zamboanga Jovilyn Gavan.

Third runner-up naman si Miss Quezon City Lynne de Mesa na nag-uwi ng P30,000 cash prize.

Second runner-up si Miss Baguio Alyssa Ashley Calimlim na may P40,000 cash prize, at si Miss Manila Patricia Ramos ang naging first runner-up at nag-uwi ng P50,000.

Lahat ng winners ay may premyo rin na Beauche products.

Maayos at fast-paced ang pageant.

Kabilang sa mga judges sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj, Kapamilya actress Diana Zubiri, Eat Bulaga! host Paolo Ballesteros, GMA Network creative head RJ Nuevas, at ang tinaguriang "queen maker" na si Jonas Gaffud ng Mercator.

Present din ang president at founder ng Beauche International na si Madame Conchita Toribio delos Reyes, na kasama ni Gloria Diaz na nag-award sa winner.

Unang taon pa nga lang ito ng Beauche International na magkaroon ng beauty pageant, pero hindi na nakakapagtaka kung magtutuloy-tuloy ito, lalo pa’t may sarili itong manufacturing plant sa Dasmarinas, Cavite at may 100 outlets sa buong bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN