PEP EXCLUSIVE. Divine Lee shares her top five beauty resolutions for 2014

IMAGE Noel Orsal

Divine Lee's "beauty resolutions" for 2014 focus on having a healthier and more active lifestyle, and being hygienic.


Ngayong bagong taon, isa sa mga nais ni Divine Lee ay ang mapalaganap ang kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga ng katawan at kagandahan.

Kahit noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz, nauunawaan niya na importante ang kagandahan, lalo na para sa mga kababaihan, dahil isa ito sa nagbibigay ng confidence sa kanila.

Noong January 13, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-blogger sa press conference ng Flawless, ang beauty company na ineendorso niya.

“Alam mo, medyo matagal na ako sa kanila, isa na ako sa pinakamatagal nilang endorser, it became a lifestyle na," sabi ni Divine tungkol sa kumpanya na kilala sa kanilang mga skin and body treatments.

“Hindi na siya iyong pupunta ka lang kapag may pimple ka or pupunta ka pag meron kang something like rashes.

"Ito talaga, parang naging parte na ng daily routine ko, na pupunta ako at least once a week, magpapa-cleaning.

"Kasi, I feel, lalo na sa industriya natin, kailangan parati kang ready, parati mong inaalagaan ang sarili mo dahil technically iyon iyong puhunan mo.

“Ang pangit naman na lalabas ka sa TV tapos hindi makinis. Part iyan, ano iyan, obligation mo iyan sa sarili mo to take care of yourself.”

WHY FLAWLESS? Sa dami ng nagbukas na beauty centers sa bansa nitong mga nakalipas na taon, bakit nga ba dito napili ni Divine na ipagkatiwala ang kanyang katawan?

“One thing, we’re very affordable compared to a lot. But more than being affordable, I think iyong maipagmamalaki namin is iyong lahat ng facilities namin is Grade A standing, 'tapos very clean.

“Kasi marami nga tayong pinupuntahan na smaller franchise or other centers na hindi… they’re not after cleanliness.

"Ito, like bago gamitin sa 'yo iyong pangki-cleaning, makikita mo lahat sila talagang bago silang linis, tapos naka-seal.

“I think they put a lot of importance doon, and if makakabisita ka, makikita mo iyong training area talaga ng Flawless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon talaga makikita mo na world-class training iyong ginagawa nila, because the owner itself would go to Russia, Germany...

"Alam mo iyon, para lang mahanap iyong best and newest na para ma-offer natin para sa mga clients natin.”

Sabi ng iba, hindi mahalaga ang panlabas na anyo, kaya naman ang tingin nila sa mga babaeng mahilig mag-ayos sa sarili at bumisita sa mga beauty clinics ay vain o maarte.

Ano ang masasabi ni Divine tungkol sa mga misconceptions na ito ng mga tao sa mga katulad niya?

“No, it's not about being vain lang naman, e.

"Ako, pag tinatawag akong vain, hindi nga ako na-o-offend kasi ang iniisip ko is parang I take good care of myself.

"Importante nga iyon, hindi lang kesyo nasa harap ka ng camera o sa likod ka ng camera. It's how you take care of your body, iyon.

"Mahilig ako mag-gym, e, ang katumbas naman noon when it comes to skin care, dapat inaalagaan iyon, like going to your regular derma, like Flawless."

TOP FIVE BEAUTY RESOLUTIONS. Ngayong bagong taon, nagbahagi si Divine ng mga "beauty resolutions" para mas mapaganda pa ang ating kalusugan.

Aniya, “Well kasi, aside from going to Flawless, number one sa akin kasi I’m starting to eat healthy.

“Di ba hindi ako kumakain ng gulay? Alam mo namang kargador ako, di ba? So, kanin at ulam lang talaga, walang gulay.

"Pero ngayon, pati mga juicing [ginagawa ko].

"Meron mga things na hindi ko kayang kainin, like gulay, dahil hindi nga ako sanay talaga kumain ng gulay, na dinadaan ko na lang sa juicing."

Kuwento pa niya, “Second, siyempre importante mag-exercise ka, kaya kung tinitingnan mo iyong Instagram ko, ang daming exercise photos ko doon.

"Marami na akong trainor dati, pero parang ngayon lang ako na-addict, kasi dati, parang hindi ako ganoon ka-in-to-it, kasi hindi ko nakikita iyong resulta dahil wala akong tinapos na session. Iyong nakikiuso lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, naisip ko, meron akong sinalihan na class, and tinapos ko, and nakita ko iyong results.

"Pag nagwo-workout ka, parang mas mahaba ang oras mo pag nag-workout ka, tapos hindi ka madaling magkasakit, so medyo na-addict ako sa workout.”

Kasunod niyang ibinahagi ang tungkol sa makeup.

Saad niya, “Learn to be hygienic. Kung hygienic ka sa mga services na ginagawa mo, dapat pati sa mga daily mong ginagawa.

“Iyong mga makeup, hugasan mo iyong mga brushes. Important iyon!"

Sa mga social media at blog posts ni Divine makikita ang ilan sa mga makeup tips niya.

"Ako mismo I have Youtube videos na nagtuturo ako how to do the right way of makeup,” aniya.

Isa na nga rito ang look niya noong araw ng presscon na very fresh, natural, at glowing ang dating.

Sunod namang payo ni Divine ang tungkol sa pag-aalaga ng buhok.

“Of course, buhok is important din. Kung inaalagaan mo yung katawan mo, iyong skin mo, dapat iyong buhok mo hindi mo rin pinapapabayan di ba?”

Bukod sa regular na washing at conditioning routine, pinapayuhan din ni Divine ang mga kababaihan na magpa-treatment upang manumbalik ang nawawalang nutrients sa buhok sa tuwing ma-e-expose ito sa araw, init, at chemical products.

Panghuli, sabi ni Divine, “And iyon, invest in your skin, dahil sa buong katawan mo iyan iyong pinakamalaking surface area.

"Iyon iyong dapat mong kumbaga inaalagaan.

"Dati ang traditional derma, magpapa-appointment ka pa. Ngayon, sa Flawless, iyong tipong nag-lunch break ka lang nakadaan ka sa mall, puwede ka na kaagad ma-attend ng mga personnel namin.

"Easy na siya. Kumbaga wala ka nang puwedeng dahilan for not going and taking care of your skin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN