Jodi Sta. Maria not yet ready to give up her showbiz career

IMAGE Noel Orsal

If given the chance, Jodi Sta. Maria wants to pursue a college degree in Medicine and specialize in Oncology. “My Mom is a cancer patient, I would want to help iyong ibang mga tao on my own little way.”


Marami ang nakakapansin sa ganda ni Jodi Sta. Maria ngayon.

Kung kailan daw nagkakaedad na at nagkaanak, ay saka raw siya mas gumanda.

At ito rin ay sa kabila pa ng dami niyang pinagkaka-abalahan ngayon—bukod sa kanyang busy showbiz career at pagiging nanay sa anak na si Thirdy, ay may mga negosyo rin siyang inaasikaso.

Ano nga ba ang sikreto ni Jodi sa pagpapaganda?

“Siguro... siyempre, I see to it that I take care of myself, that I look good, kasi importante iyon dahil part iyon ng trabaho ko, to look pleasant.

“At nakakatuwa kasi despite my busy schedules, parang naisisingit ko pa rin na makapunta talaga sa Flawless at mabigyan nila ko ng alagang Flawless.”

Ang Flawless ay isang aesthetic company na nangangalaga rin sa skin ng iba pang artista gaya nina Divine Lee at Jasmine Curtis.

Si Jodi ang pinakabagong celebrity endorser ng beauty clinic kunsaan ang mismong may-ari nito na si Ms. Ruby Sy ay self-confessed fan ni Jodi bilang si Maya sa Be Careful with My Heart.

BETTER THAN EVER. Bukod sa napapansin ng karamihan ang kanyang pagbu-bloom physically, kapansin-pansin din naman na kung kailan tapos na siya sa stage ng pagiging young star ay ngayon naman umaalagwa nang husto ang showbiz career niya.

Kapag binabalikan niya ang nakaraan, at napupunang ngayon ay mas sikat na siya, ano ang nararamdaman niya?

“Actually, hindi ko na naiisip, kasi parang okay na ko with doing character roles.

“Okay na ako ro'n as long as I get to do what I want to do, what I love to dom, I’m okay with that.

“So, everything that’s happening to me now, blessing talaga ‘to. Blessing talaga from the Lord.

“Siguro iyong pagiging patient ko lang din, nag-pay-off.”

MEDICINE COURSE. Bago pa nagsimul ang Be Careful With My Heart, sinimulan na ni Jodi na mag-aral ng Medicine sa De La Salle University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, natigil siya dahil nga sa pagiging busy niya.

Gayunpaman, plano pa rin daw itong ipagpatuloy ni Jodi.

“Sabi ko nga, kung hindi siguro ko artista, nasa Medicine ako ngayon. Pero, nasa first year pa lang ako ng pre-Med.

“Matagal pa, kasi grumadweyt lang ako ng High School 28 years old na ko. Talagang pinilit ko lang tapusin to be able to go to college.

“I know rin naman, importante pa rin sa akin ang education.”

Kaya ba niyang i-give-up ang career niya para ipagpatuloy ang pag-aaral ng Medisina?

“To tell you honestly, kapag dumating ang panahon na siguro kahit hindi na ko mag-trabaho, puwede nating gawin iyon, eh.

“But for now, ang showbiz ang aking bread and butter. May anak pa rin naman ako.”

Medical Biology naman daw ang kinuhang pre-med course ni Jodi. Pero kung kukuha pa siya ng specialization course, ang gusto niya ay Oncology.

“My Mom is a cancer patient, I would want to help iyong ibang mga tao on my own little way,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN