THROWBACK THURSDAY: Regine Tolentino looks back at 17 years of married life

IMAGE Rizza Lorraine C. Benedicto

Regine Tolentino on how she and husband Lander Vera Perez were able to rekindle their romance: “Nakatulong ang support ng parents, and, siyempre, our true love for each other... to work things out, and make a greater effort to take care of each other, and show our love and affection. In this whole experience, we realized how much we love and care for each other."


Masasabing nasa peak ng kanyang showbiz career noon si Regine Tolentino nang magdesisyon siyang magpakasal sa asawang si Lander Vera Perez.

Eighteen years old noon si Regine, at kabilang siya sa unang batch ng Star Circle ng ABS-CBN, na pinamumunuan ni Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

Isa noon ang mestiza star sa mga kilalang teen actresses ng kanyang henerasyon at paborito rin siyang isalang sa mga variety shows dahil sa kanyang talento sa pagsasayaw.


Kung babalikan ang kanyang naging karera sa showbiz, wala ba siyang regrets sa naging desisyon niya na mag-asawa nang maaga?

“No regrets!” nakangiting saad ni Regine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Because I'm happy to say that I'm an accomplished and fulfilled woman at my young age of 35.

"Success is not only based on my showbiz career, it's about finding the perfect balance.

“I have three thriving and growing businesses, two wonderful children, an amazing marriage to the love of my life, and a steady career in showbiz doing what I love, which is dancing, hosting and acting.

"I am perfectly happy and looking forward to so many exciting projects coming my way,” saad pa niya.

THROWBACK. Since Thursday noong ma-interview namin si Regine, binalikan namin ang pagsubok na pinagdaanan nila noon ng asawang si Lander.

Ilang taon kasi matapos silang ikasal ay napabalitang nagkahiwalay ang dalawa.

Inamin naman nila ito noon sa media, pero kalaunan ay nagkaayos rin sila at ngayon nga'y nabubuhay nang mas tahimik at masaya.

Wika ni Regine tungkol sa mga natutunan niya tungkol sa paghihiwalay nila noon ni Lander: “Getting married at a young age caused our very brief separation for soul searching and counseling.

"It was a challenge to deal with motherhood, marriage, showbiz, and business all at the same time."

Aminado si Regine na matindi ang pressure na naramdaman niya noon, at isa ito sa naging sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan ni Lander.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano ang naging susi noon sa kanilang pagbabalikan?

“Nakatulong ang support ng parents, and, siyempre, our true love for each other... to work things out, and make a greater effort to take care of each other, and show our love and affection.

“In this whole experience, we realized how much we love and care for each other.

"This has made our marriage stronger, our family solid and centered on God, and iyong appreciation for all our blessings.

“Lander and I have a wonderful relationship.

"We are now on our 17th year being married, and going strong.

"We continue to be the best of friends, but still like boyfriend and girlfriend—full of laughs, sweetness, and romance!

"We always have fun together and miss each other when we're not together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN