Regine Tolentino prepares to launch summer workshops and Zumba events in RT Studios

IMAGE Rizza Benedicto

Regine Tolentino's RT Studios will be holding workshops on the following dates:

April 5 - Personality Development

April 28 - Ultimate Dance Workshops and Hip Hop, Belly Dancing, Voice Power

April 29 - Musical Theater and Latin Ballroom


Bagamat tahimik at masaya ang buhay pamilya ni Regine Tolentino ngayon, hindi maikakailang dumaraan pa rin ito sa ilang pagsubok.

Sa pakikipagkwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine noong February 20, sa kanyang business establishment na Regine’s Boutique sa Quezon City, nabanggit nito ang tungkol sa karamadam ng kanyang ina.

“Na-confine si Mommy sa St. Luke's Medical Center for amoebiasis leitis with bronchitis and pneumonia—a complication due to low immune system.

“My mom is on remission from her cancer, stage 4 Hodgekin’s lymphoma."

Matatandaang taong 2006 nang ma-diagnose ang kanyang inang si Regina Maristela na may bone cancer.

Naka-recover naman ito noong 2009, subalit dahil na rin marahil sa kanyang edad ay nagiging mas maselan na ang kanyang kalusugan ngayon.

Kuwento pa ni Regine: "My mom just came out of the hospital yesterday, and you know, we’re really maingat sa kanya kasi siyempre may days na malakas siya, and my days din na she needs to be in the hospital to rest, ganyan, so we’re just hoping and praying.

“Actually four days akong nakatira sa hospital, so I’m glad she’s out na kahapon and okay naman po siya,” nakangiting pagbabalita ni Regine.

ZUMBA ROYALTIES. Kahit busy sa pag-aalaga sa kanyang ina ay hindi pa rin naman napapabayaan ni Regine ang kanyang mga responsibilidad bilang asawa at ina.

Katunayan, tila mas tumitibay pa ang samahan nila ng asawang si Lander Vera-Perez ngayon dahil napagsasabay nila ang pagbo-bonding bilang pamilya, pagwo-workout, at pagne-negosyo nang dahil sa pagkahilig nila sa Zumba Dance Workout.

“Ang sarap ng feeling [mag-Zumba]. We're addicts! Talagang we love fitness, we love to dance together, and we have so much fun.

“Talagang pati mga anak namin kasali. Four times a week kami, even five, minsan six times a week kung mag-Zumba kami.”

Kinikilala na nga ngayon sina Regine at Lander bilang Zumba Queen and King ng mga taga-sunod ng naturang weight-loss dance craze.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Regine: “Iyong schedules namin, nai-invite na kami all over the Philippines. Nagkakaroon na kami ng sarili naming mga events and sponsors.

“Talagang super uso ngayon, and pupunta kami sa Florida, USA para sa conventions ngayong August.

“So, ayan, Zumba Queen and Zumba King na ang tawag sa amin. Kaya we have to stay in shape, we have to be always updated with the latest routines, and siyempre kailangang makita sa amin na physically fit, na talagang effective iyong Zumba.

“Nakaka-adik talaga ang Zumba, e. It’s high-energy, di nakakasawa, talagang mabilis, and after, talagang pawis.”

ZUMBA WORKSHOP. Patuloy ngang lumalaki ang following ng Zumba sa Pilipinas at natutuwa si Regine na nagiging bahagi sila ng patuloy na paglago ng exercise na ito na nakakatulong umano sa pagbawas ng timbang.

Sa ngayon ay busy si Regine sa paglulunsad ng mga bagong Zumba events sa ilalim ng kanyang kompanya na RT Studios.

Kasabay rin nito ay ang pagbubukas ng iba pang summer workshops na maaring mapagkaabalahan ng kanyang mga kliyente—lalo na ng mga kabataan—ngayong darating na summer break.

“I’m excited about this new project. Our new thing ngayon dito sa studio is we’re very active online, sa mga social media namin.


“We had a very successful…one of the biggest Zumba events here in Manila, sa Robinson’s Magnolia, Zumba Stars. Ang next namin ay sa February 28, mayroon din kami sa March 29, tapos iyong big event namin ay sa August 9 sa Market-Market. Iyon sa Zumba.

“Sa summer workshops naman, siyempre alam niyo naman po, every summer iyan. Pang-10th year na namin ito, and we have a grand dance concert sa lahat ng mga estudyante po namin.

“Tapos iyong mga anak ng artista rin. Kasali riyan iyong anak ni Ms. Lucy [Torres-Gomez]; anak nina Zoren [Legaspi] at Carmina [Villaroel, the twins; ka-klase ng mga anak ko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyong mga Zumba students, lahat kami may big show and fashion show naman sa June 3. Kabilang sa mga program na puwedeng mag-enroll ay sa hosting, dancing, singing, musical theater, martial arts…

“Iyong isang program namin, kasali na po iyong dance, hosting, and modeling, isang program na po iyan. Iyon iyong Ultimate Workshop na ipinagmamalaki namin for ten years na, na program ko.

“And then, aside from that, mayroon akong itinuturo with Nina Ricci Alagao na personality development. This is for confidence, poise, speaking skills, taking pictures… iyong mga nangangailangan ng confidence talaga.”

Samantala, inaanyayahan naman ni Regine ang lahat na sumali sa kanilang workshops at events.

“Yes, puwedeng-puwedeng sumali. They can call our office anytime sa 723-8289, 9660422, 726-6669, 966-2832.

“You can follow us at Instagram & Twitter: @RTStudiosPH & @RBoutiquePH anytime. Iyong mga inquiries nasasagot agad ng mga staff namin iyan.”

BOUTIQUE BUSINESS. Samantala, pagdating naman sa kanyang boutique business ay lalong lumalago ito at nadadagdagan ng clientele.

Ayon mismo kay Regine: “Opo, marami kaming showbiz clients, aside from our other clients.

"Like sina Lucy, Ruffa [Gutierrez]... lahat halos ng artista dine-design-an ko, kasi I supply for minsan Party Pilipinas."

Ang Party Pilipinas ay ang defunct Sunday noontime show ng GMA na ngayon ay pinalitan na ng Sunday All-Stars.

"Eat Bulaga! is also our regular client, so lahat ng artista,” dagdag pa ni Regine.

Pero ayon kay Regine, ang fave customer niya ngayon ay ang child star na si Ryzza Mae Dizon.

“Favorite kong bihisan si Ryzza Mae, at saka madali lang dahil matipid sa tela kaya madali lang siyang gawan ng damit,” nakatawang saad ni Regine.

“At saka may mannequin na kaming pang-Ryzza Mae, kaya madali na siyang bihisan.

“At saka lagi siyang tumatawag, personal siyang tumatawag sa akin, ‘Thank you pooo!!’ sabi niya sa akin sa phone.

“Lahat na nga nabihis ko sa kanya—mula madre, cupid, prinsesa, doctor, Chinese, Madonna, lahat nabihis ko na diyan. Mayroon din siyang snowman, monster na costume, taong grasa…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre iyong mga artista sa Eat Bulaga! ay binibihisan din namin, sina Julia [Clarete], Solenn [Heussaff], Isabelle Daza, Lovi [Poe], Ryan [Agoncillo].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN