Frank Magalona loses at least 25 pounds through jogging

IMAGE Noel Orsal

Mula 160 pounds, nasa 145 pounds na lang ngayon ang timbang ni Frank Magalona. Nagpapayat raw ang actor-musician para sa bago niyang role sa teleseryeng Rhodora X.


Pumayat ng fifteen pounds kaya medyo nag-iba ngayon ang itsura ni Frank Magalona.

Biro nga namin sa kanya, nang makapanayam sa press conference ng bagong GMA show na Rhodora X , noong January 20, sa Plaza Ibarra sa Timog Avenue, ay magkamukha na sila ng younger brother niyang si Elmo Magalona.

Nagbawas daw si Frank ng timbang, bilang paghahanda na rin sa bago niyang role bilang si Santiago "Santi" Feliciano.

Jogging daw ang napiling paraan ng pagpapapayat ni Frank, na kilala rin bilang isang artist at musician.

“Forty-five minutes a day, and then every other day nagdyi-gym ako.

“And then, diet din—chicken breast, skinless, 'tapos I eat with less salt. And no sugar at all."

A plumper Frank Magalona at the Paktor launch last October 2013. (Photo by Noel Orsal)

Dati raw siyang 160 pounds, at ngayon ay 145 pounds na lang siya.

“So, malaki-laki din [ang nabawas],” ani Frank sa kanyang naging weight-loss sa loob ng tatlong buwan.

"Before nga mas mabilis pa, e, like I lost 15 pounds in one and a half months.

“Ngayon kasi, parang medyo nagtsi-cheat day ako.

"Before kasi I didn’t use to have a cheat day, pero ngayon may cheat days ako, and then I eat, ayon, some fatty foods and sugary foods.

“Ang cheat days ko, pabugsu-bugso. Sometimes once a week, sometimes siguro mga thrice a week.”

Bagamat may cheat days, patuloy pa rin naman si Frank sa pagsunod sa kanyang workout at diet regimen upang ma-maintain ang kanyang fit figure.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN