PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eat Bulaga! Dabarkads visit Niagara Falls; Ryzza Mae Dizon sees snow for the first time

Day 2 of the Dabarkads is spent at the Niagara Falls, where Ryzza Mae Dizon sang "Let it Go" a la Elsa of Frozen.
Published Apr 12, 2014
Tito, Vic, and Joey with Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon posed with the Niagara Falls in the background.

TORONTO, CANADA. The Eat Bulaga! Dabarkads had a grand time at the famous Niagara Falls located at the border of Ontario, Canada and New York, USA.

Sa day 2 ng EB tropa last Thursday, April 10 (Canda time), naganap ang day tour ng grupo sa sikat na waterfalls.

Past 10 A.M. nag-pull out from our hotel in Downtown Toronto ang malaki at komportableng Coach Canada bus na sinakyan ng buong EB entourage—hosts, production staff, and crew included.

Parang nagpi-field trip ang tropa na kanya-kanyang kuwentuhan at bidahan habang nagsi-share sa napakaraming baon na snacks and drinks during the almost to-hour road trip to Niagara.



TVJ. Jokingly ay nag-dare si Senator Tito Sotto kay Jose Manalo na bibigyan niya ito ng premyong US$500 kung maliligo ito sa Niagara Falls.

Mabilis na sumagot si Jose na keri niya ang hamon na ‘yon ni Tito Sen. But of course, he was just joking at gusto lang niyang bigyan siya ng prize money ng senator-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Joey de Leon naman ay may mga baon na naughty punchlines tungkol sa Niagara, na ang pronuncication is similar to "Viagra."

Parang biglang nabuhayan ng dugo si Allan K sa mga pilyong hirit ni Joey at gusto na raw nitong magpaiwan doon. Smile lang ang katabi ni Allan sa bus na si Paolo Ballesteros.

Nanghinayang si Joey dahil based on his research ay maraming cherry blossom trees sa isang park dito sa Toronto (sa High Park) na hindi kalayuan sa tinutuluyang hotel ng dabarkads.

According to him, niregaluhan ng Japan ng more than 2,000 cherry blossom trees ang Toronto. Just like in Japan ay month of April din kung mamukadkad ang cherry blossoms, also called sakura.

Gusto sanang makita ang mga ito ng "Pinoy Henyo Master" (isa sa mga bansag kay Joey) but unfortunately, kahit officially ay nag-start na ang spring season dito ay nananatiling kalbo ang mga puno at hindi pa nagsisimulang tumubo ang mga dahon at bulaklak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng mga taga-rito, baka isang linggo pa bago mag-bloom ang sakura trees sa High Park.

Si Vic Sotto ay mas interestedong makakita ng maple tree na may malalagong dahon dahil kilala ang Canada sa mga puno na ‘yon.

The Canadian flag has a big red maple leaf symbol in the middle.

Unang naghanap ng maple tree with maple leaves si Bossing nung mag-show ang Eat Bulaga! sa Vancouver noong 2011.

Last week of April na nung mag-show ang EB sa Canadian West Coast pero kalbo pa rin ang maple trees at that time kaya "frustrated" si Vic.

So, parang naging running joke na ni Bossing ang kanyang tila never-ending search for that perfect maple tree.

SEEING NIAGARA. Excited na nagtilian ang EB Babes nang una nilang masilayan ang grandiosong Niagara Falls from the window of the tourist bus na sinasakyan ng grupo.

Pagbaba ng lahat ay kaagad na nagpasiklab si Jose at biglang hinubad ang suot niyang shirt and jacket, 'tapos ay nag-pose siya nang shirtless na background ang sikat na falls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLICK: Eat Bulaga! Dabarkads visit Niagara Falls

Ang baby ng EB dabarkads na si Ryzza Mae Dizon ay manghang-mangha sa rumaragasang tubig ng malawak na falls ng Niagara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-shoot ng ilang video footage for Eat Bulaga! si Ryzza together with Tito, Vic, and Joey.

Habang karga-karga ni Bossing ay tinanong nito si Ryzza kung nagdala ba ito ng pang-swimming.

Bago kasi sila umalis ay may biruan ang dalawa na magsu-swimming sila sa Niagara, na ang akala raw ni Ryzza nung una ay parang Pagsanjan Falls sa Laguna na puwedeng maligo.



GROUFIE. Ang sayang panoorin na maging ang TVJ ay game na game at nag-e-enjoy sa group selfie shots, which is also referred to as the "groufie."

Of course, hindi mawawala ang sweet Kodak moments ng mag-sweetheart na Vic and Pauleen Luna with the majestic Niagara Falls as backdrop.
Meron ding gano’n si Joey with his wife Eileen Macapagal who is always with him every time he travels.
Solo flight naman si Tito Sen dahil hindi natuloy na makasama ang wife niyang si Helen Gamboa sa trip na ito.
SNOW FIGHT. There’s a part of the viewing area ng Niagara na may naipon pang makapal na snow from the recent winter season.
Witness ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paano nag-iba ang energy ni Ryzza Mae nang tumapak siya sa yelo at makahawak ng snow for the very first time in her life.
Hindi ma-contain ng bagets ang sayang nadarama niya. Agad siyang nag-ipon ng snow sa kamay niya at pinagbabato ang makita niyang dabarkads.
Nag-snow fight sila ni Paolo at ng iba pang mga nasa area na ‘yon na type niyang batu-batuhin ng niyebe.
Feel na feel na kinantahan ni Aleng Maliit ng Let It Go sina Tito, Vic, and Joey habang may hawak-hawak siyang snow.
Parang damang-dama ni bagets na siya si Ice Queen Elsa from her favorite Disney animated movie na Frozen because of all the snow around her.
Dream come true for the eight-year-old child superstar ang experience na ‘yon. At priceless ang labis na kaligayahan na nakita namin sa mukha niya!
SKYLON TOWER. Sa famous revolving dining room near the top of the Skylon Tower nag-lunch ang EB Dabarkads after ng walang puknat na piktyuran sa Niagara Falls.
Fabulous ang view sa restaurant, which is 775 feet above the falls. Kitang-kita mula rito ang kabuuan ng kagila-gilalas na natural wonder sa ibaba ng tore.
Habang kumakain ang diners dito na mostly tourists ay umiikot slowly ng 360 degrees every hour ang nasabing revolving resto.
Nakatuwaan ng very clever na si Ryzza na sumakay sa small moving panel in between the glass windows and the tables of the restaurant.
Ang cute-cute ni bagets dahil nakaupo lang siya roon, pero unti-unti niyang naiikot ang iba’t ibang mesa ng Dabarkads.
Para siyang mini-debutante na nagti-table hopping sa kanyang birthday party while all her friends and guests ay nagpapa-photo op sa kanya, without exerting any effort and just by sitting there.
PRESS CON. From Skylon Tower ay dumaan muna ang grupo sa malapit na outlet stores along the way for some quicks shopping.
Medyo traffic pabalik ng hotel dahil rush hour.
So, pagdating ng hotel ay segue na ang Dabarkads sa kanilang 6 P.M. presscon for the Pinoy press of Toronto.
Hindi gaanong mahaba ang presscon attended by Jose, Wally Bayola, Paolo, Anjo Yllana, and Jimmy Santos. Humabol sina Allan K at Keempee de Leon.
Isa sa mga nag-host ng presscon ay ang dating aktres na si Beverly Vergel na six months na palang nakatira rito. She recently moved here upon the request of her Toronto-based daughter, with whom tatlo na ang kanyang mga apo.
Most awaited ng local press ang pagdating ni Ryzza sa presscon, but unfortunately ay hindi na kinaya ng powers ni Aleng Maliit ang um-attend dito. Nakatulog na si bagets sa sobrang pagod.
After the presscon ay sama-samang nag-dinner ang Dabarkads sa Fishman Lobster Clubhouse Restaurant in Chinatown where they feasted on huge yummy lobsters and other fresh seafoods.
Habang sinusulat namin ang PEP article na ito ay Friday (April 11) dito at gaganapin pa lang ang rehearsal ng Dabarkads for their show, Eat Bulaga Live in Toronto, to be held the following day (Saturday, April 12) at the Sony Centre for the Performing Arts here in Toronto.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tito, Vic, and Joey with Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon posed with the Niagara Falls in the background.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results