All is set for Shamcey Supsup and Lloyd Lee wedding

IMAGE Allan Sancon

Excited na si Shamcey Supsup sa nalalapit niyang kasal sa nobyong si Lloyd Lee. Sa December 29 magaganap ang kanilang Christian wedding sa Church of the Risen Lord chapel sa UP.


Ang former Miss Universe Philippines beauties na sina Venus Raj at Shamcey Supsup ang bagong celebrity ambassadors ng Solaire, isang resort and casino establishment sa Parañaque City.

Pormal silang ipinakilala sa publiko sa pamamagitan ng isang launch party noong December 22, kung saan marami ang nagpa-picture sa dalawang beauty queens.

Matapos ang photo op sessions, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shamcey.

“Nakakatuwa na sinama kami ng Solaire sa kanilang Christmas Special at nakapag-pa-picture ako kay Santa Claus," unang sambit ng 2011 Miss Universe second runner-up tungkol sa event.

Kung ang ibang tao nag-ka-countdown sa papalapit na Pasko at Bagong Taon, si Shamcey naman ay nag-ka-countdown para sa nalalapit na kasal niya sa nobyong si Lloyd Lee.

“Grabe!" Bulalas ni Shamcey tungkol sa kanyang December 29 wedding.

"Kumbaga, sabay-sabay—Christmas, 'tapos andiyan din yung Christmas traffic, andiyan din yung kailangan mong i-prepare ang lahat in time for the wedding.

"So, parang nagsabay-sabay ang lahat, pero it’s a joint celebration na rin namin na it’s not just a wedding, also Christmas, and then New Year, so sunud-sunod.”

Kumusta naman ang kanilang wedding preparations sa ngayon?

“I guess everything is set already.

"Siguro yung mga maliliit na lang na detalye, like yung mga [gown] fitting, yun nalang yung mga hinahabol namin.”

Si Cherry Samuya Veric ang designer ng wedding gown ni Shamcey, habang si Francis Libiran naman ang gumawa sa kanyang reception dress.

Sa Church of the Risen Lord sa University of the Philippines campus sa Quezon City gaganapin ang kanilang Christian wedding.

Sa EDSA Shangri-la Hotel naman gaganapin ang kanilang reception.

Sinu-sino ang makakasama sa kanilang bridal entourage?

“Karamihan ay kaibigan ko. Siyempre hindi mawawala ang mga beauty queens sa entourage."

Ang ilan dito ay sina Mary Jean Lastimosa, ang nagwaging second runner-up sa Binibining Pilipinas 2011, kung saan sumali rin si Shamcey; at si Sora Chong, ang Miss Universe 2011 candidate mula sa Korea na naging roommate at malapit na kaibigan ni Shamcey sa beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din siyempre ang dating Binibining Pilipinas candidate na si Caroline Ty, ang pinsan ni Lloyd na naging daan upang magkakilala ang magkasintahan.

Sinu-sino naman kaya ang napiling maging ninong at ninang nina Shamcey at Lloyd?

“Madame Stella Araneta is one of my ninangs, pero karamihan na is friends ng groom’s parents and yung iba naman friends ng parents ko.”

Si Stella Araneta ang president ng Binibining Pilipinas Charities Inc.

Kahapon, December 25, naki-celebrate ng Pasko ang pamilya ni Shamcey sa angkan ng mga Lee.

“Yung mga parents naman namin ay may mga Christmas plans kaya kami ay makiki-gate crash na lang kami sa party nila.

"Usually naman may usual Christmas plans na sa family. It's either stay at home at kakain lang.”

Matapos ang kanilang kasal, ano ang mga plano nila para sa pagdiriwang ng Bagong Taon?

“Right after New Year, we’re going to Gen San."

Sa General Santos City sa Mindanao naka-base ang karamihan sa mga kamag-anak ni Shamcey.

"Siguro mag-relax muna for a while doon sa bahay namin doon, and then we’re planning to have an after-wedding party.”

May plano ba silang out of the country honeymoon matapos ang kasal?

“Sa Holy Week pa namin pina-plano [out of the country trip]. It’s a delayed honeymoon,” nakangiting sagot ng beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN