Venus Raj ready to fall in love again

IMAGE Allan Sancon

Venus Raj on finding love after breakup with Andrei Felix: "I know my time will come. I know that the right guy will come at the right moment, at the right place also."


Sinorpresa ng Solaire Resorts and Casino ang kanilang mga guests noong nakaraang December 22, 2013.

Matapos kumanta ng UP Concert Chorus Choir sa lobby ng bagong leisure establishment sa Parañaque City, ay biglang sumulpot ang Miss Universe 2010 fourth runner-up na si Venus Raj.

Pormal na ipinakilala noong gabing iyon si Venus, pati na ang Miss Universe 2012 third runner-up na si Shamcey Supsup, bilang bagong holiday ambassador ng resort-casino.

Hindi magkamayaw ang mga tao sa lobby ng Solaire sa pagpapa-picture kay Venus at sa gwapong escort nito na si Sam Ajdani, isang model na napabilang sa sampung centerfolds ng taunang Cosmo Bachelors issue ng Cosmopolitan Philippines Magazine.

Matapos ang photo session kay Venus ay nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga bago sa kanyang buhay.

“Nakakatuwa kasi ang daming taong nagpa-picture sa 'kin," wika ng beauty queen sa karanasan niya sa naturang event.

"Napansin ko rin na ang dami palang mga Pinoy na umuwi ngayon dito sa Pilipinas para sa Pasko.

"Kasi may mga nakausap ako, habang nagpapa-picture sila, na galing sila sa Dubai, from Quatar... May nagsabi na kararating lang daw nila from Canada.

"So, nakakatuwa na ang mga kababayan natin, pag ganitong season, ay hindi nila pinapalagpas ang Christmas here in the Philippines and spend it with their family.”

HOLIDAY 2013. First time lang daw ni Venus na makapasok sa Solaire.

“Yes, it’s my first time here in Solaire, at napakaganda pala.

"Itong isang malaking hotel room suite nila, mas malaki pa sa bahay ko!” Natatawang sabi ni Venus, na kasalukuyang nagpapatayo ng sarili niyang bahay.

“Iyong condo dito sa Gilmore, iyon talaga iyong tinitirhan ko.

"Pero iyong bahay ko sa Bicol, ayun, natapos na siya. Thank God!

"Kumpleto na siya, iyong interior natapos na, pero, of course, may mga appliances na medyo kulang pa. Pero, iyong pinakabahay tapos na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hometown ng kanyang pamilya sa Bato, Camarines Sur, sa rehiyon ng Bicol, nagdiwang ng Pasko si Venus.

Kuwento niya noon tungkol sa kanyang Christmas plans: "I’m gonna celebrate my Christmas with my entire family.

"Masaya kasi pag Pasko talaga kasi ang daming bata, nandoon iyong mga pamangkin ko.

"'Tapos, pati iyong mga kapitbahay namin, nakiki-celebrate ng Christmas sa amin.”

Ano nga ba ang pinagkaiba ng pagdiriwang ni Venus ng Pasko ngayon kumpara noong hindi pa siya beauty queen?

“Mas may handa ngayon, noon wala!" Agad niyang bulalas, sabay tawa.

"Dati, mga pansit bato lang, mga suman-suman.

"Ang nakakatuwa lang, it’s not about what you eat on Christmas Eve, it’s not about opening gifts or giving or receiving gifts.

"It’s all about being together with your family.

"This Christmas, masaya ako kasi kumpleto kami ng mga kapatid ko, mga kuya ko, mga pamangkin ko, at iyong stepfather ko ay nandiyan talaga. Nandiyan sila lahat."

Naging palaisipan noong 2013 ang tungkol sa pamamaraan ng pagdiriwang ng holiday seasondahil nga hindi pa rin nakakabangon ang mga nabiktima ng super typhoon Yolanda.

Bilang isang beauty queen, role model, at celebrity, paano ininda ni Venus ang isyung ito?

“Sa akin, personally, there’s always a reason to celebrate everyday iyong Christmas and to be thankful.

"Celebrating Christmas naman is not iyong magarbo ng pagkain, pagsasayang ng kung anong resources na meron ka.

"Nasa puso pa rin natin kung ano iyong nangyari sa mga kababayan natin at kung ano iyong pinagdadaanan nila, iyong task din natin to share... Nandiyan din iyong masamahan mo sila doon sa mga dalamhati nila.

"Pero, kailangan mo pa rin palagi na magtira para sa sarili mo na you spend Christmas with your own family because it’s the birth of Jesus Christ.

"That’s the main reason why we are celebrating Christmas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FINDING LOVE AGAIN. Samantala, sa Manila naman na nag-celebrate si Venus ng New Year.

Tiyempo namang ikinasal din ang kaibigan niyang si Shamcey sa nobyo nitong si Lloyd Lee bago natapos ang taon.

Sa pagdalo niya sa kasal nina Shamcey at Lloyd, hindi ba nakaramdam si Venus ng pagnanasa na sana ay maikasal na rin siya?

“Hindi naman," agad niyang sagot.

"I know my time will come. I know that the right guy will come at the right moment, at the right place also.

"Sabi nga nila ay darating iyon pag nasa tamang panahon at oras ka, perfect iyon para sa 'yo.

"I know [there's] a right time for me.”

Huling nakarelasyon ni Venus ang dati niyang co-host sa Umagang Kay Ganda na si Andrei Felix.

Ngayong 2014, handa na ba si Venus na umibig muli?

“I’m very happy now," nakangiting sambit ng 25-year-old model-host.

"I’m leaving 2013 with a smile. Marami akong natutunan noong 2013, marami rin akong reason to be happy sa 2013.

"I would say that 2013 is one the happiest moment of my life.”

Sa ngayon ba ay tumatanggap na muli si Venus ng manliligaw?

“Definitely, hindi nagsasara iyong puso natin, at saka there’s always a reason to love, there’s always a reason to smile.

"Sabi ko nga, pag iyong God’s Best mo ay dumating na... Hay naku! Siguro that’s the best feeling in the world!”

BEAUTY PAGEANT GRAND SLAM. Bukod sa ilang personal na karanasan ay naging memorable din kay Venus ang 2013 dahil sa sunud-sunod na pagkapanalo ng kanyang mga kabaro sa international beauty pageants.

Isa na rito ang pag-uwi ni Bea Rose Santiago sa korona ng Miss International bago pa man sumapit ang Pasko.

Ano sa palagay ni Venus ang meron sa mga Pinay ngayon na napapansin na sa mga beauty pageant?

“Sa tingin ko kasi parang dumating na sa point na iyong mga Filipina representative natin sa mga international pageant ay nandoon na iyong kagustuhan to win.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nasa isip nila na, "Nagawa na ng mga kababayan ko ito. Bakit hindi ko kayang gawin?' Parang ganoon.”

Bilang isa sa naging trainer ni Bea Rose para sa kompetisyon na ginanap sa Japan, naramdaman ba ni Venus na masusungkit ng nakababatang beauty queen ang korona?

“Yes, nakita ko iyon kasi very determined siya... As in determined!

"She was claiming it na, 'I'll go home with the crown!'

"Wala kaming conversation na 'I’m not gonna win.' Kine-claim niya talaga na mananalo siya.

"Sabi pa nga niya minsan sa 'kin na 'Parang ang bigat bigat ng crown sa ulo ko.'

"So, talagang kine-claim niya na magkakaroon siya ng crown internationally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN