PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dion Ignacio is not yet ready to have a family; supports friend Mark Herras in his new role as a father

Dion Ignacio donates musical instruments to elementary students in lieu of receiving a birthday gift.
Published Apr 7, 2014
Dion Ignacio held an early birthday celebration on March 19, at the Bagong Silangan Elementary School in Quezon City, where he donated musical instruments for the school's drum and lyre band.

Tiyempong binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion Ignacio sa set ng GMA teleserye na Innamorata sa Cainta, Rizal, noong March 27, isang gabi bago ang kanyang kaarawan.

Twenty eight years old na ngayon ang Kapuso actor, at sa kanyang kaarawan ay hinihiling niya na sana ay patuloy pa siyang mabigyan ng maraming proyekto.

“Gusto ko, after nitong Innamorata, may work ulit ako. Kaya pinag-iigihan ko iyong trabaho ko, para maraming blessings,” aniya sa PEP.

Hinihiling din ni Dion na sana ay biyayaan pa ng "good health" ang kanyang buong pamilya, lalo na ang kanyang amang si Norman Ignacio, na may problema sa kanyang kidneys.

“Kaya mag-ingat kayo sa maalat! Mahirap, naku," paalala ni Dion sa madla.

Dalawang beses isang linggo raw pagda-dialysis ng kanyang ama.

“Kaya kailangan ko talaga ng work,” wika pa niya.

“Iyong isa [kidney], medyo okay pa. Iyong kanan, parang ano [deteriorating] na..."

Dalawang buwan na raw na nagda-dialysis ang ama niya at hinihiling niya na sana ay gumaling na ito upang hindi na mahirapan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIRTHDAY GIFT. Nang nakausap namin si Dion ay wala pa raw siyang natatanggap na birthday gift. Hindi na rin daw siya magse-celebrate.

“Sobrang busy kasi kaya hindi na ako makakapag-celebrate. Bukas nga, ewan ko,” aniya noong gabi bago ang kanyang kaarawan.

Sapat na para kay Dion ang idinaos niyang selebrasyon noong March 19, ilang araw bago ang kaarawan niya, sa pamamagitan ng pagdo-donate ng musical intruments sa Bagong Silangan Elementary School Drum and Lyre band.

“Kasi, balita namin doon ng [GMA] Artist Center, parang maraming estudyante roon na mahilig sa music. So, iyon talaga iyong ibinigay namin sa kanila.”

Ilang instrumento ang ibinigay niya?

“Marami, e. Actually, parang share kami ng Artist Center [sa gastos]. Siguro mga sampu, ganyan. Parang iyon rin ang plano ng Artist Center.

“Tapos nag-show ako doon, kumanta ako, napasaya ko iyong mga tao, iyong mga bata. Sobrang sarap sa pakiramdam.”

MARRYING AGE. Samantala, ngayong maituturing nang nasa marrying age si Dion ay tinanong namin siya kung hindi pa ba niya naiisip mag-settle down?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Dion, ang tanging hiling lang niya para sa sarili niya ngayong birthday niya ay "Good health lang at mas maraming trabaho, mas maraming work.”

Wala pa raw sa plano niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Pag marami na akong pera, 'tsaka ako mag-iisip tungkol diyan,” sabay tawa ng aktor.

“Hindi pa puwede [mag-asawa]. Marami pa akong binubuhay!” dagdag pa niya.

Gusto rin sana ni Dion na magkaroon ng sariling negosyo para "mas lumawak iyong pangkabuhayan ko, para mas matulungan sina Mama, si Papa.”

Pero kumusta naman ang kanyang lovelife sa ngayon? May wish din ba siya para sa kanila ng non-showbiz girlfriend niya?

“Sana maging strong pa... tumagal,” wika ni Dion, na inaming "complicated" daw ang status ng relasyon nila dahil busy sa pag-aaral ang kanyang nobya, samantalang abala naman siya sa kanyang career bilang artista.

MARK HERRAS. Napag-uusapan na rin lang ang pagkakaroon ng pamilya, tinanong din namin si Dion kung ano ang naging reaksiyon niya sa pagiging "binatang ama" ng batchmate niya sa unang season ng reality talent search na StarStruck na si Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Mark Herras admits fathering a baby girl

“Wala, e. Nangyari na, e. Nangyari na po, so support na lang,” wika ni Dion.

Si naman daw ay siguradong walang anak sa pagkabinata.

“Wala po akong anak. Hindi puwede, talagang ingat talaga, e.

“Medyo nagulat ako [kay Mark], pero ayos lang. Suporta na lang para kay Mark, para lumakas iyong loob niya.”

Kung siya ang nasa sitwasyon ni Mark, aaminin rin ba niya kung sakaling may anak pala siya sa pagkabinata?

“Hindi ko alam, kasi hindi ko pa na-experience, e. Ewan ko. Malilito ako, magkahalong emotions, takot, pagkalito.”

Gusto na ba niyang magka-anak?

“Hindi, pero kung dumating, bawal namang ipa-ano [laglag] iyon, di ba?

“Tatanggapin mo na lang siguro, dahil minsan, iyong ganoon, susuwertehin ka pa.

"Alam mo kung bakit? Kasi sisipagan mong magtrabaho, e. Mas dodoble iyong sipag mo.

"'Tsaka blessing iyon! Blessing naman, e. Pagka i-honor mo si God, walang imposible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dion Ignacio held an early birthday celebration on March 19, at the Bagong Silangan Elementary School in Quezon City, where he donated musical instruments for the school's drum and lyre band.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results