PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Where did the stars spend their Holy Week break?

Local celebrities spent the Holy Week break by flying to their dream out-of-the country destinations or simply staying home and enjoying the picturesqu
Published Apr 20, 2014
Mas pinili ng mga artista na mag-out of the country nitong nakaraang Holy Week at mamasyal sa mga dream vacation places nila. Katulad nina Anne Curtis at boyfriend na si Erwan Heussaff, kasama ang kapatid nitong si Solenn at boyfriend na si Nico Bolzico kung saan nag-ikot ang mga ito sa Myanmar. Ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera at Iza Calzado at syotang si Ben Wintle naman ay nagtungo ng Japan. Samantalang sina Rocco Nacino at Lovi Poe naman ay ini-enjoy ang magaganda

Bukod sa mga tradisyunal na panata at pangilin sa Semana Santa, sinabayan na rin ng ilang mga Pinoy at mga artista ng bakasyon ang mahabang Holy Week break.

May ilan, sa ibang bansa piniling magliwaliw, ang iba naman ay sa mga beach destinations dito sa Pilipinas.

Ang iba naman ay mas piniling sa Metro Manila lamang palipasin ang Holy Week na tinatawag ng marami na staycation.

OUT OF THE COUNTRY. Ang Kapamilya star na si Enchong Dee ay piniling maging solo backpacker sa America matapos ang Star Magic Basketball tour sa U.S.

Sa kanyang pamamasyal sa U.S., natiyempuhan pa nito ang pagdaan ng convoy ng Pangulong Barrack Obama. Aniya, “The closest thing I can get to the most powerful man in the planet one of my highlights #EnchongAwesomeTravel is going to be my official hashtag from now on"

Hindi rin nito nakaligtaang dumaan sa isang simbahan noong Huwebes Santo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya sa kanyang video post sa Instagram, “Just as promised mom and dad... Never forget the real meaning of holy week I know God navigated me here coz i lost my map while taking a photo and just going nowhere until i saw this #enchongawesometravel"

Ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay sa Japan naman piniling i-celebrate ang Holy Week.

Sa Japan din nagbakasyonsi Iza Calzado at ang boyfriend nitong si Ben Wintle.

Ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales, kasama ang fiancé na si Kim Jones, ay sa Australia naman nagbakasyon.

Kasabay din ng bakasyong ito ni Echo ang shoot para sa isang proyekto.

Sa Australia din nagtungo ang Eat Bulaga! co-host na si Isabelle Daza, kasama ang nobyong si Adrien Semblat.

Ang rumored couple naman na sina Rocco Nacino at Lovi Poe ay ala-Lovers In Paris ang drama sa kanilang pamamasyal sa France, na siyang kadugtong ng kanilang bakasyon sa Italy noong unang bahagi ng Abril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa caption ng isang larawan nila ni Lovi sa may Eiffel Tower: "Romantic dinner, picture taking and cruise at the seine river with @lovi_poe. We fell in love with Paris. excited to visit the Louvre!"

“Holding hands while walking” naman sina Bianca Manalo at ang boyfriend nitong modelo na si Ryan Ordonez sa America.

Sa Hong Kong naman ipinasyal ni Kris Aquino ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Kasa-kasama nila sa bakasyon ang mga kaibigan ni Kris na sina Vice Ganda, Liz Uy, at Erich Gonzales.

Ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, kasama ang mga anak na sina Cassie at Mavi, ay sa Tokyo Disneyland naman sa Japan nagtungo.

Ang Kapatid star namang si Ogie Alcasid ay dinalaw ang dating asawang si Michelle Van Eimeren at kanilang dalawang anak na sina Leila at Sarah sa Australia.

Magkasama naman sina Anne Curtis at Solenn Heussaff sa Myanmar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama nila siyempre ang kani-kanilang mga nobyo: kay Anne si Erwan Heussaff, na kapatid din ni Solenn; at ang Argentinian athlete na si Nico Bolzico.

Ang birthday girl namang si Kim Chiu ay kasalukuyang nasa America pa rin.

IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES. Ang iba naman ay mas piniling i-enjoy ang ganda ng Pilipinas.

Ang beauty queen na si Ariella Arida ay sa Calaguas Island, Camarines Norte nagpunta.

Ang Kapuso star at politician na si Angelika dela Cruz pinili namang magbakasyon kasama ang pamilya sa Batangas.

Ang aktor na si Matteo Guidicelli ay mas piniling mag-ikot sa kanyang hometown sa Cebu.

Ang singer na si Rachel Alejandro ay sa Balesin Resort sa Quezon nagtungo kasama ang kanyang asawa.

Ang TV host naman na si Kim Atienza ay nagbakasyon kasama ang pamilya sa Boracay.

Sa Boracay din nagtungo ang broadcaster na si Karen Davila.

Sa isa sa mga posts nito, makikitang kasama niya si Vice Ganda na tila nag-side trip muna bago tumungo ng Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang magkasintahang sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz ay mas piniling mag-staycation.

Si Mariel Rodriguez-Padilla naman ay personal na nagtungo noong Biyernes Santo sa Pampanga upang saksihan ang pagpapako ng mga namamanata doon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas pinili ng mga artista na mag-out of the country nitong nakaraang Holy Week at mamasyal sa mga dream vacation places nila. Katulad nina Anne Curtis at boyfriend na si Erwan Heussaff, kasama ang kapatid nitong si Solenn at boyfriend na si Nico Bolzico kung saan nag-ikot ang mga ito sa Myanmar. Ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera at Iza Calzado at syotang si Ben Wintle naman ay nagtungo ng Japan. Samantalang sina Rocco Nacino at Lovi Poe naman ay ini-enjoy ang magaganda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results