Geoff Eigenmann vows to show more skin in 2014

IMAGE Noel Orsal

A sexier Geoff Eigenmann boldly declared that 2014 would be the year that he shows a little more of his body to his audience. The Men's Health Philippines Magazine cover boy says that there's no better time to be more daring than now.


Si Geoff Eigenmann ang ang napiling mag-pose sa cover ng January 2014 issue ng Men’s Health Philippines Magazine.

Maituturing na inspirational ang cover feature kay Geoff dahil na rin sa pinagdaanan ng aktor matapos mabigyan ng "fat memo" ng GMA Network noong nakaraang taon.

Mula sa malaking timbang, nagawa niyang maibalik ang dating katawan at makapagbawas pa ng halos 40 pounds sa pamamagitan ng seryosong pagwu-work-out.

Inamin ni Geoff na ang memo ang isa sa mga dahilan para mas lalo siyang magpursige sa pagpapayat.

Isa sa mga regular activities ngayon ni Geoff ang MMA o mixed martial arts, isang contact sport na nagbigay daan upang maging toned ang kanyang katawan.

Ibinahagi rin ni Geoff na hindi siya gaanong nagda-diet. Halos lahat ay nagagawa pa rin niyang kainin.

“I’m just making the right choices in what I eat.

"Instead of going to fast foods for easy meal, I’ll go for something home-cooked. Healthier option lang.”

Naikuwento naman ng girlfriend niya na si Carla Abellana na nakaramdam ito ng guilt dahil tila isa siya sa naging dahilan ng paglobo ng timbang ni Geoff.

Ayon kay Carla, noong panahong nagda-diet daw ito ay halos si Geoff lahat ang kumakain ng kanyang leftover.

Ganoon pa rin ba sila hanggang ngayon?

“Well, ako naman, it’s always up to me naman. Ako, I enjoy eating that’s why I workout," saad ni Geoff.

"Hindi na ganoon ngayon, for sure. And even though we are, kung ganoon pa rin nga, I think we’re safe kasi I’m working out nga.

“Whatever I eat, I just burn it, so okay lang.”

May “cheat day” naman daw silang dalawa ni Carla.

“As much as possible, we go out at least once-a-week for a date night.

"Sa date night, anything goes. We love to eat and that’s our really bonding things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Carla rin naman daw ang isa sa naging inspirasyon ni Geoff para magpapayat.

Aniya, “I think, one of the thing that made me really gain weight is, masaya kasi ako. So, I just enjoyed basically.

"Hindi ko inisip na I’ll gain all that. Ngayon, I did something about it and we’re here.”

Mas masarap ngayon sa pakiramdam?

“Yeah, siyempre, masarap sa pakiramdam iyong gigising ka ng maaga, matutulog ka ng mahimbing.

"You eat right, mentally, physically, masarap ang pakiramdam when all three go in specific path.”

May takot ba siya na baka bumalik siya sa dati niyang timbang?

Nakangiting sagot naman ni Geoff, “Actually, hindi, e.

"Iyon nga ang problema sa akin, kasi hindi pa rin ako natatakot. Ako, I just enjoy.

“If things fall into place. If it works, it works. If it doesn’t, then, we’ll do something about it.”

MORE SKIN IN 2014. Ngayong 2014 na, naitanong ano ang mga plano Geoff at ano ang mga puwedeng abangan sa kanya?

“More skin!” nakangiting sagot ng anak ng mga batikang aktor na sina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Sabi rin niya, “Sana tuluy-tuloy ang mangyari. Maganda ang simula ng 2014, hopefully it can prolong until the end of the year.

"At saka, marami akong gustong subukan this year na for the first time ko lang gagawin.”

Ano-ano ang mga bagay na gusto niyang gawin sa unang pagkakataon?

“Secret na lang iyon,” natatawa niyang sabi.

“But, eventually, kung anuman ang mga pina-plano ko, you’re gonna find out for sure.”

Mas magiging daring na ba siya?

“I guess so. You can say that. One of the proper word is daring.”

Magiging daring ba siya pagdating sa mga karakter na gagawin niya o sa pagpapakita nga ng skin?

“Everything—career-wise and for my own self lang. For my career and for myself nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nakapag-udyok sa kanyang maging mas daring pa?

“Nasimulan na nga rito sa weight-loss. I’ve been getting ideas from people.

"They’ve been asking me questions, and since tinatanong ako, naisip ko, 'Oo nga, puwede kong gawin ‘yan.'

“And, I guess, it’s about time because I’ve been criticizing myself for the longest time, and, iyon, I’ll do something about it.

"Sinimulan ko na, so, itutuluy-tuloy ko na.”

Kadalasan sa mga aktor na nagsasabing willing silang tumanggap ng daring roles ay napapapayag ding gumanap ng gay characters.

Ganito rin ba ang pananaw ni Geoff?

“Yeah, I’m open naman [to play a gay role] and I’m not naman mapili sa roles talaga.

"If it’s really nice naman, why not, ‘di ba?

"Kung magaling ang director, maganda ang script, okay ang mga ka-trabaho mo, why not?”

Kuwento ni Geoff, nakagawa na rin siya ng isang proyekto kunsaan isa siyang bading.

“Not necessarily gay, but a cross-dresser. Pero matagal na iyon. Jomari Yllana-Gelli de Belen... it’s like fifteen years ago!

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Carla kung sakaling magpaka-daring siya sa kanyang mga roles?

"Ano naman, she’s always open kung ano ang makakapag-grow sa akin. I’m sure naman, she’ll approve of it.

“Kasi, career-wise naman, there’s only limited areas you can jump into and all that.

"I’ve been doing what I’ve been doing the longest time. I think, it’s something that I need to do.”

ADARNA. Kasalukuyang ginagawa ni Geoff ang primetime series na Adarna sa GMA-7, kunsaan unang beses silang pinagtambal ni Kylie Padilla.

Sabi ni Geoff, masaya naman daw sa taping nila.

“We’re doing really well, actually. Masaya kami sa set.

"Kahit na inuumaga kami, hindi namin iniisip iyon kasi, palagi lang kaming nagkukuwentuhan. Iba iyong bond namin dito sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re really a family that we talk about anything, everything. Work-related or not.”

Pareho namang umamin sina Geoff at Kylie na nagkakaroon ng ilangan sa pagitan nila noong mga unang araw ng taping.

Pero ngayon, ayon kay Geoff, “Wala na, everything is professional."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN